DANGEROUS V
Nakahanda na ang gamit ko. Nasa baba na si sir Gavin habang hinihintay akong matapos sa pag iimpake.
Sandali akong napaisip at nag alinlangan pa na sumama sakanya. Tama ba ang gagawin ko? Parang may kung ano sakin na nagtulak na huwag nalang tumuloy, ngunit baka magalit siya sakin
Napabuga ako ng hangin at saka lumabas dala dala ang mga gamit ko. Hindi ko naman dinala lahat, iilan lang sa mga damit ko
Nakita ko siya sa baba na nakaupo sa isa naming sofa habang naka dekwatro habang naka cross arm at nakatingin sa kung saan
Sandali akong natigilan. Kahit talaga sa malayo ang lakas ng dating niya. Naka polo shirt lang siya at naka jeans pero para na siyang model kung tititigan.
Napakagat ako ng ibabang labi at nag iwas ng tingin nang mabaling ang mga malalamig at magaganda niyang mga mata sa pwesto ko.
Nakatitig lang siya sakin. “tapos na po ako” mahina kong saad. Tinitigan niya Ako saglit bago tumayo at lumapit sakin.
Ano na naman kaya ang gagawin niya? OMG talaga dahil na eexcite na kinakabahan ako sa tuwing lalapitan niya ko at tititigan
“Magpalit ka ng damit” bulong niya sa mahinang boses at inayos ang suot ko. Napatingin ako sa suot ko. Naka spaghetti dress lang kase ako.
“Ayos naman po ang suot ko—
“I said change your clothes. Magpapalit ka o sasama ka sakin habang nakahubad” dahil sa sinabi nito ay di ko maiwasang matigilan. Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nito.
“M-mag papalit na po ako” sagot ko at tinalikuran siya. Napapangiwi ako sa tuwing naglalakad papunta sa kwarto ko. Pakiramdam ko kase ay nakatitig siya sa likuran ko. Nakakahiya
Tiningnan ko naman ang suot ko at para sakin ay maayos naman. Grabe, mas sexy nga ako dito eh pero panira talaga si sir. Napanguso ako at napangiti na parang hibang
Ito ba ang pakiramdam ng mga leading lady na nabasa ko sa libro? Ang possessive ng mga male lead at hindi nila pinagsusuot ng mga revealing clothes ang mga leading lady nila. Well, nakakakilig pala
Nag suot ako ng isang blouse at fitted pants saka agad na lumabas.
Napakagat ako ng ibabang labi nang suyurin ni sir Gavin ang itsura ko. Namulsa siya habang nakatitig sakin
“T-tara na mahal—este sir. Tara na po” pinilit kong takpan ang hiyang naramdaman. Para kaseng Wala siyang balak magsalita at gusto lang na titigan ako buong gabi, okay lang naman sakin pero kase baka matunaw ako sa nakakapanindig balahibo niyang titig. Di keri ng matres ko
Tahimik niyang kinuha Ang mga gamit ko at siya na Ang nagdala ng mga iyon. Pinigilan ko namang sumigaw sa kilig habang nasa likuran niya. Ackkkk! My God! ang gentleman ni sir
Inilagay niya iyon sa compartment saka ako pinagbuksan ng kotse. Tahimik naman akong pumasok Doon. Mukha talaga kaming magtatanan sa itsura namin
“San po tayo ngayon sir?” Tanong ko sakanya. Nagsimula na siyang mag drive habang seryoso at malamig pa rin ang tingin
“In my house. When we get there please don't call me sir. Call me by my name” tumango ako sa sinabi nito at napaiwas ng tingin
Grabe, hinahayaan niya kong tawagin na siya sa pangalan niya. Lume-level up na talaga Ang relasyon namin. Charot. Hindi lang Ako makapaniwala na asawa ko na siya ngayon, dati kase crush crush lang ganun. Wala man lang kaming first date, hindi kami nag celebrate ng first anniversary as boyfriend and girlfriend ganun. Diretso mag asawa talaga. At least legal agad di ba?
BINABASA MO ANG
Dealing with the Dangerous Professor
Romance"You make a wrong move by just dealing with me" - Gavin Magnus Cavalcante THE BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST