DANGEROUS XIV

3.2K 68 6
                                    

DANGEROUS XIV

Hindi ko nilingon si sir Gavin pagkatapos ng tagpong iyon. Todo iwas ako ng tingin sakanya kahit na ramdam ko ang kilig sa loob loob.

Ramdam ko ang iilang sulyap niya sakin pero hindi naman ito nagsalita.

Madilim na nang makarating kami sa mansyon niya. Nag text ako kay mama na papasok na ako sa trabaho at hindi makakauwi

Nang makapasok ako ay agad na sumalubong sakin si Caena.

“Mommy!” Sigaw ng bata at yumakap ng  sa bewang ko saka nagpakarga sa akin. Napangiti ako

“Hello Caena….” Malambing kong saad at kaagad itong kinarga saka hinalikan sa pisngi

“Mommy I miss you. Wag ka na umalis please” pakiusap ng bata at hinalikan ako sa pisngi saka sumiksik sa leeg ko at yumakap ng mahigpit

“Oo, hindi na aalis si mommy” sagot ko sakanya at agad na pumunta sa itaas para magbihis.

Inilapag ko si Caena sa kama habang ako naman ay nagbihis

“Mommy, why don't you share room with daddy? Galit ka sakanya?” Tanong nito sakin dahilan para mapailing ako

“Bawal kami mag share anak” sagot ko nalang kahit na alam kong hindi niya maiintindihan

“Why mommy? Why don't you share a room with daddy?” Tanong nito sakin dahilan para mapangiwi ako. Kahit naman explain ko sakanya ay di niya parin maintindihan dahil sobrang bata pa niya

“Anak, Hindi mo pa maintindihan sa ngayon, saka na okay? Tama na ang maraming tanong. Halika na, luluto ako ng spaghetti” napangiti naman ito at yumakap sa akin nang kargahin ko.

Napakalambing talaga ng batang ito kahit kailan.

Nang makababa kami at pumunta sa kusina ay naabutan namin doon si Fourth na nakaupo habang nagbabasa ng libro

Binaba ng bata ang binabasa niya bago ako titigan saglit. “hello Fourth” bati ko sa bata at hinalikan ang noo nito

“Magluluto ako ng spaghetti, dito lang kayo bantayan mo Ang kapatid mo okay?” Nilagay ko si Caena sa isang upuan bago ako nagsimulang magkalkal ng lulutuin

“Palagi nalang tayo nag spaghetti, mabuti pa magluto tayo ng bago. Paglulutuan ko kayo” napangiti ako at na excite habang nag iisip ng pwedeng lutuin

Napagdesisyonan kong magluto ng Pork sinigang. Namiss ko din magluto ng ganito. Kinuha ko ang pork chops saka nagsimula nang ihanda ang mga seasonings nito.

“Mommy, what's that?” Tanong ni Caena habang nakatingin sa niluluto ko. Ngumiti ako sakanya saka ito kinarga at pareho naming pinapanood ang niluluto ko

“I cooked pork sinigang. Iyan muna anak, nakakasawa na ang spaghetti, iba naman” Saad ko at pasimpleng hinalo ang niluluto ko

“You know how to cook mommy?” Tanong nito sakin

“Oo naman siyempre. Best cook kaya ako noh. Hayaan mo, magluluto ako ng mga masasarap na pagkain palagi gusto mo?” Tumango naman ito at napapalakpak

“I'm sure Kuya and daddy will love it too” mapangiwi ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako sigurado sa dalawang iyon, pero sana magustuhan nilang dalawa.

“Kain na!” Nakangiti kong saad at inihain ang niluto ko. Napakunot naman ang noo ni Fourth habang si sir Gavin naman ay walang emosyon lang na nakatingin sa niluluto ko

Grabe, Akala mo naman weird ang niluto kong pagkain. Napanguso ako

“What's that?” Tanong ni sir Gavin at tumingin sakin. Napangiti ako

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon