DANGEROUS XXII

2.8K 44 0
                                    

DANGEROUS XXII

Lumabas ako ng banyo at nakita si Gavin na nakatulala habang nakaupo sa kama. Napahinga ako ng malalim at agad na isinara ang bintana na nakabukas, gabing gabi na kase

Nilapitan ko ito at niyakap, yumakap naman ito pabalik sakin at hinalikan ako sa ulo.

“Ayos ka lang ba? Malalim ata ang iniisip mo?” Tanong ko sakanya. Tumingin naman siya sakin saka mahinang umiling

“Gavin look at me” utos ko sakanya dahilan para masalo ko ang dalawang pares ng malungkot at asul niyang mga mata

“Why are you sad? Dahil ba sa sinabi kanina ni sir Kevin?” Mahina kong tanong. Hangga't maaari ay maghihintay ako kung kailan niya sasabihin sakin ang lahat tungkol sakanya

Tama nga si sir Kevin, hindi ko pa lubos kilala si Gavin. Hindi ko pa alam ang kahit na ano dito. Pero siguro ang maliliit na detalye lang patungkol sakanya ang alam ko

“Nothing. Let's just not think about it. I'm sleepy” mahina niyang saad at agad kaming humiga sa kama.

Niyakap naman niya ako. Sumiksik ako sakanya at agad na hinalikan ang mabango niyang ulo.

“Kung hindi mo pa masabi ngayon sa akin. Maghihintay ako. Makikinig ako Gavin….” Malumanay kong saad at hinalikan ang nakapikit niyang mga mata

Nagising ako ng madaling araw. Wala si Gavin sa tabi ko. Agad akong bumangon para hanapin siya. Simula kase nang magtabi kami matulog, talagang hinahanap ko na siya sa tabi ko palagi. Para bang gusto ko siyang dumikit sakin palagi

Tiningnan ko ang banyo pero Wala siya doon. Agad akong bumaba para hanapin siya.

Natigilan ako nang matagpuan ko siya sa madilim na sala. Kahit na walang ilaw ay alam kong nandoon siya. Nakatulala habang nakatingin sa kung saan. Tahimik ko siyang nilapitan at nang maramdaman ako ay agad siyang tumingin sa gawi ko

Doon ko nakita na umiiyak siya. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa nakita kong luha sa mga mata niya.

“Why are you here Calleiah? You should be sleeping” gulat niyang saad. Agad akong lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit

“Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?” Malumanay kong tanong sakanya. Tumitig siya sakin at agad akong hinila dahilan para mapakandong ako sakanya.

Napalabi ako at tinitigan siya. Ang gwapo niya pa rin kahit umiiyak. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nakatitig lang siya sa mukha ko

“Tititigan mo lang ba ako buong oras dito? Hindi ka ba magku-kwento? Mag kwento ka. Lahat ng tungkol sayo, ikwento mo sakin. Makikinig ako” kumbinsi ko sakanya.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinadusdos mula doon ang mga daliri niya na ikinapikit ko.

“A-anak ako sa labas….” Napamulat ako nang mata nang marinig ko ang paos niyang boses.

“My dad had an affair with one of their maids back then. At ako ang bunga” Saad niya habang pinapadusdos pa rin ang daliri niya sa pisngi ko, pababa sa leeg ko

“Back when I was a kid…. I never met my mom, she died when she gave birth of me” Dagdag niya. Mataman naman akong nakikinig sakanya

“My brother Kevin. He's my older brother. He was three years older than me. My brother suffered from a dark childhood. His parents relationship is not good. He witnessed how his mom suffered because of my dad. My f*cking father is a f*king bastard” naging malamig ang tinig niya

“Hindi yata nakayanan ng mommy niya lalo na nang dinala ako ng tatay niya sa pamamahay nila, kaya ayun, nag pakamatay” walang emosyon niyang saad

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon