DANGEROUS I

6.7K 81 2
                                    

DANGEROUS I

“Ackkk! Ang pogi talaga ni sir Drax!”

“Sir Brent, akin ka nalang please!”

“Ang hot ni fafa Xian!”

“Kahit na masungit, ang gwapo ni sir Gavin!”

Napangiti ako ng palihim at pilit na nakisiksik sa mga nagkukumpulang kababaihang estudyante na abala sa pagtitig sa mga nagwagwapuhang nilalang sa balat ng lupa. Oh my goodness talaga dahil ang school namin ay biniyayaan ng nagwagwapuhang mga professor.

Malamig at sabay sabay na naglalakad ang mga ito na para bang walang pakialam sa paligid. Palihim kong tinitigan si sir Gavin. Ang gwapo niya talaga

Napakagat ako sa ilalim ng aking pisngi at namumulang nag iwas ng tingin. Shet, bakit ba kase ang hot niya? Bakit ba kase distracted ako sa blue eyes niyang nakakapanghina? Ang dami ko tuloy kaagaw sakanya

“Ang gwapo talaga niyang si Sir Xian ano?” Bulong sakin ni Mika, kaibigan ko

“Mas gwapo pa rin talaga si sir Gavin” Wala sa loob kong usal dahilan para ngisihan ako ng kaibigan

“Bakit ba gustong gusto mo siya? Delikado ang lalaking iyan ah?” Hindi ko pinakinggan si Mika

Marami ang usap usapan na talagang marahas si sir Gavin at walang sinasanto kung magalit, napatunayan ko na rin iyon pero kahit na ganun ay hindi nakabawas ang mga iyon sa paghanga ko sakanya. Kahit pa siguro siya ang pinakamasamang tao ay tatanggapin ko siya

“Wala lang. There's something in him na hindi ko alam bakit ko gusto” Wala sa sarili kong sagot. Basta ang alam ko lang, tumitibok ang puso ko sa tuwing marinig ang pangalan o kahit boses niya

Basta ang alam ko, may epekto siya sakin kahit na pilit ko siyang iuncrush ay di ko magawa. Iba ang tama ko kapag siya ang napag uusapan at nakikita

“Mga gwapo nga, masusungit at masasama naman ang ugali” Napatingin ako sa isa kong kaibigan nang magsalita ito. Si Kira. Ang kambal ni Mira.

“Pero gwapo pa rin. Makalaglag panty. Kapag talaga napansin ako ni sir Xian, kahit virginity ko ibibigay ko sakanya” Natatawang saad ni Mira dahilan para disgusto siyang tingnan ng kakambal

Napatawa nalang Ako sa dalawa. Kahit magkakambal sila at magkapareha ang mukha, malalaman at malalaman mo pa rin ang pagkakaiba nila. Si Mira ay yung tipo ng babae na happy-go-lucky at bibo sa lahat samantalang ang kakambal na si Kira ay seryoso sa buhay at medyo masungit. Buti nalang at kaibigan ko siya dahil kung hindi, baka isa ako sa mga estudyante na masusungitan sakanya

“Kadiri ka naman” Ngumisi si Mira sa Kapatid at napailing iling at hindi ito pinansin

“Si Bryan oh” Tinuro ni Mira ang isang lalaki na papunta sa gawi namin. Si Bryan. Manliligaw ko

“Hi babe!” Ngisi nito sakin dahilan para irapan ko ito. Hinila ko si Mira at Kira para makaalis na kami. Ayoko makita ang pagmumukha ni Bryan. Nakakairita kase

“Oh, Galit ba ang baby ko para hindi ako pansinin?” Pag aasar nito sakin. Nakaramdam ako ng hiya dahil pinagtitinginan kami ng iba pang mga estudyante at ang iba ay inaasar at pinagtatawanan kami

“Kailan mo ba ko sasagutin? Dalawang buwan na kong nanliligaw sayo” Tila nagmamakaawa nitong tanong sakin dahilan para ismiran ko ito

“Wala kang pag asa sa kaibigan ko. May lihim na minamahal sa malayo yan” Gatong pa ni Mira samantalang seryoso lang si Kira sa tabi namin

Sumeryoso ang mukha ni Bryan nang marinig iyon at mariin akong tinitigan. Napaiwas ako ng tingin at nilagpasan nalang siya. Sumunod naman sakin Ang dalawa

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon