DANGEROUS IX
“Mommy, let's sleep together please….” request ni Caena sa akin. Napakamot naman ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung paano ito tatanggihan.
Hindi ako pwedeng matulog ngayon. May trabaho pa ako. Tsaka bibisitahin ko pa si mama ngayon dahil ilang araw na akong hindi umuuwi ng bahay. Baka magtaka pa iyon
“Sige. Matulog ka agad okay? Tatabihan kita” sagot ko at inayos ang pajama nito pantulog saka inihiga ito sa kama niya. Tulog na ang kuya nito, nauna na sakanya.
“Mommy, can you please read me some story?” Inabot nito ang storybook sakin. Kinuha ko naman ito at napakunot ang noo
Hindi Ako marunong sa story telling. Sa pagkakaalam ko, kailangan madamdamin mong basahin ito para ganahan ang bata sa pakikinig at makatulog agad
Napatikhim ako at agad na nagtingin tingin sa mga story na nandito. Puro ito pambata at nabasa ko na ito lahat nung elementary palang ako.
Pinili ko nalang iyong story na ‘Si pagong at si matsing’ common story na ito pero favorite ko noong bata. Dahil dito kaya nantutunan kong wag makipag kompetesyon sa iba at wag magmayabang o mang insulto ng kapwa.
Nagsimula na akong magbasa habang si Caena naman ay matamang nakikinig at tatawa ng mahina sa tuwing iibahin ko ang boses ko para sa iba't ibang characters ng kwento.
Nakita kong napahikab na ang bata at halata na sa mga mata ang antok.
“At iyon ang Wakas ng kwento….” Madamdamin kong saad at tiningnan si Caena. Napangiti ako nang makitang pumipikit na Ang bata.
Kinumutan ko ito. “I love you mommy….” Mahina nitong saad dahilan para matigilan ako.
Napahinga ako ng malalim at napatingin sa dalawang batang natutulog. Sino kaya ang ex-girlfriend ni sir Gavin na nang iwan sakanya? Bakit pati mga bata idinamay niya?
Hindi ko maiwasang maawa sa mga bata. Hindi nila dapat maranasan ang ganito. Dapat, buo at masaya ang pamilyang kinalakihan nila
Habang tinitingnan si Caena ay di ko maiwasang maawa dito. Talagang uhaw siya sa pagmamahal ng isang ina, kitang kita naman kung paano siya maglambing sa akin
Si Fourth, kahit na tahimik ito ay alam kong naghahanap ito ng kalinga at pagmamahal ng isang ina.
Hinalikan ko ang noo ng mga ito. Wag kayong mag alala, habang nandito ako, gagawin ko ang lahat para mapunan ang pagkukulang ng totoong mommy ninyo. Gagawin ko ang lahat at ipaparanas ko sainyo ang pagmamahal ng isang ina, ituturing ko kayong mga anak at mamahalin na parang mga sarili kong kadugo
Nagbihis na ako at agad na lumabas ng mansyon. Hindi na ako nagpaalam kay sir Gavin dahil Wala daw dito ang lalaki
Ibinilin ko nalang ang mga bata sa mga nakabantay at agad na umalis.
Nakarating ako sa pinagtatrabahuan ko pasado alas nwebe na ng gabi. Naabutan kong maraming mga customers ang nandun
“Oh, Calleiah, buti naman at pumasok ka ngayon. Nako ang daming customers” Saad ni Gina, isa sa katrabaho ko. Ngumiti ako sakanya at pumunta sa locker ko saka tumulong sa pag se-serve ng mga customers.
“May I have your orders sir?” Tanong ko sa grupo ng kalalakihan. Napatingin naman ang mga ito sa akin. Hindi ko kilala ang mga ito. Bago sila sa paningin ko
“Just a grilled chicken miss, thank you” Saad ng isa sa kanila. Tumango ako nang sinabi niyang parehas Sila ng order lahat. Lima silang nandito sa table
“Wait me here sir” saad ko at pumunta kaagad sa chef para ibigay ang orders nila.
“Calleiah” tawag sakin ni Adrian. Napalingon naman ako sakanya at nagtatanong siyang tiningnan
“Nakikita mo ba iyang grupo ng mga lalaking iyan?” Tinuro niya sakin Ang mga customers na kinuhanan ko ng orders kanina. Seryoso nang nag uusap ang mga ito at agaw pansin Sila sa buong restaurant
“Oo bakit?” Sumeryoso ang mukha niya habang matalim ang mga matang nakatingin sa gawi ng mga kalalakihan
“Mag iingat ka sa mga iyan. Tinanong ako kanina kung kilala ko raw ba si Professor Gavin Magnus Cavalcante, sinabi ko di ko kilala” nagtataka ko naman siyang tiningnan
“Nararamdaman kong isa ang mga iyan sa mga kalaban ni sir Gavin. Di ba, napapabalita sa school natin na may sinalihang fraternity iyang si sir. Marami iyang kalaban, kaya naman mag iingat ka. Wag na wag mong sasabihing kilala mo si sir dahil baka madamay pa tayo sa gulo nila”
Kusang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Adrian. Oo nga pala, schoolmate ko ito sa school na pinapasukan ko.
Napatingin naman ako doon sa mga pwesto ng mga lalaki at nanlaki ang mga mata nang makitang nakatitig sakin Ang isa sakanila.
Napaiwas ako ng tingin at agad na pinagpatuloy ang ginagawa
“Adrian, hindi ako komportableng lumapit sakanila. Ikaw nalang ang magdala” tumango naman si Adrian at siya na Ang nag asiko at nagbigay ng mga orders.
Hindi naging maganda ang pakiramdam ko buong shift, para kaseng may matang nakamasid sa bawat galaw ko.
Napaunat ako nang maramdaman ang pananakit ng likuran ko. Agad kong tinapos ang mga dapat tapusin para makauwi ako samin. Bukas nalang din siguro ako ng umaga uuwi dahil sa bahay ako matutulog. Masakit na ang likuran ko at may pasok nga pala ako bukas
Habang nagpupunas ako ng lamesa ay naramdaman kong may pumasok sa loob ng restaurant.
“Close na po kami ma'am/sir” magalang kong saad at hindi tiningnan ang pumasok.
Nagpatuloy ako sa ginagawa at nang lumingon ako ay nagulat ako nang makitang may lalaking prenteng nakaupo habang nakatingin sa akin
“Excuse me sir? Magsasara na po kami” kunot noo kong saad habang nakatingin dito. Hindi naman ito umimik
“Sir?” Nilapitan ko ito. Nakatingin pa rin sakin at hindi nagsasalita
“What's your name miss?” Tanong nito sakin. Napalunok ako at nagtaka
“Excuse me sir? Who are you? And why are you asking for my name?” Tinitigan ko ng maigi ang lalaking nasa harapan ko at natigilan nang maalalang ito iyong lalaking nahuli kong nakatitig sa akin kanina
Kasama ito sa mga lalaking agaw pansin kanina sa restaurant. Ano kayang kailangan niya?
“I'm Kevin. I'm just here to ask you something, please answer me honestly. Your answers are very big help” Saad niya at may kinuha sa pocket niya
“Do you know who is he?” Tanong niya at inabot sa akin ang isang litrato.
Natigilan ako nang makilala iyon. Si sir Gavin. Napalunok ako. Naalala ko ang sinabi ni Adrian sakin kanina
“S-sorry po pero hindi po eh” binalik ko sakanya ang litrato. Tinitigan niya lang Ako. Kagaya ni sir Gavin, malakas din Ang dating ng lalaki. Kulay gray ang mga mata nito habang magaan lang na nakatingin sakin pero alam kong binabasa ang lahat ng kilos ko
“Is that so? Well, if you'll see him or find him, please tell me. Here's my card” Saad niya at binigay ang card sakin. Kinuha ko naman iyon. Isang calling card
“Bakit po? Sino ho ba iyan at kaano ano niyo po? Nawawalang kamag anak niyo?” Kahit alam kong pang tanga ang tanong ko ay nagkunwari parin ako
“No. We just want something from him” ikli niyang sagot at tumayo saka namulsa
“It's nice meeting you miss. You never tell me you're name” nilapitan ako nito at inayos ang iilang hibla ng buhok ko
“I hope to know you soon. You look beautiful by the way” Saad nito at agad akong iniwan
Sino kaya iyon?
Napailing ako at kaagad na bumalik sa paglilinis para makauwi na sa bahay. Habang tinatahak ko ang daan pauwi, kahit na hindi ko pansinin, alam kong may nagmamasid at sumusunod sa akin, bagay na nakakapag bigay ng takot sa akin
BINABASA MO ANG
Dealing with the Dangerous Professor
Romance"You make a wrong move by just dealing with me" - Gavin Magnus Cavalcante THE BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST
