DANGEROUS XXIX

2.7K 42 1
                                    

DANGEROUS XXIX

Nanginginig ang mga kamay at buo kong katawan habang nakatingin sa ER na pinaglagyan kay Gavin at Kevin.

Hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari at para lang akong tanga na nakatulala sa kawalan. Hindi pa rin makaget over sa nangyari.

Naramdaman ko ang paghawak ni Sir Brent sa balikat ko

“Mrs. Cavalcante, you need to go home for a while, you're not safe here” malamig niyang saad. Napatingin naman ako sa ER

Hindi kami pinapasok kanina pero gusto kong Makita si Gavin

“D-dito lang ako…. Hihintayin ko magising si Gavin” mahina kong sagot

Napatingin naman sakin si sir Drax. “Just let her Brent, may karapatan naman siya mag alala, asawa yan” napahinga ng malalim si sir Brent bago ako tiningnan ulit

“Ihahatid kita sa mansyon. You need to rest for a while Calleiah, nag aalala na sayo ang mama mo, hinahanap na na rin ng mga anak mo” dahil sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang matigilan

“P-paano si Gavin? Baka hanapin niya ako pag gising niya” gusto ko na ako ang magbantay sakanya, gusto ko na ako ang una niyang makita pag gising niya

“Kami na ang bahala sakanya. Don't worry, we'll just call you if he's awake” Wala akong nagawa kundi ang umuwi nalang

Buong biyahe ay hindi ako umimik. Hindi pa rin talaga makalimutan ng utak ko ang nangyari.

Dumating kami sa mansyon at unang sumalubong sa akin ay si mama.

“Jusko Calleiah! Mabuti naman at ligtas ka na!” Naiiyak niyang saad at hinawakan ako. Narinig ko rin ang iyakan nina Fourth at Caena

“M-mommy where's daddy? Why you're not with him?” Tanong ni Caena at niyakap ako.

Hindi ako nakaimik agad. Napatingin din ako kay Aria na ngayon ay nakatingin din sakin

“Nabaril si Gavin. He's in the hospital right now, kritikal ang kondisyon, but don't worry, matapang ang isang iyon, hindi iyon mamamatay” Balewalang saad ni Sir Brent

“Just make sure dahil ikaw ang ililibing kong buhay kapag namatay siya” walang emosyong sagot ni Aria na ikinatigil niya

“You need to rest Calleiah. Babalik din si Gavin, ako na muna ang bahala sa mga bata” saad ni Aria at kinuha sina Caena at Fourth saka pinatahan na ngayon ay di na maawat sa pag iyak

Inalagaan naman ako ni mama. Panay ang asikaso niya sakin habang Ako naman ay tila Wala pa rin sa sarili.

Tatlong araw simula ang insidente ay wala pa rin akong balita Kay Gavin. Hindi na nagpakita pa si sir Brent. Gusto kong bumisita sa ospital pero hindi ako pinapalabas ng mga bantay, utos ni Gavin na manatili daw kami sa bahay

Maging si Aria ay hindi ako pinayagang lumabas, masyadong delikado sa akin.

Nabaling ang tingin ko sa labas nang may marinig akong dalawang nagbabangayan sa labas. Sa pagkakaalam ko ay nasa sala ang mga ito

Agad akong lumabas at nadatnan si Aria na nakikipag away Kay Ivy…. Napakuyom ang kamao ko nang makita ang babae

“Paano ka nakapasok dito?!” Malamig kong tanong dahilan para mabaling ang tingin nilang dalawa sakin

Natigilan naman si Ivy nang makita ako at agad na tumaas ang kilay niya.

“Oh, I thought your dead? Hindi pala Ikaw ang nabaril? Sayang naman” nang aasar niyang saad. Napakuyom ang kamao ko at agad siyang nilapitan

Dealing with the Dangerous Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon