DANGEROUS XI
Nagkukunwari lang akong abala sa pagtulong kay mama sa paghahain ng pagkain kahit na ramdam ko ang mabibigat na tingin ni sir Gavin
Talagang hindi na nahiya tong Isang toh at pabalandra talaga akong hinahabol ng tingin kahit saan ako magpunta. Hindi ba siya nag aalala na baka mahuli siya ni mama? Ah, bahala na siya
Pero in fairness, gusto ko itong titig niya. Gusto ko na tinititigan niya dahil feeling ko ang ganda ganda ko kahit na hindi ako nag ayos man lang
“Calleiah, pakainin mo na itong amo mo. Sir, kain na ho” magalang na saad ni mama. Nag iwas naman ng tingin si sir sakin bago siya tumingin kay mama
“Thanks ma'am” magalang niyang saad at tipid na ngumiti, pero nawala nang mahuling nakatingin ako sakanya
Napalabi ako. Grabe siya, kapag sa mga anak niya at kay mama ngumingiti, pero pag sa akin at sa iba ang lamig makitungo
“Pasensya na po kayo sir, iyan lang ang nahanda ko agad agad. Aba eh hindi naman kase nagpasabi itong si Calleiah na pupunta pala kayo dito” Saad ni mama at umupo katabi ko
Nagluto siya ng paksiw na baboy at adobong manok.
“It's okay ma'am, I'm here to fetch Calleiah. She's my student” dahil sa sinabi ni sir ay kaagad na nanlaki ang mga mata ni mama
“Estudyante mo Ang anak ko sir? Nako, mabuti naman po at nang magabayan ninyo sa pag aaral Ang anak ko. Pakisabi po sa akin kung nagpapasaway ito at nang makurot ko” napangiwi ako sa sinabi ni mama
Hindi kase niya alam na bagsak ako sa subject ni sir kaya ako nagtatrabaho slash pumayag na maging asawa niya para ma save ang grades ko
“Drop the sir. Gavin nalang po ang itawag niyo sakin. And besides mas matanda naman po kayo kaysa sakin, Tita” dahil sa sinabi ni sir Gavin ay palihim akong napaangat ng kilay
Tita…. Kapal naman, dapat mama kase mama na naman niya ang mama ko.
“Hindi naman po pasaway Ang anak niyo. Matalino pong bata si Calleiah kaya Wala po kayong dapat ipag alala. Matataas po Ang scores niya sa exams at mataas din Ang grades niya sa subject ko”
Dahil sa narinig ay palihim akong napalunok. Bakit parang sarkastiko iyon? Kabaliktaran? Hay Nako, bakit ba kase bumagsak pa ko
Tiningnan ko si sir at nakita kong nakangisi siya sakin matapos sabihin iyon. Kusa akong napairap
“Nako, matalino ho talaga itong anak ko na ito. Kaya po salamat sa pag alalay sakanya, sana katulad niyo po lahat ng mga guro at propesor na may mabuting mga puso para sa mga estudyante nila” napangiwi ulit ako. Kung alam lang ni mama….
“Walang anuman po, trabaho ko ang umalalay sa anak niyo at ilagay siya sa tamang landas” Ano raw? Bakit di ko gets? I mean, bakit iba ang Rinig ko? Iba meaning eh
Pagkatapos kumain ay kaagad na kami umalis. Nakatingin si mama sa akin at bago pa ako makaalis ay may konting sermon pa kong natatanggap
“Mag iingat ka sa trabaho mo Calleiah ha. Wag kang burara, ipinagpaalam ka na ng amo mo sakin” tumango ako at nahihiyang tumingin kay sir Gavin na ngayon ay nakatingin din samin
“Ingat po kayo sir, Nako pakiingatan po itong anak ko kung pwede po” pakiusap ni mama.
“Yes po, I'll take care of her, hindi siya mapapahamak” Sagot niya kay mama
Pumasok na kami sa loob ng kotse at agad na niya itong pinaandar papuntang skwelahan. Tahimik lang ako sa tabi habang siya naman ay seryoso sa pagmamaneho
BINABASA MO ANG
Dealing with the Dangerous Professor
Любовные романы"You make a wrong move by just dealing with me" - Gavin Magnus Cavalcante THE BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST