DANGEROUS XXVII
Napamulat ako nang mga mata at nabungaran ang hindi pamilyar na kwarto. Nasa Isang napakalinis at magandang kwarto.
Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng kirot at inalala ang huling nangyari. Natigilan ako nang may maalala
May isang nakaitim na lalaki ang pumunta sa harapan ko saka ako tinakpan ng panyo dahilan para mawalan ako ng malay.
Bigla akong tinubuan ng takot at agad na napalibot ng tingin. Bumaba ako sa kama habang dala dala pa rin ang kaba at takot sa dibdib ko
“G-gavin?” Natatakot kong tawag sakanya. Wala akong ibang gustong makita ngayon kundi si Gavin.
“G-gavin nasan ka? Nasan ako?” Kahit na alam kong walang tao ay nagsasalita pa rin ako. Napasinghot ako at nagsimula nang umiyak
Nanginginig man ay tinungo ko ang pintuan pero naka lock iyon. Hinampas ko ang pintuan at pilit na binukas
“T-tulong! Sinong nandiyan? Tulungan niyo ko please….” Pagmamakaawa ko. Nagbabakasaling may makarinig sakin.
Pinahiran ko ang luha na nasa pisngi ko at pumunta sa bintana, pero maski iyon ay naka lock. Hindi ko maiwasang mas matakot pa.
Napalingon ako nang may marinig na bumukas ang pinto. Halos hindi ako makagalaw nang makita ang taong hindi ko inaasahan
Napanganga ako nang makita siya at hindi rin makapaniwala
“Good evening…. Maayos ba ang tulog mo?” Tanong ni sir Kevin sakin at agad akong nilapitan.
Napaatras ako dahil siniklaban ako ng takot sakanya. Ang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng walang emosyon dahilan para mas lalo akong matakot
“Come here Calleiah….” Wala sa sarili akong umiling at tumingin sa pintuan
“N-nasan po tayo? Bakit po Ako nandito? Nasan si Gavin? Baka hinahanap na niya ako” pinilit kong patatagin ang boses ko kahit sa loob loob ay gusto kong maiyak sa takot
Siya! Siya ang kumuha sakin!
“Gavin's not here. Hindi mo na siya makikita pa so better forget about him” Matigas niyang utos dahilan para mapailing ako
“A-ano po bang sinasabi niyo? Hindi ko pwedeng kalimutan ang asawa ko–
“Kalimutan mo na siya Calleiah…. Dahil sa puntong ito, ako na ang magiging asawa mo” malamig niyang saad dahilan para Kumunot ang noo ko
“A-ano?” Naguguluhan ko siyang tiningnan. Nakita ko ang pagpaskil ng nakakakilabot na ngisi sa mukha niya
“Hindi mo pa rin ba nakuha? Sa akin ka na ngayon Calleiah…. Aagawin na kita mula kay Gavin, dito ka na titira at sa akin ka na sasama” umiling ako at nagsimula nang umiyak
“A-ayoko po…. Please ibalik niyo po Ako Kay Gavin…. Hinahanap na niya ako” nanginginig kong pakiusap.
Mariin siyang tumitig sakin at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya
“Bakit ba halos lahat sa inyo pinipili siya?! Ano bang meron sakanya at siya ang palaging napipili?! How about me?! Who will choose me?!” Galit niyang sigaw. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya
“H-hindi ko po alam ang pinagsasasabi niyo—
Napatili ako nang bigla niyang haklitin ang braso ko at mahigpit iyong hinawakan
“Tell me, anong meron Kay Gavin na Wala ako?! Mahal mo siya?!” Napahikbi ako at napatango sakanya kahit na natatakot
“M-mahal ko po ang kapatid niyo….” Buong lakas kong sagot dahilan para mapapikit siya habang hawak pa rin ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Dealing with the Dangerous Professor
Romance"You make a wrong move by just dealing with me" - Gavin Magnus Cavalcante THE BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST
