DANGEROUS VI

5.4K 89 2
                                    

DANGEROUS VI

Bumangon ako sa kama nang makitang umaga na pala. Hindi ko napansin na nakatulog ako kagabi nang hindi ko namamalayan dahil sa malalim na pag iisip

Agad akong pumasok sa banyo at naligo. “ang laki naman dito” namamangha kong bulong habang nililibot ang tingin sa buong banyo.

Ang ganda dito. Pang mayaman. Mas maganda pa siguro ang banyong ito sa kwarto ko sa bahay namin

Nang matapos ay lumabas kaagad ako at naglibot ng tingin. Saan nga ba ang daan pababa? Shet, nalimutan ko. Sa laki ng mansyon na ito ay di malabong maligaw ako kung sakali

Asan ba kase si sir Gavin? Excited akong Makita siya. Char.

May nakita akong isang kasambahay kaya tinawag ko ito. “pst! Ate!” Lumingon naman ito sakin at gulat akong tiningnan

Napalabi ako at agad na lumapit sakanya. “Asan pala si sir Gavin?” Nagtaka ang mukha nito

“Nasa baba po” kahit na nagtataka ang mukha ay sinagot ako nito

“Hindi ko kase alam ang daan pababa. Alam mo ba? Samahan mo naman ako ate” baka kase maligaw ako kapag di Ako nagpasama

Ang dami pa namang hagdan hagdan Ang nandito. Tumango ito at naunang naglakad sa akin

“Akala ko po ba asawa kayo ng senyorito?” Tanong nito sa akin. Napailing naman ako

Ang Sabi ni Gavin, bawal kong ipagsabi kahit kanino ang tungkol sa amin. Ayaw niya lang siguro ng eskandalo at isa pa, iniingatan niya masyado ang image niya.

“Hindi po. Isa po Ako sa nag apply dito na yaya” Saad ko habang nakasunod sakanya

“Kung ganun, bakit ganyan ang suot mo?” Nagtataka nitong tanong sa akin. Tiningnan ko naman ang suot ko. Isa lang itong oversize t-shirt tsaka naka shorts lang ako

“Eh Wala pa naman akong uniform eh” sagot ko nalang nang mapatingin sa suot niya. Naka uniform pala mga kasambahay dito

“Nandito na tayo” napatingin ako sa paligid at doon nakita si sir Gavin na naka topless habang nagluluto ng almusal

“Salamat po” umalis ang kasambahay. Ang laki din pala ng dining room nila. Pwede na dito magparty kung sakali.

Napatingin ako sa lamesa at doon nakita ang batang babae na tumatawa habang kinakausap ang manika na hawak niya.

Napatingin din ako sa gilid at nakita ang isang batang lalaki na nagbabasa ng libro habang seryoso ang mukha. Tinitigan ko pa ang bata at nakitang kamukhang kamukha ito ni sir Gavin

“Mommy!” Tawag ng bata at agad na umalis sa kinauupuan saka tumakbo papalapit sa akin.

Naestatwa ako sa kinatatayuan lalo na at nasa akin na Ang tingin ni sir Gavin at maging ang isa pang bata. Napalunok ako.

Yumakap sa binti ko ang bata habang masaya ang mukhang nakatitig sakin

“Mommy, up!” Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang nagpapakarga sa akin. Shet, hindi ako sanay sa bata. Hindi ko nga alam kung paano magkarga nito kahit ang tanda tanda ko na. Saka, makakaya ko ba? Hindi ba ito mabigat

Napatingin ako kay Sir Gavin na ngayon ay seryoso ang mukhang nakatitig sakin. Napalingon ako sa batang lalaki at nakitang malamig ding nakatingin ang asul nitong mga mata sa akin

Wala akong nagawa kundi ang kargahin nalang ang bata. Napangiwi pa Ako ng konti at nang mailagay ko na ito sa balikat ko ay doon ko nalamang magaan lang pala ito

“Mommy good morning! How's your sleep?” Masaya nitong tanong sa akin. Alinlangan naman akong ngumiti dito

“O-okay lang….” Mahina kong sagot. Shet, bakit ba kase hindi ako komportable sa batang ito?

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon