Kabanata I

2.7K 114 27
                                    

"Tatiana!"

Habang naghihintay sa labas ng gate ng campus, napalingon ako. Papalapit ang mga kaibigan ko sa 'kin.

Nginitian ko sila hanggang sa nasa harapan ko na sila. "May nakalimutan ba kayong sabihin? O may nakalimutan akong gawin?" tanong ko.

"Ngayong nakuha na natin ang clearance, hindi ka pa rin ba sasama para sa graduation party ng block natin, Ate?" tanong ni Karla—ang lagi kong katabi sa upuan sa mga major subjects namin at naging unang kaibigan ko rito.

"Baka naman puwede kang magpaalam ulit sa asawa mo, Ate," kumbinsi pa ni Joan—kaibigan ito ni Karla mula high school at naging kaibigan ko na rin dahil kasama ko rin ito sa klase. Nangungusap pa ang mga mata ni Joan sa 'kin.

Mas bata sila sa 'kin ng ilang taon. Pangalawang kurso ko na sa kolehiyo ang Civil Engineering. Iyon talaga ang kursong nais ko mula pa noon, pero ayaw lang ni Papa na kunin ko.

When my husband and I eloped many years ago, he promised me that he'd let me enter college, again. He supported me in all ways. He wanted me to have another chance with my dreams.

At pagkatapos nga ng limang taon, ito na. Makakapagtapos na 'ko. Aakyat na 'ko sa entablado sa susunod na buwan. Makukuha ko na ang diploma ko at maghahanda na 'ko para maging isang lisensyadong inhinyero.

Isang hakbang na lang papunta sa pangarap kong akala ko noon ay hinding-hindi ko makakamtan.

"Hindi talaga ako makakapunta dahil nga sa mismong araw na 'yon, marami kaming kailangang asikasuhin ng asawa ko para sa negosyo niya," malumanay kong paalala sa kanila at pagtanggi ulit.

"Gabi naman ang graduation party, Tia. Hindi ba puwedeng kahit sumilip ka lang o magpakita saglit?" Kumbinsi pa ni Patricio, nakangiti sa 'kin nang mabait at may kaunting lambing.

Ito ang natatanging kaedad ko sa kurso kaya't naging malapit din ako rito. Katulad ko, may nauna na itong kurso at nakapagtapos. Nag-apprentice saglit. Pagkuwa'y naisipang mag-aral ulit. Kumuha ito ng kursong Civil Engineering para ipares sa una nitong kurso na Architecture.

"Sige na, Ate Tia," ungot din ni Albert—kaedad nina Karla at Joan. Naging malapit na rin sa 'min dahil naging ka-grupo namin noon sa mga group plates. "Ikaw lang ang kulang doon sa party. Pumunta ka na. Kahit isama mo pa si Mr. Lemuel."

Mapagpasensya pa rin ang binigay kong ngiti sa kanila. "Hindi mahilig sa kasiyahan si Alvaro, pasensya na talaga."

"Sayang naman kasi, Tia," dugtong pa ni Patricio. "Pinaghandaan talaga iyon ng mga bata."

Biro namin iyon sa mga kaklase naming mas bata sa 'min. Napagkatuwaan naming tawagan silang mga "bata". Ang tanda namin sa kanila ay limang taon at kami ni Patricio ang ate at kuya ng block.

"Gusto mo ba, Ate, kahit kami na ang magpaalam kay Mr. Lemuel para sa 'yo?" prisinta ni Karla. At kahit tila itinatago nito, kapansin-pansin naman ang pagningning ng mga mata.

"Oo nga, Ate! Ipagpapaalam ka namin kay Mr. Lemuel," segunda pa ni Joan na napangiting parang kikiligin. "Baka naman makumbinsi namin siya katulad noong mga nakaraang gumagawa tayo ng thesis sa bahay niyo."

Bahagya akong natawa. They had a huge crush on my husband, kaya't mas pabor sa kanilang kausapin si Alvaro—maski sinusungitan na sila ng asawa ko at ako pa ang nahihiya sa kanila. Because I know Karla and Joan are harmless girls. Humahanga lang talaga sila kay Alvaro.

Wala lang sa 'kin iyon. Dahil mapagpasenya nga ako sa mga babaeng masyadong agresibo makuha ang atensyon ni Alvaro mula nang tumapak kami ng Maynila, paano pa kaya iyong simpleng humahanga lang?

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon