DANGEROUS VII

3.6K 68 5
                                    

DANGEROUS VII

Nakasunod lang ako sa likuran ni sir Gavin. Tinitigan ko ang matigas niyang likuran. Kahit na nakatalikod siya ay ang lakas pa rin ng dating niya.

Napailing ako. Mukhang wala talaga akong maipipintas sa lalaking ito.

Pumasok kami sa isang hindi pamilyar na kwarto. Sumunod ako sakanya at Ako na ang nagsara nun.

Sandali kong inilibot ang paningin ko at namangha dahil sa laki ng kwarto. Hindi ito kwarto kundi parang opisina dahil may isang table at may nakapatong na laptop. May mini coffee table malapit sa glass na bintana at may mini library sa loob. May iilang halaman din doon.

Ang linis ng opisina at kahit na kakaunti lang ang gamit ay hindi iyon nakabawas sa ganda ng paligid. Parang ang presko sa pakiramdam kapag nandito ka

Napatingin ako kay sir Gavin na ngayon ay nakaupo habang nakatitig sa akin. Napatikhim ako. Ayan na naman ang titig niyang iyan

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may crush din sakin si sir. Well, pabor din naman sa akin dahil gusto ko rin naman siya.

Dapat siya ang unang umamin dahil siya ang lalaki. Para naman masimulan na namin ang aming love story. Char

"Ano pong pag uusapan natin?" tanong ko at nag iwas ng tingin

"You already met my kids. How are they?" Napalinga ako sa paligid. Wala bang ibang upuan dito? Tatayo lang ba ako hanggang matapos kaming mag usap? Di ko maiwasang mapanguso

"Ayos lang naman po Sila. May anak na po pala kayo" bigla akong nawalan ng pag asa. It means, may asawa din siya. Asan kaya ang misis niya? Paniguradong maganda din

Sa iisiping iyon ay hindi ko maiwasang malungkot

"Yeah. Calleiah...." Sumeryoso ang tingin niya at bahagyang inayos ang upo niya

"I need you to take care of them and pretend as their mother" dahil sa sinabi nito ay di ko maiwasang magulat. Wala bang nanay ang mga batang iyon?

"Asan po ba ang nanay nila? Ang asawa niyo asan po?" Taka kong tanong. Nag iwas siya ng tingin

"Iniwan sila" hindi ako nakapagsalita nang sahihin niya iyon

"I have an ex-girlfriend before and I got her pregnant. I don't know what she's up to but I just woke up one day that she left us.... She left me" may sakit na dumaan sa mga asul niyang mga mata habang sinasabi iyon

Grabe, sino kaya ang babaeng iyon? Ang kapal naman ng mukha niyang iwanan si sir Gavin. Ang gwapo na kaya ni sir. Tsaka ang ganda ng lahi, kitang kita naman sa anak

"My daughter keeps looking for her mom. But I cannot show her any pictures...." Naging malamig ang tingin niya

"Because I don't want to talk about her again" nag iwas na ulit siya ng tingin

"Please do your job Calleiah, pretend as their mom and please...." Lumungkot Ang kulay asul niyang mga mata, nagmamakaawa sa skin

"Please give them love and care just like what real mother's do" tipid akong ngumiti sakanya. Kahit naman hindi niya hilingin, gagawin at gagawin ko iyon

"And since we're married and you're my wife here.... You need to act like we're in love in front of them. My daughter dreamed to have a perfect family. At kahit hindi ko gusto, I want to give it to her, as long as it makes her happy"

Tipid akong tumango. Napakagat ako ng ibabang labi saka nag alinlangan na magsalita

"E-eh Ikaw?" Tumingin siya sakin at halatang nagtataka ang mga mata. Nakagat ko ang ilalim ng aking pisngi dahil kahit hindi ko pa sinabi ang gusto kong sabihin ay parang nahihiya na ako

"What about me?" Tanong niya sakin

"D-di ba.... I need to fulfill my duty as their mom and...." Nag alinlangan pa akong dugtungan ang gusto kong sabihin

"D-do I need to fulfill my duties also as your wife?" Naging Mahina ang boses ko nang Sabihin ko iyon.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko at hindi agad nakapagsalita. Shet, sana pala di ko nalang sinabi. Natulala at nagulat tuloy si pogi

"You don't need to do that Calleiah" sumeryoso ang mukha niya kaya naman napayuko ako dahil sa naging sagot niya

"Just focus on taking care of my kids. You don't need to do your duty as a wife for me. I can handle myself.... But promise me one thing Calleiah" Napalunok ako dahil ang lamig ng boses niya at ang seryoso ng dalawa niyang asul na mata.

"A-ano po iyon?" Sumandal siya sa kinauupuan at humalukipkip

"Never fall in love with me. We need to be sweet in front of the kids. Pero kung tayo lang, hindi mo kailangan gawin iyon. Never ever fall in love with me. No strings attach"

Napakagat ako ng labi at nanghinayang. Sayang naman....

"B-bakit hindi pwede?" Malungkot kong tanong. Gusto ko siyang pagsilbihan. Akala ko pa naman makakatabi ko na siya matulog, yung tipong magagawa ko ang mga bagay na dapat ginagawa ng wife para sa husband niya.

Akala ko pa naman, mahahawakan ko ang eight pack abs niya at mapisil ang pwet niya o di kaya mahawakan ko ang ano niya. Charot. Pero mukhang hanggang pangarap lang, hay, sayang naman

"Hindi pwede dahil hindi naman natin mahal ang isa't isa. And besides, I don't like you" aray naman sir.

Grabe naman ito, kung makapagsalita napaka straight forward. Tumango tango naman ako.

Hindi pa nga ako nakapag confess pero rejected na ko. Hay nako....

"The reason why you're not allowed to fall in love with me is it because I am a dangerous person" napatingin ako sakanya at nakita ko ang pagkurba ngisi sa labi niya

Wag kang ngumisi ng ganyan please. Tayo lang dalawa dito at baka sunggaban kita bigla. Hindi ba natatakot si sir na baka hindi ako makapagpigil?

"Aren't you aware about those speculations and gossips about me Calleiah? Bakit ganyan ka makatingin? Bakit parang iba ka kung makatitig sakin? Aren't you afraid of me?"

Wala sa sarili akong napailing. Hindi ko din alam kung bakit sabi nila ay nakakatakot daw si sir Gavin

"Ano po bang meron at halos Sila ay sinasabing delikado kayo? Ano po bang kaya niyong gawin?" Lakas loob kong tanong sakanya.

Nalilito na din kase ako. Ngumisi siya at napailing iling

"Marami ka pang hindi alam tungkol sa akin Calleiah.... Marami pa. At bago ka pa mapahamak, sinasabi ko na sayo na lumayo ka na" tumayo siya at lumapit sa akin

Napaatras naman ako dahil do at napalunok nang dalawang dipa nalang ang layo naming dalawa.

"Don't waste your time finding out who really I am. Dahil kapag nalaman mo kung ano ako, hindi ka na makakalabas ng humihinga sa puder ko" hinawakan niya ang panga ko at marahan akong hinarap sakanya

"Just focus on your job her, okay? And know your place, at huwag mong papakialaman ang mga bagay na hindi ko iniutos sayo"

Kinantilan ako nito ng masuyong halik sa pisngi dahilan para mas magulat ako. Natawa siya ng Mahina. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa mga titig niya maski ang pagtawa niya. Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata niya habang nakatingin sa reaksyon kong gulat

Napatitig ako sa gwapo niyang mukha, bakit kaya bawal ko siyang makilala? Ano bang mangyayari sakin? Bakit bawal kitang makilala ng lubos sit Gavin?

"My wife is shock.... I can only give you a kiss, just a kiss. And sorry to say this but, I can't give you my heart"




Shen_Manunulat

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon