DANGEROUS XV

8.4K 125 4
                                        

DANGEROUS XV

Nagising ako na para bang may nakadagan sa akin at may mga maliliit na humalik sa mukha ko.

“Stop it, mom will wake up…” Rinig kong saad ng boses ng batang lalaki. Napamulat ako at nakita si Caena na nakasakay sa akin habang pinaghahalikan ang mukha ko

Napanguso ako, Akala ko pa naman si Gavin ang dumagan sakin. Char

“Mommy, good morning….” Malambing na saad ni Caena at yumakap sa akin. Hinalikan ko ang ulo ng bata

“Hello anak…. Good morning” napatingin ako kay Fourth na ngayon ay nakatingin sa amin

“Good morning Fourth” hindi ko na ito magawang halikan at lapitan dahil nakadagan sa akin si Caena

“Mommy I'm so happy because you and daddy sleep with our room” nakangiting sabi ng bata. Ngumiti naman ako at agad silang ibinaba

“Maligo na tayo halina kayo at nang makakain na” saad ko at sabay na silang pinaliguan saka din ako naligo.

Karga ko si Caena habang hawak ko sa kamay si Fourth. Kakaiba lang dahil tahimik ito at kung noo ay halos di ko mahawakan ngayon ay nagpapahawak na at sumusunod na sa akin

“Asan ang daddy niyo?” Tanong ko. Nagtatampo pa ko dahil hindi ako naka score sakanya kagabi. Sayang talaga, hays

“Daddy's cooking for food” si Fourth ang sumagot kaya napatingin ako sakanya. Nang makitang nakatingin ako sakanya ay tumahimik na siya

Nang makababa kami ay nakasalubong namin ang mabangong amoy na galing sa kusina. Pansin ko na wala na masyadong mga maids Ang nandito simula nung dumating ako

Naabutan namin si Gavin na naghahanda ng pagkain. Nakahubad ang pang itaas niya habang pajama naman ang suot sa baba. Napanganga ako. Ang hot naman tingnan ng asawa ko. Napalunok ako at napabusangot ulit nang maalala na di ako naka score sakanya kagabi

“Daddy, you're so hot. Mommy's blushing” nagulat ako sa sinabi ni Caena at pinanlakihan ng mata ang bata. Humagikhik lang ito habang ako naman ay namumulang tiningnan si Gavin na natigilan

Napaiwas ako ng tingin nang mahuling nakatitig siya sakin. “Ikaw talaga, anong blush ka diyan. Kung ano ano nalang sinasabi mo eh” saway ko nalang dito at agad siyang ibinaba

“But I saw you blushing while looking at daddy—

“Hay nako gutom lang iyan” tumingin ako kay Fourth at nakitang nagpipigil nang ngiti ang bata at nang mahuli akong nakatingin sakanya ay sumeryoso ang mukha nito ulit

“Itawa mo na yan Fourth, baka mautot ka pa niyan” saad ko dahilan para tumawa si Caena nang pagkalakas lakas na dinig sa buong kusina. Napangiwi ako

“Kumain na nga lang tayo. Hay Nako, ano ba yang niluto mo?” Tanong ko nalang para ilihis ang atensyon. Napataas ang kilay ko nang makitang hotdog tsaka itlog ang niluto niyang agahan

“Bakit may processed food? Masama iyan lalo na sa bata. Dapat gatas tsaka gulay ang kinakain ng bata sa umaga. Magkakasakit mga iyan” saad ko at tiningnan si Gavin na nagulat sa sinabi ko

“O-oh, I didn't know” napakamot pa ito ng ulo. Napangiti ako. Ang cute naman niyan

“Okay na iyan,  Kumain nalang tayo kase maglalaba pa ko pagkatapos” saad ko nalang at binigyan ng pagkain sina Fourth at Caena

“Why are you washing clothes mommy? We have maids here” hala siya. May maids nang nalalaman ang bata

“Kailangan talaga kase ako ang mommy ako dapat ang maglalaba ng mga damit natin, ako ang nagluluto, naghuhugas, at ang naglilinis” paliwanag ko habang nilantakan ang isang hotdog.

Dealing with the Dangerous Professor Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon