DANGEROUS III

10.9K 172 10
                                        

DANGEROUS III

“S-sir…. Bakit nandito pa po kayo?” Tanong ko sakanya. Hindi naman siya umimik at hinila lang ako kung saan

Ehe, crush naman, wag kang nanghihila please, San niya ba ako itatanan–este dadalhin?

“Ser, dahan dahan lang po” Hinawi ko ang buhok na pumunta sa mukha ko at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. Ang lamig at lambot ng kamay niya. Shet

Kumalma ka baby please…. Charot

Binitawan niya ang kamay ko at tiningnan ako

“Sakay” malamig niyang utos at pinagbuksan ako ng pinto. Napatingin ako sakanya.

Dito ba? Dito ba niya kukunin ang virginity—este dito ba siya mag coconfess ng nararamdaman niya para sakin? May gusto din ba siya sakin?

“I said sakay” Ulit niya at Galit na tumingin sakin. Parang mapupugto na ang pasensya niya. Nataranta naman ako

“O-okay baby–este sir” kanda utal kong saad at pumasok sa loob. Napaaray pa Ako nang mauntog ang ulo ko.

Humawak siya sa bubong at sandaling tumitig sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil ang puso ko ay parang kumakawala na sa dibdib. Bakit ba ganyan siya makatingin

“Where's your home?” Tanong nito sakin. Naamoy ko ang nakakahumaling nitong pabango na parang nagpapahibang sa akin. Shet naman sir. Lumayo ka please

“A-ah, don” kahit saan nalang ako nagtuturo dahil nanginginig na talaga ang buong kalamnan ko sa titig niya

Narinig ko ang Mahina niyang pagtawa. Shet, sexy naman nun. Pigilan mo self, wag mong gahasain si sir lalo na at kayo nalang dalawa

“Scared of me? Don't be” Saad niya at umiling. Kahit na madilim ay kitang kita ko ang asul niyang mata na mariin na nakatitig sakin

“Sir? Pwede pa kiss?” Kumunot ang noo ng lalaki dahilan para mapailing ako

“Uuwi na po ako” saad ko at akmang baba na dahil mukhang wala naman siyang balak na ihatid ako pauwi dahil nakatitig lang siya sakin. Lasing ata to

Pero itinulak niya ako pabalik dahilan para mapaupo ako at agad na napatili. Nalihis pa ang suot kong saya

“I will drive you home” Saad niya at inayos ang nalilis kong saya. Napaayos naman ako ng upo nang isara niya ang pintuan at umikot saka sumakay sa driver's seat.

Napalunok ako. Bakit kaya niya ako ihahatid? Siguro concern lang siya sakin kase Gabi na. Alam kaya niyang estudyante niya ko?

Lumingon ako sakanya. Alam kaya niya ang daan pauwi sa amin? Nahihiya naman kase akong kausapin siya. Napalingon ako sakanya at nakitang seryoso ang gwapo niyang mukha habang nagmamaneho.

“Stop staring” Malamig nitong saad kaya napalunok ako. I can't believe na magkakatabi kami

Nagulat ako nang tumigil Ang sasakyan niya at nang tumingin ako sa labas ay nasa bahay na ako. Nanlaki ang mga matang napatingin ako kay sir Gavin

“Pano niyo po nalaman ang bahay ko?” Taka kong tanong sakanya. Nagulat naman siya sa tanong ko at lumikot ang mga mata. Ang cute niya

“I-i ask your friend and she told me you're living here” pinilit niyang maging seryoso pero tumango nalang Ako

“Thank you po sir. Ingat po kayo pauwi. Ba bye po” agad akong lumabas at ngumiti saka kumaway sakanya.

Nakatitig lang siya sakin at hindi umaalis. “Alis na po kayo sir, hihintayin ko lang pag alis niyo bago ako pumasok” Nag iwas siya ng tingin at bumaling ulit sakin Ang kulay asul niyang mga mata

Dealing with the Dangerous Professor Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon