DANGEROUS VIII
Tulala ako hanggang sa lumabas ako ng opisina ni sir Gavin. Habang tahak tahak ang kwarto ko ay di ko maiwasang hindi hawakan ang pisngi ko na hinalikan niya kanina.
Pumasok ako sa kwarto ko at agad na umupo sa kama saka parang tangang napangiti. Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko. Teka lang…. Ehe…. Kinikilig ako… shet
Bakit ka ba ganyan Gavin? Hindi ko inalintana ang sinabi niyang dapat wag ko siyang magustuhan o mahalin, abala ako sa pisngi ko
Ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi na dumampi sa pisngi ko. Kyahh! Hindi talaga ako maghihilamos ng isang buwan. Charot
Agad kong kinuha ang unan ko at hinampas hampas iyon saka tahimik na tumitili dahil sa kilig. Wife daw! Ahhh! Inacknowledge talaga niya ako bilang wife niya. Ehe…. Calleiah, ikalma mo Ang kaharutan mo please …
Napatikhim ako. Inayos ko ang buhok ko at agad na tumulala. Napangisi ako, pasaway akong tao sir Gavin. Kahit na pagbawalan mo pa ko, hinding hindi mo ko mapipigilang kilalanin at alamin kung sino ka ba talaga
Napabusangot ako. Bakit kaya hindi nalang sa lips niya ko hinalikan? Ano bang pinag kaiba nun? Gusto ko sa lips, kase kung magkataon, siya ang first kiss ko. Ackkk! Hayy Nako sir Gavin, ang lakas talaga ng tinamaan na talaga ako sayo
“Mommy, why are you smiling like that?” takang tanong ni Caena sakin. Ngumiti ako sakanya at inayos ang damit ng bata
“Maganda lang ang mood ni mommy anak” ngumisi ako nang makitang nagtaka ang bata. Hinalikan ko ang matambok nitong pisngi dahilan para mapahagikhik ito sa ginawa ko
Niyakap ko ito at pinugpog ng halik dahilan para kumalat sa buong kwarto ang malakas at nakakagigil nitong tawa
“Mommy, that's enough” tawa niya. Binitawan ko naman siya
“Kuya Fourth? Why are you looking at mommy like that? You want mommy to kiss you too?” Napatingin ako sa batang lalaki
Nakatingin ito sa amin at hindi sumasali sa asaran at kwentuhan namin ni Caena. Nasa sulok ang batang lalaki at tahimik na hawak ang laruan niyang robot
Napabusangot ang gwapo nitong mukha dahil sa sinabi ng kapatid. Tumingin ito ng malamig sakin. Napangiti ako dahil kamukhang kamukha nito Ang daddy niya kahit saang anggulo
“Gusto mo ikiss ka ni mommy?” Napangiwi ito at napaasik saka Inirapan ako
“Mommy my a**” agad itong umalis dahilan para mapanganga ako. Ano daw Sabi?
Nagkatinginan kami ni Caena at napahagikhik ang bata sa tinuran ng kuya niya. Napailing nalang din ako. Mukhang mahihirapan pa akong paamuhin ang batang iyon.
“Mommy, please cook spaghetti for me please….” Pagmamakaawa ni Caena sa akin. Napangiti ako sa paglalambing ng bata at kaagad na kinarga ito.
Hay Nako, kahit hindi ko pa naranasang magkaanak feeling ko nanay na ko. Magkaroon ka ba naman ng isang napa cute na baby na basta mo nalang naging anak
“Sige. Bakit gusto mo ang spaghetti?” Hindi kase ako nakain ng spaghetti dahil hindi siya pasok sa panlasa ko. Pero marunong naman ako magluto nun.
Oo nga pala, kailangan ko na pumasok sa trabaho mamaya, isang araw lang ang absent na inexcuse ko sa manager ko
“Kase po it's yummy. Favorite namin ni Kuya!” Bibo nitong saad dahilan para mapatango ako.
Alas singko na ngayon at abala na ang mga kasambahay sa paghahanda ng pagkain para sa hapunan
Inilagay ko si Caena sa ibabaw ng lamesa
BINABASA MO ANG
Dealing with the Dangerous Professor
Romance"You make a wrong move by just dealing with me" - Gavin Magnus Cavalcante THE BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST
