DANGEROUS XVI

8.4K 106 2
                                        

DANGEROUS XVI

Tinitigan ko ng maigi kung nagsasabi ba siya ng totoo. Hindi ko alam kung nagjo-joke lang ba siya pero kase ang seryoso niya

“M-mahalin? Ako?” Parang tanga kong tanong at Itinuro ang sarili ko. Napatikhim naman si sir Gavin bago inayos ang tindig

“I've noticed that you like me…. Sabihin mo, may gusto ka ba sakin?” Seryoso niyang tanong. Napalunok ako. Aamin ba ko?

“O-opo…. Gusto ko po kayo noon pa” pag Amin ko sakanya. Parang may kung anong dumaang emosyon sa mga mata niya nang sabihin ko iyon sakanya

“Kung ganun, W-we can try. Susubukan natin. Susubukan ko, susubukan kong magustuhan ka pabalik gaya ng kung gaano mo ko kagusto” hindi ko maiwasang mapatulala at mapanganga sakanya

Napakurap ako nang lumapit siya sakin at hinawakan ng masuyo ang pisngi ko saka ako tinitigan ng diretso sa mga mata. Ano ba sir Gavin….

“Hindi ka naman mahirap magustuhan Calleiah. You're a wife material. I love how you take care of my children…. I love how you love them like your own kids. At kung mamahalin ka pabalik ang magagawa ko para suklian lahat ng mga nagawa mo, gagawin ko” hindi ako makapagsalita at parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko

Napatikhim ako at napaiwas ng tingin dahilan para mabitawan niya ang mukha ko

“Hindi naman po pinipilit ang love eh…. Pero kung gusto niyong subukan aba'y mas mabuti naman” ngumiti ako nang makitang Kumunot ang noo niya

Napakagat ako ng ibabang labi at tumitig din sakanya

“Sir Gavin….”

“Hmm?”

“Kung mahal mo na ko, papisil ako ng pwet mo ah?” Nakita kong ngumiti at tumawa siya dahilan para mapanganga at matigilan ako

Ang gwapo mars…. Nahulog yata ang panty ng kumare niyo nang makitang tumawa itong napakagwapong nilalang sa harapan ko

Tumigil siya sa pagtawa at napatikhim saka bumalik sa normal na titig sa akin. Napanguso ako, ang gwapo na nun eh

“Sir Gavin, ngumiti ka ulit please. Ang gwapo mo pag ganun. Gusto ko Makita kang nakangiti, kase nakakagaan sa pakiramdam” sandali siyang tumitig sakin

“You're not afraid of me?” Umiling ako at lumabi habang titig na titig din sakanya. Grabe, parang dream come true lang na nakaharap ko na ngayon ang crush ko

“Why? I'm a monster Calleiah. I'm dangerous” napatawa ako at napailing iling

“Kung monster ka, eh di sana kinain mo na ko. Kung delikado ka, sana matagal mo na kong sinaktan, pero bakit ni isa dun hindi mo ginawa sakin?” Mataman lang siyang nakatitig sakin

“Ibig sabihin nun, may puso ka. Mali sila ng tingin sayo dahil ang totoo, isa kang mabuting tao na may mabuting puso” tumawa siya. Parang sexy chuckle ganun, ang swabe

“Wala akong puso Calleiah. Tama Sila, halimaw ako at delikado akong tao, you better not love a man like me”

“Hindi ako naniniwala….”

“Why not? Hindi mo pa nakita ang totoong ako, hindi mo pa alam kung ano ako sa likod nitong taong nasa harapan mo” kusa ko siyang niyakap at bumulong sakanya

“Then ipakita mo sakin. Saka mo itanong kung gusto ba kita o hindi. Wala akong pakialam Gavin kung ikaw pa ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa. Ang importante sakin, ay gusto kita. At handa kitang mahalin kung sakali” bulong ko at hinigpitan ang yakap sakanya

Naramdaman ko na yumakap siya pabalik sakin kaya naman napangiti ako

“If you ever loved me, you need to accept the whole me. You need to accept everything about me. My dark sides, my hobbies, what I love and what I hate” ngumiti ako at pasimpleng nagnakaw ng kurot sa pwet niya

Dealing with the Dangerous Professor Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon