DANGEROUS IV
Ha? Para yatang iba ang narinig ko ah? Wait, kaklaruhin ko.
“A-ano po iyon sir?” Tanong ko sakanya. Tumitig siya sakin at ngumisi kalaunan pero bumalik din sa malamig at walang emosyong titig
“I said. Marry me. In exchange to your grades Calleiah. You need to marry me” napatulala ako sakanya at hindi nakapagsalita. Ngumisi siya habang tuwang tuwa na pinapanood Ang reaksyon ko.
“S-sir, Wala po bang ibang paraa–
“There's no other way Calleiah. Iyon lang ang paraan na gusto ko” seryoso niyang saad dahilan para matahimik ako.
“P-pwede po bang pag isipan ko po muna? I mean, hindi kase ako makapaniwala sa condisyon eh” Mahina kong saad habang nakatulala sakanya.
Anong gagawin ko?
“Alright, tell me if you already have your decision. I'll wait. You can now go” malamig niyang saad habang nakatitig sakin. Napahinga ako ng malalim at tumayo na
“Calleiah…” Napalingon ako nang tawagin ako nito. Humarap ako dito habang siya naman ay nakatitig lang sakin
“P-po?”
“Do you have any problem? I mean, you're not like this before…. Nakakasabay ka naman sa klase ko dati. Why it seems like, you lose interest in my subject and you failed it now?” Sa hilantsya ng mukha niya ay masasabi kong parang galit siya
“P-pasensya na po. May personal problem lang po kase ako kaya di po Ako nakakapag focus at nakapag aral nitong nakaraan, pero babawi po ako” ngumiti ako ng tipid at nag iwas ng tingin sakanya saka nagpaalam na umalis.
Lumabas na ako ng opisina nito at malungkot na naglakad pabalik sa classroom. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ano kaya ang iba kong gawin?
Napakagat ako ng ibabang labi nang maalala na inaya akong magpakasal ni sir Gavin. May parte sakin na kinikilig pero may parte din na nagsasabing hindi maganda ang magiging kalalabasan kapag pumayag ako sa gusto nitong mangyari.
Gusto ako nitong magpakasal sakanya. Bakit kaya?
Pinuntahan ko si mama at binisita. Nang pumasok ako sa loob ng kwarto niya ay natigilan ako nang makita si sir Gavin na ngayon ay kausap ang doktor at nasa loob din ng kwarto ng mama ko
Anong ginagawa niya dito? Napabaling ang tingin ni sir Gavin sakin at titigan ako ng malamig dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
“Yeah, thank you doc” malamig na saad ni sir Gavin. Umalis ang doktor kaya naman naiwan kaming dalawa. Tulog ang mama ko sa higaan
“A-ano pong ginagawa niyo dito?” Tanong ko sakanya at hindi tumingin dito. Alam ko kasing nakatitig siya sakin
“I followed you here last time. Is she your mom?” Malamig niyang tanong dahilan para mapatango ako
“Opo” agad kong nilapag ang mga binili kong prutas sa gilid ng lamesa at tumingin kay mama
“What happened to her?” Bagamat alam kong alam niya na kung anong nangyari sa mama ko ay pinili ko pa ring sumagot
“May sakit po sa bato ang mama ko. Kailangan po niyang operahan. Pero Wala pa kong ganun kalaking halaga para mapaopera siya” Mahina kong sagot.
“That's why you didn't study and failed to my test because you're making money for your mom” tumango ako at hindi tumingin sakanya
“Calleiah….” Tumingala ako sakanya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Dealing with the Dangerous Professor
Romance"You make a wrong move by just dealing with me" - Gavin Magnus Cavalcante THE BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST
