DANGEROUS XXXII

3.1K 48 0
                                    

DANGEROUS XXXII

CALLEIAH POINT OF VIEW

Kanina ko pa hinahawakan ng mahigpit ang kamay ni Gavin. Hindi ko ito binibitawan mula pa kanina dahil natatakot ako na baka pag binitawan ko siya ay makawala siya sa mga kamay ko

Sinulyapan ko siya ng tingin at nakitang seryoso ang mukha niya habang nakatingin lang din sa daan papasok ng mansyon

Papasok na kami nang mansyon at unang sumalubong sa amin si Aria. Natigilan ito nang makita kami at nginisihan si Gavin

“Welcome home boss” hindi naman umimik si Gavin at malamig lang na tiningnan si Aria.

Ngumiti ako sa babae pero hindi man lang ako nito pinansin. Swerte siya at hindi ako maldita kagaya niya

Pumasok na kaming dalawa sa kwarto. Nang masara ko na ang pintuan ay agad akong yumakap sakanya ng mahigpit

“I miss you” bulong ko sakanya, sapat na para marinig niya

“How many times do you said that Calleiah? Hindi ko na mabilang” napahagikhik ako sa sinabi niya at hinalikan siya saka pinanggigilan ng yakap ang katawan niya

“Gavin magpakasal na tayo” natigilan siya sa sinabi ko at gulat akong tiningnan

Pinaupo ko siya at kumandong naman ako sakanya paharap saka humilig sa dibdib niya. Grabe noh? Ako pa talaga ang palaging nag fi-first move sa aming dalawa. Siya ang lalaki pero ako ang palaging gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng contact sa isa't isa

Naramdaman ko naman ang yakap niya sa likod ko.

“Are you sure you want to marry me? Calleiah sinasabi ko sayo…. You're not safe with me” umalis ako sa pagkakahilig sa dibdib niya at diretso siyang tiningnan

“Ilang beses ko nang sinabi sayo Gavin na ayos lang. Walang problema sakin kung ano pa ang buhay na meron ka. What matters the most to me is to be with you. Gusto ko manatili sa bisig mo. Bakit ba parang nag aalinlangan ka? Are you not sure about me? Hindi mo ba ako nakikita sa future mo?” Sunod sunod kong tanong

Baka kase gusto at mahal niya lang ako pero hindi niya ako nakikita sa future niya, at ang mas malala, baka hindi pa siya handang mag settle sakin, o di kaya, hindi ako ang babaeng gusto niyang matali sakanya habang buhay

“I want to marry you Calleiah….” Malamig niyang sagot sa akin. Napakagat naman ako ng ibabang labi dahil nakaramdam ako ng kilig

“I want you to be mine and I want to be with you for the rest of my life. I want to build a family with you and live with you forever….” Madamdamin niyang saad. Natulala naman ako habang naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib ko

“I'm just afraid. Baka mapahamak kayo ng anak natin dahil sa akin” napayuko siya. Napahinga ako ng malalim at panatag siyang nginitian

“Hindi mangyayari iyan Gavin. Naniniwala ako na hindi mo hahayaang may mangyaring masama sa amin ng mga anak mo. May tiwala akong kaya mo kaming protektahan. Basta wag mo lang kaming tangkaing iwan ulit”

Natatakot kase ako na baka umalis na naman siya. Na baka tumakas na naman siya sakin

“What if…. What if I can't protect you and the baby–

“Sshh…” hinawakan ko ang mapula niyang labi para tumahimik siya

“I can also protect myself. Kaya kong gawin ang mga bagay na ginagawa mo, kaya kong pumatay, kaya kong makipagsabayan sayo, I can be your queen Gavin…. And queen knows how to protect themselves” nginisihan ko siya para ipakita sakanya na kaya ko rin

Napatitig lang siya sakin saka ako inihiga at kinubabawan.

“Why did God gave you to me Calleiah? Anong mabuti kong ginawa para bigyan niya ako ng isang katulad mo?” Napangiti ako sa sinabi niya at hinalikan siya sa labi

Ilang minuto kaming naghalikan hanggang sa napagod kami at parehong hinihingal

“Marami kang ginawang mabuti, hindi mo lang matandaan kung ano, saan, at kailan. But I believe that your heart is good” hinalikan ko siya ulit. Naramdaman ko naman ang mga kamay niya na naglakbay sa katawan ko dahilan para sumiklab ang init sa katawan ko

Gustong gusto ko talaga ang mga haplos niya. Para bang nakatatak na sa akin at para bang nakamarka na sa akin kung paano niya ako hawakan. I love how he touch every inch of me

Gusto ko ang mga bagay na ginagawa ni Gavin sakin. Lahat ng meron siya ay tanggap ko. Ganito pala kapag mahal mo, lahat matatanggap mo

“You're my forever property now Calleiah. You're now the dangerous professor's property…. Forever” napangiti ako sa sinabi niya

Nakaramdam ako ng saya sa puso nang marinig ang mga katagang iyon mula sakanya. That's what I want, ang makulong sakanya habang buhay






“I-i can't believe that you're now getting married” naiiyak na saad ni Mira habang si Kira naman ay nakangiti sa akin, halatang masayang masaya

“Please invite us to your wedding, Calleiah” napangiti ako sa sinabi ni Kira

“Oo ba. Kayo pa kaya, invited kayo sa kasal namin ni Gavin, lalo na ngayon na mag kakaanak na kami” masaya kong balita dahilan para mapanganga ang dalawa

“For real?!” Gulat na tanong ni Mira na ikinatango ko. Napatakip pa siya sa bibig niya saka tumingin sa tiyan ko

“Oo, invited din kayo sa binyag” dahil sa sinabi ko ay hindi maiwasan ng dalawa na maluha habang natutuwang nakatingin sakin

“Mag aasawa na ang best friend namin…. Grabe ang biyaya sayo teh. Akalain mo yun, crush mo lang noon asawa mo na ngayon…. Hayst, sana ganun din ang mangyari sa love life ko…. Baka mapansin ako ni Xian” napaaray si Mira nang batukan siya ni Kira

Napangiti ako sa dalawa, ikakasal na kami ni Gavin bukas. I can't wait na maikasal sa lalaking mahal ko, I can't wait to be Mrs. Cavalcante in official nang hindi lang pumipirma ng marriage contract kundi magpapakasal talaga sa simbahan

Nandito ako sa school ngayon para pormal na mag drop. Titigil na ako sa pag aaral though sayang pero Wala akong magagawa. I needed to focus on my pregnancy, and I needed to focus to be a wife to Gavin.

Babalik naman ako sa pag aaral but not now.

Hindi ko nalang pinansin ang mga bulung bulungan sa paligid ko sa tuwing nakikita ako. Everyone knows that I'll going to marry Gavin. Siyempre, marami ang nagulat.

Gavin also quit in his job as a professor in the university, he wants to focus sa amin ng magiging anak niya

Napangiti ako nang makita siyang nakasandal sa kotse at hinihintay ako

“Hello honey!” Tawag ko sakanya at nakangiti siyang hinalikan sa labi saka niyakap

Napatingin naman siya sakin

“Are you done?” Tumango ako at agad niyang inalalayan papasok ng kotse.

“Where are we going now?” Tanong ko sakanya.

“In the organization. I will going to quit as a leader. Ayoko nang maging parte pa doon. Maybe Brent can be the leader” Saad niya

Napahinga ako ng malalim, lahat talaga ng koneksyon na alam niyang delikado para sa amin ay nilinis na niya. Lahat ng mga gangs, fraternities na kasali o nakatatak ang pangalan niya ay iniwanan na niya

Ayaw na niya daw kaming mapahamak ng anak niya.

“Gavin, thank you for choosing our safety. I love you” madamdamin kong saad.

Tumingin naman siya sakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko saka iyon pinisil

“Anything for the both of you” sagot niya at hinalikan ang kamay ko

Napahinga ako ng malalim. I guess this is the end of my point of view? I'm happy now and my heart's find the peace the I've been longing and waiting for.




~~~Yay! Epilogue is waving! This is the last chapter



Shen_Manunulat

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon