DANGEROUS XXI

2.8K 49 2
                                    

DANGEROUS XXI

Nang matapos ang klase ay kaagad akong nagligpit ng gamit ko. Ayokong maiwanan na naman mag isa dito lalo na at hindi ako komportable Kay sir Kevin

“Miss Ricalde…. Please stay, I want to talk to you for a while” napahinga ako ng malalim at tinanguan si Kira at Mira na nakasunod sa akin.

Kaya nga ako sumabay sakanila para hindi ako nag iisa. Pero ito at gusto daw akong kausapin

“Bakit po?” Pormal kong tanong sakanya. Tumitig lang siya sa akin at namulsa

“You didn't came to the hospital address I texted you. Hindi ka ba nag aalala sa asawa mo?” Huminga ako ng malalim

“Hindi na po ako pumunta. Umuwi po kase siya ilang segundo lang matapos kayong tumawag” nakangiti kong sagot dito. Nakita ko namang natigilan ito sa naging sagot ko

“R-really? Well, that's good to hear” alinlangan itong ngumiti

“You know…. Gavin is a very dangerous person. There's so many threats in his life. Hindi ka ba natatakot?” Tanong nito sakin.

“Of course. Natatakot po ako. Pero kapag nasa tabi ko naman si Gavin, alam ko namang hindi ako pababayaan ng asawa ko” sagot ko sakanya.

Napatitig ito saglit sa akin saka napatingin sa leeg ko. Napaiwas ako ng tingin at agad na yumuko para takpan ang namumula kong leeg

“Mauuna na po ako” Saad ko at agad na umalis

“Why are you late? It's already 12:11” malamig na tanong ni Gavin sa akin. Napatingin ako sakanya. Nakaupo siya sa swivel chair habang pinaikot ikot ang ballpen na hawak niya

“Kinausap kase ako ni sir Kevin saglit” pag amin ko sakanya. Ayokong magsinungaling dahil wala naman dapat akong itago sakanya

Kita ko ang pandidilim ng mukha niya. Kita kong napakuyom ang kamao nito nang banggitin ko ang pangalan ni sir Kevin. Sa pagkakaalam ko magkapatid silang dalawa

“What did that creep told you?” Malamig niyang tanong habang nakatitig sakin. Napahinga ako ng malalim bago ako kusang kumandong at yumakap sakanya na ikinatigil niya

“Wala naman. Tinanong lang niya kung bakit daw di ako pumunta sa address na sinabi niya nung araw na umuwi kang duguan. Nasa ospital ka raw. Tumakas ka don?” Kunot noo kong tanong at tumingin sakanya

Mas lalong lumamig ang tingin niya

“Hindi ako pumunta ng ospital nung araw na iyon” malamig niyang saad dahilan para matigilan ako.

“I know he's the reason why I am wounded that day. Gusto niya talaga akong mamatay. Too bad, I'm good at surviving and escaping” ngumisi siya at agad na hinawi ang buhok ko saka tinitigan ang leeg ko

Natulala ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, nagsisinungaling si sir Kevin. “b-bakit niya naman gagawin iyon?” Tanong ko sakanya.

Bakit naman niya ipapahamak ang kapatid niya? “Obviously because he wants me dead….” Sagot niya saka nilapit ang mukha sa leeg ko at hinalik halikan ang mga pulang marka na nandun

“I love seeing my marks in your body. Mas gumaganda ka” Saad niya at saka hinawakan ang bewang ko.

“Kumain ka na. Stop thinking about that bastard. Ako na ang bahala sakanya. But one thing I can say…. That brother of mine is dangerous. You should avoid him” tumango ako sa sinabi niya at yumakap sakanya pabalik

Alas singko na nang matapos ang klase ko. Agad akong pumunta sa office ni Gavin dahil sabi niya ay sabay daw kaming uuwi ngayon sa mansyon.

Hindi na nga ako nakakauwi sa totoo kong bahay dahil sa gusto ni Gavin na doon na ako tumira sa bahay niya.

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon