DANGEROUS XVII

3K 62 2
                                    

DANGEROUS XVII

Tulala pa rin ako hanggang ngayon. Hindi pa na proseso sa utak ko ang sinabi ni Gavin sa akin.

Wala sa sariling napalibot ako ng tingin at nakita ang mga taong naghihirap habang nakakadena ang iba sa kanila.

“H-hayop ka Cavalcante…. Kapag nakatakas ako dito…. P*p*t*yin kita!” Banta ng isang lalaki at nagulat ako nang agresibo itong lumapit sa amin dahilan para mapatili ako

Mabuti nalang at nailayo ako ni Gavin sa lalaki. Hindi ito agad nakalapit sa amin dahil nakakadena ito. Tinadyakan ito ni Gavin dahilan para humiyaw ito sa sakit. Di ko maiwasang maawa sa lalaki

“B-bakit mo sila pinapahirapan? Wala naman silang mga kasalanan di ba?” Tumingin ako kay Gavin. Malamig lang siyang bumaling ng tingin sakin bago nagsalita

“Isang bagay lang ang sasabihin at aaminin ko sayo Calleiah” may kinuha siyang baril sa bulsa niya kaya naman napahawak ako sa kaliwang braso niya

“I don't k*ll innocent people. Mga hayop lang din ang pinaparusahan at pinapatay dito” saad niya at binaril ang lalaking sumugod sana kanina. Napatili ako at agad na napayakap sakanya dahil hindi ko kayang Makita ang patay na katawan ng lalaki

“That man is a spy from others gangs. Sayang lang at nahuli ko Sila” malamig niyang saad. Nakaramdam naman ako ng takot

“G-gavin please ayoko na dito….” Pakiusap ko sakanya.

“Uno, get rid of this bastard” Rinig kong saad niya. Pumasok mula doon ang isang lalaking may malaki ang katawan at agad na hinila ang katawan ng lalaki kanina

Agad na ako nitong hinila palabas. Napabuga ako ng hangin. “You seems so scared. Nanginginig ka” napalunok ako dahil sa sinabi niya at napaiwas ng tingin

“U-umuwi na tayo….” Mahina kong pakiusap

“I thought gusto mong malaman ang lahat tungkol sakin?” Hindi ako sumagot. Hindi ko naman inasahan na ito pala iyon. Na akala ko ay hindi ganoon kabrutal

“Nasan tayo?” Tanong ko nang makitang para kaming nasa Isang secret hideout

“This is our place. Our hideout, and I am the king here” Saad niya. Nakaalalay lang siya sakin dahil alam niyang nanginginig ako

Nakarating kami sa baba at nakita ang napakalaking lugar sa loob. May mga taong nandito. Madidilim ang mga tingin, ang iba ay abala sa pagpupunas ng mga naglalakihang mga baril, may nag eensayo, at ang iba ay naglalaro gamit ang patalim. Hindi ko kayang Makita iyon kaya iniwas ko nalang ang tingin ko. Kinakabahan ako sa kung anong mangyayari kapag may natamaang isa sa kanila

“Hi babe!” Napalingon ako nang may magsalitang babae.

Nanlaki ang mga mata ko nang pumunta ito sa gawi namin at halikan si Gavin sa labi. Napaatras ako nang agresibong atakihin ng halik ng babae si Gavin sa kahit saan

Nakatulala lang ako sakanila. Nakita kong itinulak ni Gavin ang babae nang bumaba ang halik nito sa leeg niya. Napasalampak Ang babae sa sahig pero Imbes na makaramdam ng sakit ay ngumisi lang ito

“Ouch…. That hurts babe, hindi mo ba ko na miss?” Tumayo ito at makanding lumingkis sakanya.

Napakunot ang noo ko. Sino ba itong hitad na ito at kung makalingkis sa asawa ko wagas?! Hindi ba nito napansin na nandito ako?

“Stop it Ivy! I'm with my wife!” Asik ni Gavin at itinulak ulit ang babae saka hinawakan ang bewang ko

Kumunot ang magandang mukha ng babae at tumingin sakin. Napataas ang kilay nito saka sarkastikong natawa

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon