DANGEROUS XXIII

2.7K 43 0
                                    

DANGEROUS XXIII

Sino siya? Kanina ko pa gustong itanong kay Gavin kung sino ang babaeng nasa harapan ko

Hindi siya sopistikada tingnan, hindi rin maldita, sa katunayan ay matapang ang itsura niya, malamig siya kung makatingin at parang walang pakialam kahit pa nandito ako

Maganda din siya at…. Mas maganda kaysa sakin

Tahimik lang din siyang nilalagyan ng mga pagkain ang plato nina Caena at Fourth. Hindi naman nagreklamo ang mga bata habang ako, nakatingin sa kilos niya

Lumabas si Gavin mula sa kusina habang may hawak na pagkain sa kamay niya. Nang Makita ako ay lumapit siya saka hinalikan ang noo ko

“Good morning” bati niya kaya napangiti ako.

Nabaling ang tingin ko sa babae na ngayon ay nakatingin sa amin. Walang emosyon ang mga mata.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lamang ako habang si Caena ay nasa tabi ko, siya lang ang bukod tanging maingay dito sa amin

“Mommy can you give me a bacon please…” pakiusap ng bata at tumingin sakin.

Nginitian ko naman ito bago nilagyan ng bacon ang plato niya. “hmm, the food you cooked taste delicious tita Aria” Saad ni Caena.

Hindi sumagot si Aria sa sinabi ng bata at nagpatuloy lang ito sa pagkain, bagay na ipinagtaka ko. Why is she not giving attention to the kids? Why is she quiet?

Nakita ko kung paano nito kumuha ng isang pagkain na hindi ko alam kung ano ang pangalan. Siya ang nagluto niyan?

“Mommy, taste this food tita Aria cooked, it's delicious mommy, just like how you cook our food” natutuwang saad ni Caena.

Alinlangan naman akong kumuha ng pagkain na niluto daw ni Aria at tinikman iyon. Masarap, I give her that compliment. Pero bakit siya nagluto dito?

Nang matapos kumain ay kaagad akong nagbihis para pumasok sa skwela. Tulala pa rin ako at hindi makapagsalita, iniisip kung sino ba talaga Ang babaeng nasa baba kanina

“Are you done?” Tanong ni Gavin sa akin at hinalikan ang ulo ko. Nakasuot na siya ng blazer at gwapong gwapo siya tingnan sa itsura niya

“Gavin sino iyong babae sa baba?” Tumingin ako kay Gavin na ngayon ay inaayos ang necktie niya. Tumingin siya sakin saka napahalukipkip

“Kaya ka ba tahimik kanina? You wanna know her?” Seryoso niyang tanong sakin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa pagiging seryoso niya

“O-oo, sino siya? Kaibigan mo raw siya? Bakit siya nandito?” Tanong ko. Wala namang masama kung magkakaroon ng kaibigan si Gavin na babae, pero bakit nandito? Bakit nakapasok dito?

“She's Aria Lopez. The mother of my kids” dahil sa sinabi niya ay para akong nabingi. Naramdaman ko ang pangamba, takot, lungkot sa puso ko matapos ko marinig iyon mula sakanya.

Nanghihina ang tuhod ko. Kung ganun bumalik na siya? Paano ako? Ano ang magiging papel ko sa buhay ng mga bata? Mga bagay na tinatanong ko sa sarili ko

“Hey, why are you crying?” Nag aalala niyang tanong at hinawakan ang mukha ko.

“H-hindi na ako magiging nanay ng mga anak mo? Kase bumalik ang totoo nilang mommy….” Napayuko ako nang maramdaman ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako….

Malaki ang chance na pati si Gavin ay kunin niya din sakin, after all sakanya naman talaga lahat at nakikihati lang ako

“Hey, who told you that she can be the mother to my kids” inangat niya ang mukha ko dahilan para masalubong ko ang asul niyang mga mata

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon