DANGEROUS XXIV

2.7K 53 1
                                    

DANGEROUS XXIV

Gaya ng sinabi ni sir Kevin, pinatawag ako sa deans office. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkahiya habang kaharap ang mga administrator ng school

“I can't believe we have such student like you Miss Ricalde. You know that it's forbidden to have an affair with a professor pero ginawa mo pa rin” seryosong saad ni sir Arvin Malaria, ang siyang head ng deans

“Sorry po” gusto ko sanang magpaliwanag kaso pinili kong antayin nalang si Gavin. Gusto kong tulungan niya akong magpaliwanag.

Kita ko naman ang pagngisi ni Cathy Saunders sa tabi ni sir Kevin na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin sakanilang dalawa.

Nagtaka ako kung bakit nandito din ang mga kaibigan ni Cathy, siguro dahil nasangkot sila sa gulo kanina

Alam ko na rin ang dahilan kung bakit nandito si Cathy, she's one of the daughter of the deans here kaya malakas talaga ang loob niyang ipahiya ako. Palibhasa, malaki ang kapit sa school.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang taong inantay ko. Kasunod naman nito ay sina sir Drax, Xian, at Brent na seryoso din ang mga mukha. Nakaramdam ako ng bigat sa paligid at alam kong naramdaman din ng iba kong mga kasama iyon

“Mr. Cavalcante, glad you're here, we need to talk to you because you're violating one of the rules of us professors, hindi mo ba naiisip na kahiya hiya Ang ginawa mong pakikipagrelasyon sa Isang estudyante?” Tanong ni sir Arvin.

Nakikinig naman ang iba pang mga higher administrators at alam kong sang ayon silang lahat.

“If you don't want us to drop and expell this student and remove you here from this school, itigil mo na ang pakikipagrelasyon dito” tiningnan ako nito. Napayuko ako at hindi nalang nagsalita

“Are you bothered about my relationship with my student? Well, sorry to tell you this but I might accept the punishment. Go on, remove me from here, expell this lady to this school… but one thing I can say to you” naglabas siya ng nakakakilabot na ngisi dahilan para mapalunok si sir Arvin, maging ang ibang mga administrators

“Hindi ko hihiwalayan ang asawa ko” ngumiti siya ng matamis dahilan para matulala ako. Ang gwapo talaga neto…. Hindi pa rin ako masanay sanay kahit na ilang beses ko siyang nakitang ngumiti

Napasinghap ang mga nandito sa narinig. Narinig ko naman ang matunog na pagngisi ng mga kasama niya.

“W-what? But I thought she's just your wh*re?” Hindi makapaniwalang tanong ni Cathy habang bakas pa rin ang bigla sa maganda nitong mukha

Nandilim ang mga mata ni Gavin sa narinig at walang pasabing hinablot ang braso ni Cathy dahilan para masindak at matakot Ang babae.

Napatayo na din ang ibang nandito at nagsimula na ang pag aawat

“I knew it. You're the one who posted those kind of shit. Akala mo ba hindi ko malalaman? How dare you do that to my wife and call her my wh*re when in fact you're the one who's sl*t here” ngumisi si Gavin.

“Mr. Cavalcante that's enough, you don't have the right to say that to my daughter. Let her go” malamig naman na binalingan ng tingin ni Gavin si sir Arvin

“And she don't have the right also to humiliate my wife. She even posted her in social media. Hindi ka talaga natatakot sa akin ano? Well, you should now, because I'll make sure, all of you will suffer for humiliating my wife. Mark my words” malamig niya Saad at agad na binitawan si Cathy na ngayon ay mangiyak ngiyak na dahil sa sakit ng braso

Humarap si Gavin sa akin at lumambto ang ekspresyon ng mukha niya.

“Sorry if I'm late. May klase pa kase ako” napatingin siya sa mukha ko at hinawakan iyon.

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon