DANGEROUS XIII

3.3K 69 2
                                    

DANGEROUS XIII

Nang lumabas ako mula sa classroom ay agad akong hinarangan ni Bryan. Napapikit ako dahil nandito na naman siya.

“Hi Calleiah, labas tayo? Libre ko” tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Hindi ito naka school uniform kaya alam kong umuwi ito ng bahay para magpalit ng damit

“Sorry, may lakad pa kase ako” tanggi ko at agad siyang nilagpasan pero napatigil nang makita si sir Kevin sa di kalayuan.

Nakatingin siya sa gawi ko. Hindi ako komportable kaya naman tiningnan ko si Bryan

“Bryan, pwede mo ba ko samahan papunta sa sakayan sa labas?” Ayoko ko kaseng maglakad nang nag iisa dahil pakiramdam ko ay parang di maganda ang mangyayari kapag ginawa ko iyon

“Oh yes, so, nagbago ba ang isip mo? Will you go and date with me? Don't worry, ihahatid naman kita sa Inyo” umiling ako kaya naman lumungkot ang mukha ng lalaki

Naglakad na kami papunta sa sakayan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil sa panliligaw sakin ang lalaking ito

“Bryan, huwag mo na akong ligawan. I can't reciprocate your feelings. Marami pa namang iba diyan, sila nalang ang ligawan at idate mo” saad ko pinapagaan ang loob niya

“I don't like them. Ikaw ang gusto ko ligawan” pagmamaktol niya. Napailing naman ako

“Wag ako, hindi ako ang nababagay sayo” actually, gwapo naman si Bryan, malakas din ang dating, pero kase hindi ko siya gusto at Wala akong naramdamang pagkagusto sakanya kahit na ilang buwan na siyang nanligaw. Hindi ko na maalala kung kailan ba siya nagsimula, mag iisang taon na yata

“Then give me enough reasons for me not to pursue you” nakarating na kami sa sakayan. Namulsa siya at nakatingin sa akin

“Pangit ako, hindi ako maganda, hindi din mayaman” saad ko na ikinakunot ng noo niya.

“Huh? But you're beautiful Calleiah, and what now kung hindi ka mayaman? Mayaman naman ako, I can provide you everything” sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito

“Umaasa ka pa rin ba kay Professor Gavin?” Sumeryoso ang mukha niya nang banggitin niya ang pangalan ni Gavin

Natigilan ako. Pano niya nalamang may gusto ako kay Prof?

“Halata naman…. Sana naging ganun nalang ako ka gwapo” nagdadrama niyang saad at tumingin ulit sakin

“Pero seryoso na. Hindi na kita kukulitin. Okay lang ba na friends tayo? Kahit iyon lang” pakiusap niya sakin.

Friends? Wala naman sigurong masama kung papayagan ko siyang maging kaibigan ko di ba?

“Sige, pero wag ka makulit ah? Wag ka gagawa nang bagay na ayaw ko. Kung di friends over na talaga tayo” tumango siya at ngumiti sa akin

Sandali pa kaming nag usap bago siya umalis dahil tinawag siya ng mga ka grupo niya sa soccer. Nagpaalam na siya sakin kaya naman ay naiwan ako dito sa sakayan

Tiningnan ko ang relo. Pasado alas singko na pala ng hapon. Wala pa si sir Gavin, mukhang may klase pa siya. Siguro mauuna nalang akong umuwi, alam niya naman siguro na nasa bahay lang ako. Susunduin niya siguro ako mamaya

Akmang maglalakad na ako para sumakay nang may magsalita sa likuran ko

“Wala pa ang asawa mo?” Napalingon ako dito at napalunok nang makita si sir Kevin na nakapamulsa

Napaiwas ako ng tingin sakanya at akmang aalis na nang bigla niya akong harangan

“Why don't you talk to me? Natatakot ka ba?” Natigilan ako sa tanong nito. Gusto kong sabihing, oo natatakot ako sayo kaya please lang lumayo ka na. Pero baka ma offend siya

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon