DANGEROUS XXVIII

7K 91 2
                                        

DANGEROUS XXVIII

Tulala pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin dahil ang nasa isipan ko lang ngayon, makaalis dito.

Gusto ko nang makita sina Gavin, si mama, si Caena at Fourth at gusto ko na din na bumalik sa mga bisig ni Gavin.

Miss ko na siya. Miss na miss ko na ang mga yakap niya. Miss ko na ang mukha niya. Miss ko na yung matigas niyang abs at yung matambok niyang pwet. Miss ko na ang blue eyes niya

Basta miss ko na lahat sakanya. Hindi ko alam kung bakit pa rin ako nandito. Napayakap nalang ako sa sarili ko habang nakaramdam ng pangungulila lalo na Kay Gavin

Hinahanap kaya niya ako? Di ba mayaman naman siya? Makapangyarihan…. Pero bakit hanggang ngayon ni anino niya wala pa rin? Alam kaya niya na nandito ako? Alam kaya niya na nandito ako sa puder ni Kevin?

Bumukas ang pintuan at pumasok mula doon si Ivy. Hindi ko na ito pinansin dahil kukulo na naman ang dugo ko at baka masakal ko na ang babae

May inihagis siya sa mukha ko dahilan para mapatingin ako sakanya

“Look at that photos” walang emosyon ko lang siyang tiningnan at agad na binalingan ng tingin ang apat na pictures na nasa harapan ko

Dahan dahan ko itong kinuha at tinitigan. Gulat ako nang makita ang nasa litrato. Si Gavin, kung hindi ako nagkakamali ay kuha ito mula sa bar

May kasayaw siya, tiningnan ko ito at nakitang si Ivy ang kasama niya.

“Hindi ka hinahanap ni Gavin. Nasa bar lang siya, nagsasaya. Of course, sinamahan at dinamayan ko siya kaya ako nandiyan” napalunok ako at agad na pinunit lahat ng litrato

“Oh? Why did you tear it apart? Masakit ba? Masakit ba na malamang walang pakialam si Gavin sayo? He's at the bar, drinking and dancing like what he used to do” hindi maiwasang mapakuyom ng kamao ko

Hindi ako naniniwala. Kampante akong mahal ako ni Gavin. Sabi nga ni mama sakin dati, kapag nagmamahal ka, dapat may tiwala ka sa taong iyon, lalo na kapag alam mong mahal ka rin niya

May mga tao na gusto kayong paghiwalayin at sirain pero kung matatag ang tiwala at pananalig niyo sa isa't isa, hindi iyon uubra.

Gavin told me that he loves me. Mahal ko din naman siya. Magtitiwala ako sakanya, ayokong magpadalos dalos na magalit sakanya at maniwala kaagad. Maybe, Ivy is just using it para magalit ako Kay Gavin

Pero nagkamali siya, hinding hindi ako magagalit kay Gavin. Maybe I should use this opportunity to trick her

“S-saan mo to nakuha?” Pinilit kong tapangan ang boses ko. Kailangan kong paniwalain si Ivy na naniniwala ako sa nakita kong litrato.

“I asked for it and payed para may kumuha ng litrato naming dalawa. You don't know how much he enjoyed dancing with me Calleiah. And guess what? He rented a room for the two of us. And…. Alam mo na ang kasunod” napahinga ako ng malalim

Napatingin ako sa labas at hindi nalang siya pinansin. Alam kong niloloko niya lang ako. Alam kong hindi na siya papatulan no Gavin dahil asawa na niya ako

“Hey! Wala ka man lang bang reaction? Hindi mo ba itatanong kung paano niya ako dinala sa langit ng paulit ulit? Oh, dear. Kung alam mo lang kung paano niya isigaw ang pangalan ko, maiinggit ka” pang aasar niya

Inaamin ko na naasar talaga ako. Sa iisiping totoo nga ang sinasabi ni Ivy ay di ko maiwasang mainis at magalit. Iniisip ko palang na nasa ibabaw si Gavin ni Ivy ay parang gusto ko nang sabunutan si Ivy.

Pero alam ko namang hindi iyon nangyari. Hindi ako deans lister para magpauto sa kung sino. Alam ko kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi

“Sabi ko na nga ba, you didn't love Gavin. Hindi ka man lang nagalit” hindi ko siya pinansin at pumikit nalang

Dealing with the Dangerous Professor Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon