DANGEROUS XII
Nakatulala lang ako sa bintana habang ang mga kaklase ko ay may mga sari-sariling mga mundo.
Wala akong ganang makipag usap kay Mira na ngayon ay nakikipag chikahan sa iba pa naming kaklase.
May kumalabit sakin dahilan para mapatingin ako dito. Si Kira. Seryoso ang mukha ng babae
“Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ni Mira sayo kanina? Just forget about it Calleiah. Hindi magandang makisali pa tayo sa gulo nila” Napahinga ako ng malalim, pwede ko sanang ibalewala iyon dahil hindi naman importante
Pero sa iisiping may mga kalaban pala si Gavin ay di ko maiwasang mag alala para sa mga bata. Kung ganun, kapag nawala si Gavin, mawawalan na ng mga magulang sina Fourth at Caena. Kawawa naman ang mga bata kung ganun
Huminga ako ng malalim bago tumingin ulit sa bintana. Hindi ko alam kung bakit namroblema din tuloy ako sa problemang hindi ko naman problema
Aba malamang, ako ang asawa ni Gavin, kapag nawala siya sa akin mapupunta ang mga bata. Napahilot ako sa sentido ko
“Good afternoon class…” napatingin ako sa harapan nang pumasok ang teacher naming buntis na si Miss Aida Perez. Malapit na itong manganak kaya paniguradong mag le-leave na ito
“Good morning miss Perez” bati namin dito at tumayo
“Have a sit class” napatingin kami sa labas nang may sinenyasan ang isang professor namin.
Pumasok mula doon ang isang matangkad na lalaki. Parang huminto ang mga mundo namin nang makita ito sa kabuuan. Unang tingin ay alam mong may lahi dahil sa ganda ng mukha maging ng kutis, hindi ito nagmumukhang Pilipino
“Class, this is Professor Kevin Lux Cavalcante. He's Professor Gavin Magnus Cavalcante’s big brother. He's your new professor as of the moment because I will leave to prepare for my labor” saad ng propesora at hinimas pa nito ang tiyan niya
Bigla namang nagbulung bulungan ang mga kaklase ko, natutuwa ang mga mukha habang nakatingin sa lalaking nasa harapan habang ako ay tulala lang. I knew him! Siya iyong lalaki kagabi sa restaurant.
Pinakatitigan ko ng maigi ang lalaki. Hindi mahahalatang Kapatid ito ni sir Gavin dahil magkaiba Sila ng itsura pero parehong malakas ang dating at kapansin pansin kapag sila ay nasa paligid. Nagulat ako sa nalaman
Mas lalo akong nagulat nang mabaling ang tingin ng lalaki sa akin at tinitigan ako ng mariin. Nagulat din ito nang makita ako. Tiningnan ko ng maigi ang mga mata nito at nakitang hindi ito kulay asul kagaya ni sir Gavin. Itim na itim ang mata nito na para bang hinihigop ka papunta sa kadiliman
Napaiwas ako ng tingin nang sikuhin ako ni Kira. Seryoso ang mukha niya at parang nagbabanta habang nakatingin sa akin
“Wag na wag kang tititig sakanya ulit. Iba siya makatingin sayo. Kakaiba” Dagdag pa niya at agad na tumingin sa harapan.
Narinig ko ang tilian ng mga estudyante habang nakatingin kay sir Kevin na ngayon ay nasa akin ang atensyon. Hindi ko nalang ito pinansin
Nagsimula na siyang mag klase habang ako naman ay parang lumilipad ang isip. Kung kay sir Gavin, kinikilig ako sa presensya niya, itong lalaking ito ay hindi ako komportable. Hindi ko magawang makinig sakanya, parang ayaw ng mga tenga ko na makinig sakanya
Hanggang sa mag uwian ay walang pumasok sa isipan ko. Agad akong nagligpit ng gamit ko at sumunod kina Kira at Mira na ngayon ay nauuna sa akin
“Miss Calleiah Rhein Ricalde….” Kumunot ang noo ko at agad na tiningnan Ang nagsalita. Si sir Kevin.
BINABASA MO ANG
Dealing with the Dangerous Professor
Roman d'amour"You make a wrong move by just dealing with me" - Gavin Magnus Cavalcante THE BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST