DANGEROUS II

4.9K 89 6
                                    

DANGEROUS II

“Mama, kumusta na po ang pakiramdam niyo?” Umupo ako sa tabi nito habang binabalatan ang orange na hawak ko

“Masakit pa rin ang tagiliran ko. Nanghihina na ako anak” Hindi ko naman maiwasang maawa kay mama. Kailangan ko na talaga ng pera para mapa opera siya

“Calleiah umuwi nalang kaya tayo. Wala tayong ipambabayad dito anak…. Wag nalang akong mag pa opera at gastos lang iyan” Umiling ako at kaagad na hinaplos ang mukha ni mama

“Gagaling ka mama. Hahanap ako ng pera. Wag ka mag alala, ako ang bahala” Ngumiti ako para gumaan ang loob niya

“Calleiah, halos kalahating milyon ang gastos sa pagpapaopera ko. Idagdag pa na hindi lang sa operasyon ang mababayaran, pati na rin sa mga bill at kung ano ano pa. Tumataas ang bill anak, saan naman tayo kumuha ng malaking halaga?” Napahinga ako ng malalim. Iyon din ang problema ko. Saan ako kukuha ng pera

Kahit pa magtodo kayod ako araw araw at magtrabaho ng walang humpay buong araw, linggo, at buwan ay hindi pa rin talaga aabot. Maliit pa rin ang kita ko at may bayarin pa ako sa school at maging sa bahay.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang pumasok sa trabaho. Sa isang sikat na restaurant ako nagtatrabaho. Hindi kalakihan ang sweldo ko pero nakakatulong naman kahit papaano

Pasado alas diyes na ng gabi at Ako ang nakatokang kumuha ng orders ng mga customers dito. Kahit pagod ay pinili ko pa ring ngumiti at hindi pinahalata na stress ako kahit makikita naman sa mukha

“Calleiah, may customer sa labas. Ikaw na ang kumuha ng orders nila” Tumango ako at kaagad na lumabas dala ang papel para may pagsulatan sa mga orders nila

May apat na lalaki ang nakaupo sa di kalayuan. Nag uusap sila at nagtatawanan kaya hindi nila napansin ang papalapit na ako. Hawak din nila ang menu

“Good evening sir! May I have your orders po?” Magalang kong tanong sakanila.

Sabay naman silang napalingon at tumingin sa akin. Nagulat ako nang masilayan silang apat. Sina sir Gavin, Xian, Drax, at sir Brent ang nandito!

Shet…

“Hello miss good evening” Bati ni sir Brent at ngumiti sa akin. Napanganga ako sa gulat dahil doon. Why is he smiling?

Hindi ko alam kung bakit sobrang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sakanila

“Can we have grilled abalone, chicken Chile Verde, red pork, and shredded beef” Nanginginig na sinulat ko sa listahan ang mga orders nila

Alinlangan akong tumingin sa iba niyang kasama na ngayon ay malamig lang na nakatitig sa akin

“K-kayo po….” Mahina kong tanong sakanila. Nabaling ang tingin ko kay sir Gavin na nakatitig din sakin kaya naman ay napalunok ako

Shet, ang hot niya naman kahit naka t-shirt, jusme ka sir! Wag mo kong titigan ng ganyan please. Nanghihina ang tuhod ko sayo.

“Hey guys, you're scaring her” Tumawa si sir Brent kaya naman nagsiiwas Sila ng mga tingin pero nanatili Ang titig ni Sir Gavin sa akin

“Their orders are the same as mine. Don't mind the way they look miss” Ngumiti si sir Brent sa akin kaya naman nahihiya akong tumango

Kahit yata malamig sa loob ay parang pinagpapawisan ang noo ko at nanginginig ang tuhod ko

“J-just wait for a while sir” Nauutal kong saad at yumuko sa mga ito saka nangingiwing tumalikod.

Nang makapasok sa kitchen ay binigay ko sa chef ang orders saka napasandal sa dingding at napahawak sa dibdib ko at hinihingal

“Shet naman….” Mahina kong saad at para bang pagod na pagod ako dahil sa pagkabog ng dibdib ko.

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon