DANGEROUS XXX

2.9K 47 3
                                    

DANGEROUS XXX

What did he just say?

“I'm sorry kung ngayon lang ako nagpakita, here, divorced papers” mas lalo akong nagimbal nang iabot niya sakin ang envelope

“W-what’s the meaning of this?” Hindi makapaniwala kong tanong habang sa utak ko ay marami nang tanong na nabubuo

“Makikipaghiwalay na si Gavin sayo. Nakokonsesya siya dahil napapahamak ka nang dahil sakanya, so he decided to file a divorce at pakawalan ka na” sagot ni Brent at tumingin kay Aria na tulala lang din

Nanginginig man ang mga kamay ay dahan dahan kong binuksan ang envelope at tumambad sakin ang isang papel na hindi ko inaasahan

Iyon ang marriage contract na pareho naming pinirmahan at ang isa naman ay ang divorce paper na may pirma na niya. Napakuyom ang kamao ko habang pinigilang maiyak kahit gusto ko nang sumigaw

“W-where is he?” Mahina kong tanong, pinipigilan ang sarili na wag lukutin ang divorce paper na hawak

“He left and I don't know kung saan siya ngayon. Inihabilin niya sayo ang mga bata, he let you live in his mansion and you can still use his wealth para kahit papaano ay may magastos kayo Kasama ng mga bata” Saad niya. Napasinghot naman ako at tuluyang napaiyak

“Nakokonsensya siya dahil napapahamak ka nang dahil sakanya. Nagdesisyon siyang magpakalayo layo para—

“Tell your friend to go to hell!” Malakas kong sigaw at pinunit ang divorced papers na hawak ko. Napaiyak ako

Napaupo ako sa sahig at naramdaman ko nalang ang yakap ni Aria

“Brent! Where the hell is my f*cking boss?! Sabihin mo na at wag mo nang paiyakin si Calleiah, I'm begging you!” Sigaw ni Aria. Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko at patuloy na napahagulhol

“Anak?! Jusko anong nangyari?! Bakit?” Lumapit sa akin si mama at hinawakan ang mukha ko na tigmak sa luha

“Anong nangyari Aria?” Tanong ni mama kay Aria

“M-ma…. Iniwan na ako ng asawa ko ma” umiiyak kong sumbong sakanya. Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong iwan ni Gavin sa mababaw na dahilan, hindi ako makapaniwala na magagawa niyang iwanan sa akin ang mga anak niya at magpakalayo layo. Para ano? Para takasan niya ako?

Sinabi ko naman sakanya na kaya kong tiisin ang lahat. Na tatanggapin ko lahat ng kung anong buhay ang meron siya dahil simula nang pakasalan ko siya ay para ko na ring dinala lahat ng kung anong meron siya, na para bang tinanggap ko na mapapahamak ako dahil sa pagsama ko sakanya

Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon habang sinisigaw ang pangalan ni Gavin. Umiiyak din sina Caena at Fourth na ngayon ay pinapatahan ni Aria. Si mama naman ay nasa tabi ko at pilit akong pinapatahan

“M-mama ang asawa ko ma…. Bakit niya ako iiwan?” Umiiyak kong tanong Kay mama na ngayon ay umiiyak dahil sa kalagayan ko

“Tama na anak, Wala na tayong magagawa, baka naman nagbibiro lang si Gavin, babalik din iyon” pagpapatahan nito sakin.

Napasinghot ako at natigilan nang maramdaman ang pananakit ng puson ko. Napahawak ako dito. Nakita ko kung paano matigilan si mama

“Jusko may dugo ka!” Nanlaki ang mga mata niya at nang tingnan ko ang ibabang bahagi ng katawan ko ay nakita ko ang napakaraming dugo na nagkalat sa kinauupuan ko

Naramdaman ko ang pagdaloy ng kung ano dahilan para matakot ako at mas lalong mapaiyak dahil sa naramdamang sakit

“Jusko Aria! Tulungan mo ako! Dinugo ang anak ko!” Maski si Aria ay natigilan at agad na lumapit sa kinaroroonan namin

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon