DANGEROUS XVIII
Nagising ako na madilim na sa labas. Nang bumangon ako ay nadatnan ko si Caena na nasa sahig habang abalang naglalaro.
“Mommy” tawag nito sakin at kaagad na binitawan ang ginagawa saka ako nilapitan at niyakap
“Mommy, daddy said to me you should eat your lunch. You didn't eat lunch yet, it's already 6 in the evening” Sabi ng bata at kaagad na lumapit sa coffee table saka may dinalang pagkain
“S-sinong nagluto nito?” Tanong ko nang makita ang paborito kong pancake
“Daddy” ikling sagot ng bata dahilan para matigilan ako.
Bumalik sa isipan ko nangyari kanina. “nasan siya?” Mahina kong tanong. Gusto ko lang itong Makita. Bakit Wala ito sa tabi ko?
“Umalis po ang daddy, hindi pa nabalik” sagot ni Caena.
Walang gana naman akong kumain at pagkatapos ay agad na bumaba para magluto ng hapunan
Matapos kong paliguan sina Caena at Fourth at patulugin ang dalawang bata. Naghintay pa ako ng mga ilang oras dahil hindi pa rin umuuwi si Gavin hanggang ngayon
Sinubukan kong kunin ang number niya pero Wala akong nakuha. Nang pumunta din ako sa labas kanina ay nagtaka ako sa dami ng mga bantay sa labas. Puros nakaitim ang mga ito at nakapalibot sila sa buong mansyon
“Ang meron?” Wala sa sarili kong tanong sa isang lalaking malaki ang katawan
“The king ordered us to surround the mansion and watch over you” hindi ko maiwasang matigilan. Bakit naman?
Hindi nalang ako nag abalang magtanong at mataman nalang na naghihintay sa pagdating ni Gavin. Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko siya. Gusto ko siyang makita kahit na parang may mali sa mga ginagawa nila kanina
Napahinga ako ng malalim at agad na umakyat sa kwarto. Doon ko nalang siya hihintayin sa kwarto namin. Agad akong humiga sa kama at inilibot ang paningin ko sa buong kwarto
Nandito na ang mga gamit ko, inilipat na ni Gavin. Nandito rin ang mga gamit niya. Bumangon ako at agad na kinuha ang cellphone ko nang marinig na tumunog iyon
“Hello?” Kumunot ang noo ko dahil unregistered iyon at pasado alas onse na ng gabi
“You're his wife right? Calleiah….” Parang pamilyar ang boses nito
“Sino ka? Ako nga ang asawa niya? Bakit” narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya
“Calm down…. I'm Kevin, your brother-in-law” natigilan ako sa narinig. Bakit niya alam ang number ko?
“This is my brother's phone. I have his phone. Just to tell you, nabaril ang asawa mo and we're here in the hospital” dahil sa sinabi nito ay di ko maiwasang mapatayo.
“S-saang ospital?” Nanginginig kong tanong habang pinipigilan ang panginginig. Hindi ko alam kung bakit parang may mali
“I'll send you the address, pumunta ka dito ngayon din” Saad nito at pinatay ang tawag. Hindi ko na ma contact ang number dahil pinatay na ang cellphone
Pero may sinend sakin na parang location ng ospital.
Maya maya pa ay natigilan ako nang may kumalabog sa ibaba. Agad akong tumayo at tiningnan iyon. Halos mapatakip ako sa bibig nang makita si Gavin na duguan habang hawak hawak ang braso at Ang kanang tagiliran
Halata sa mukha ang sakit pero alam kong tinitiis dahil hindi man lang ginagawa ng ingay. Hindi ko na napigiglan at agad na nilapitan ito
“G-gavin anong nangyari sayo?” Taranta kong tanong nang makitang ang daming dugo sa puting polo na suot niya. N-nasaksak ba siya? Nabaril? Dugo…. Napakadami
BINABASA MO ANG
Dealing with the Dangerous Professor
Romance"You make a wrong move by just dealing with me" - Gavin Magnus Cavalcante THE BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST
