DANGEROUS XXVI

7.6K 98 1
                                        

DANGEROUS XXVI

“What just happened?” Mahina kong tanong sa sarili ko nang makita ang napakaraming nakapalibot na nakaitim na mga lalaki. Alam kong mga tauhan ito ni Gavin.

Tiningnan ko sila nang makitang, halos nasa paligid na sila at halos nakabantay sa bawat sulok ng mansyon.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Gavin sa veranda. May Kasama siyang mga lalaki, nanlaki ang mga mata ko nang makilalang sina sir Drax, Xian, at Brent ang mga iyon.

Nakaupo sila sa may di kalayuan at halata sa mga mukha na may seryosong pinag uusapan.

Nasa gilid din si Aria at seryoso din ang tingin ng babae habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila. Napaiwas ako ng tingin sakanya nang makitang tumingin siya sa gawi ko.

Naalala ko ang ginawa niyang paghalik sakin kagabi. Nakita kong lumingon silang lahat sa gawi ko at agad na tumayo si Gavin

“Hey honey…. Wanna join with us?” Malambing na tanong ni Gavin at hinalikan ako sa labi.

“Anong pinag uusapan niyo?” Sumeryoso ang gwapo niyang mukha

“We're actually talking about protecting our precious lives” saad ni Gavin at hinawakan ang bewang ko saka hinalikan ang sentido ko

“You look beautiful with you floral dress” Namula ang pisngi ko dahil sa compliment niya. Napangiti ako ng konti. Feeling ko ang ganda ganda ko na naman

Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagkapahiya nang makitang nakatitig pala sa gawi namin sina sir Drax. Nakangisi na Sila habang nakatingin sa akin

“G-good morning po” magalang kong saad. Kahit na asawa ko na si Gavin ay mga professors ko parin sila at dapat ko pa rin silang igalang

“That's too formal Mrs. Cavalcante” Natatawang saad ni Sir Brent at ngumiti sa akin

“Nice meeting you again Calleiah” ngumiti ako dito at sandaling tumitig sakanya. Mababait naman sila

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Gavin sa bewang ko dahilan para lingunin ko siya. Madilim ang tingin niya kay sir Brent

“Stop smiling at them. I'm jealous” walang pakundangan niyang saad dahilan para magulat ako.

Humagalpak naman sa tawa ang mga kasama niya at napailing iling pa

“Don't worry about me. Hindi ko naman aagawin iyan sayo. I have mine too” saad ni sir Brent at tumingin sa kung sino

Nang tingnan ko kung sino iyon ay hindi ko maiwasang magulat nang makitang si Aria ang tinititigan niya.

Seryoso ang mukha niyang nakatitig kay Aria pero si Aria ay wala namang pakialam sa paligid at nakatingin lang kung saan

“Tsk tsk. Two inlove bastards in one frame” nakangising puna ni sir Xian at ngumisi sa amin

Pinaupo na ako ni sir Gavin sa isa pang naka resebang upuan at naupo din siya sa gilid ko. Hawak hawak naman niya ang bewang ko kaya napangiti ako

“So what now? Anong gagawin natin sa Kapatid mo Gavin? He's a pain in my head. Bakit ba kase di ko pa pwedeng tuluyan?” Tanong ni sir Drax dahilan para matahimik ako

Tumingin ako kay sir Gavin na ngayon ay halatang may malalim na iniisip

“That jerk doesn't care about you Gavin. Ipinagkaila ka ng gagong iyon, umaasa ka pa rin ba na magkakaayos kayo ng hayop mong kapatid? Eh halos patayin ka na nun eh” Malamig na tanong ni sir Xian sakanya.

“Yes” maikli niyang saad at tumingin sa mga kasama niya

“I want to have a peaceful talk with him. Ayoko nang magkasakitan pa. Lalo pa at madadamay ang mga taong mahalaga sakin” malamig niyang saad at tumitig sakin.

Dealing with the Dangerous Professor Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon