DANGEROUS X

8.5K 116 0
                                        

DANGEROUS X

Kumatok ako ng ilang beses bago ako pinagbuksan ni mama.

“Sino ba iyan eh gabi na–

Nangunot ang noo niya nang makilala ako. Magulo na ang buhok niya at halatang galing na sa tulog

“Calleiah? Oh anak bat ka nauwi?” Takang tanong niya at pinapasok ako

“Tapos na po Ang trabaho ko” sagot ko nalang sakanya at hinubad ang sapatos ko saka umupo sa sofa

“Tapos na agad ang trabaho mo? Aba eh kaka apply mo palang ah?” Napatingin ako kay mama

“Apply?”

“Oo. Pumunta dito ang boss mo nung kahapon. Ang bait niya, siya pala ang nagbayad ng hospital bills at pagpapaopera ko saka eto pa oh” hinila niya ako papunta sa kusina

“Binilhan niya ng grocery ang bahay kahapon, may pera din siyang binigay 20k. Tulong niya na daw kase nangangailangan ka ng pera para sa atin” unang pumasok agad sa isipan ko si sir Gavin.

Napatingin ako sa mga groceries na nandito. Marami iyon at galing pa sa mamahaling mall binili. Hindi ko maiwasang mapangiwi

“Aba eh ke bait bait naman ng amo mo anak. At ang gwapo, nako kung Wala lang siguro iyong asawa ay binubugaw na kita doon, kaso Sabi niya bagong kasal palang sila ng asawa niya” natahimik ako sa sinabi ni mama

Hindi naman kase ako makapagsalita at Wala akong masabi. Siguradong sigurado ako na si sir Gavin ang nagpunta dito.

“Nakwento din niya sakin na single dad siya. Nako, sa gwapo niyang iyon naging single dad pa siya. Ang swerte ng napangasawa niya at may anak na sila agad at responsabli pa ng asawa niya” daldal ni mama habang hinahawakan ang mga groceries

Napatikhim ako. “O-oo nga po eh, akyat na po ako sa taas ma” tumango lang siya.

Tahimik akong umakyat sa itaas at napabuga ng hangin saka napasandal sa pintuan ng kwarto ko.

Napailing ako. Kaya naman pala walang tawag o kahit text sakin si mama kase Akala niya nagtatrabaho ako pero ang hindi niya alam ay kasal na ko. Gusto kong matawa, paniguradong kurot sa Singit ang makukuha ko kapag nalaman niya. Baka nga mabugbog niya pa ko.

Nagbihis na ako at nagsuot na ng damit pantulog. Sandali akong napaisip at kinuha Ang notebook ko. Grabe, kailangan ko pa mag aral para bukas. Baka may pa quiz na naman at di na naman ako makasagot

Pasado alas onse na din ng gabi, malapit na mag alas dose. Akmang kukunin ko ang notebook ko nang biglang tumunog ang cellphone ko dahilan para tingnan ko ito

Unregistered number. Sino ba ito?

“Hello?”

“Where the h*ll are you Calleiah?!” Nailayo ko ang cellphone nang marinig ko ang galit na tinig ni sir Gavin sa kabilang linya

“P-po, eh nagtrabaho po ako—

“F*cking comeback here!” Utos niya sakin dahilan para mangunot ang noo ko

“Sir Gavin gabi na po, alas onse—

“I don't f*cking care! Comeback here now, Caena’s looking for you, kanina pa iyak ng iyak ang bata dahil Wala ka. How dare you left us!” Natulala ako sa sinabi nito

Left us? Eh? Napangiwi ako pero napalitan iyon ng pag aalala nang maalala si Caena. Umiiyak ang bata. Di ko naman maiwasang maawa

“Give her the phone sir Gavin, kakausapin ko” pakiusap ko sakanya. Narinig ko ang pagbuga ng hangin niya

Dealing with the Dangerous Professor Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon