DANGEROUS XXV

7.5K 103 5
                                        

DANGEROUS XXV

Hindi na natapos ang klase ko at kaagad na sumama nalang kay Gavin na umuwi.

Nang makarating kami sa mansyon ay agad kong nilapitan sina Caena at Fourth na ngayon ay nasa sala

“Hello anak” bati ko sa mga ito dahilan para mapatingin ito sa akin

“Hello mommy!” Humalik si Caena sakin ganun din ang ginawa ni Fourth. Napatingin ako sa ginagawa nila at nakitang may isang plato ng spaghetti sa harapan

“Mommy, eat this spaghetti, tita Aria cooked this for us!” Masayang saad ni Caena. Tiningnan ko si Fourth na ngayon ay tahimik lang na kumakain sa plato niya

Hindi ko maiwasang matigilan nang sabihin iyon ni Caena. Agad niyang inumang sa bibig ko ang isang kutsara ng spaghetti sa akin

Kahit labag sa loob ko ay kinain ko iyon, tama nga naman siya. Masarap.

“N-nasan ang tita Aria niyo?” Mahina kong tanong.

Hindi pa man nakasagot ang bata ay agad na lumabas si Aria mula sa kusina.

“I'm here, may kailangan ka?” Tanong niya at tumingin sakin saka kinuha ang mga platong Wala nang laman. Nang hindi ako sumagot ay tumalikod na siya at umalis.

Napahinga naman ako ng malalim at kaagad na umakyat sa itaas. Naabutan ko si Gavin na abala sa cellphone niya. Nakita kong napahilamos siya sa mukha niya

“Gavin bakit?” tanong ko sakanya. Bumaling siya ng tingin sakin at sumeryoso ang gwapong mukha

“Matulog ka ng maaga mamaya, matulog kayo ng maaga ng mga bata. Magpapadala ako ng ibang mga tauhan para magbantay” Saad niya dahilan para magtaka ako

“May nangyayari ba? Bakit Gavin?” Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi saka humiwalay din kalaunan

“The news had spread. They found out my weakness. You need to hide Calleiah, I need to hide you together with our kids. They're making ways to get the three of you away from me” nagtaka naman ako

“Gavin bakit naman nila kami kukunin sayo? Bakit Kasama ako?” Tanong ko. Hindi ko naman alam kung sino ang mga tinutukoy niya pero kinakabahan ako

“Because they want me dead. And they knew that you're my wife that's why they want to hurt you. Hindi nila hahayaang maging masaya ako. They're my enemies, and they want me down…. Kukunin nila kayo kase alam nilang mahalaga kayo sakin” seryoso niyang saad dahilan para mapahinga ako ng malalim

Mukhang malaking problema talaga ang kakaharapin niya ngayon. Base sa reaksyon niya, mukhang may kailangan siyang ayusin

“My life is not easy as you think Calleiah. Alam mong sa umpisa palang, delikado ang buhay na meron ako. Tell me….” pinaharap niya ako sakanya.

Nakatitig naman sakin ang mga mata niya

“Are you still willing to stay by my side?” Walang pag alinlangan na tumango ako at ngumiti sakanya

“I'm willing Gavin. Basta Kasama ko kayo ng mga anak mo, kasama ko lang kayo ayos na sakin. Hinding hindi kita iiwan” hindi ko siya pwedeng iwan dahil magmula nung maging asawa niya ako, parang tinanggap ko na rin ang buhay na kung anong meron siya

Kung ano ang buhay na meron siya ay tatanggapin ko, Wala akong magawa dahil asawa ko na siya at asawa na din niya ako. Kung ano ang problema niya, problema ko na din iyon at magkasama naming kakaharapin iyon

Pasado alas diyes na ng gabi nang magising ako at makitang wala si Gavin sa tabi ko. Nagising nalang ako nag Wala na siya sa tabi ko. Bumaba ako at hinanap siya sa kusina.

Dealing with the Dangerous Professor Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon