Tuwing imumulat ko ang mga mata ko sa umaga, una kong mabubungaran ang mukha ni Alvaro.
Sa loob ng maraming taon, masaya palagi ang nagiging simula ng araw ko dahil sa kanya. Panatag ang tibok ng puso ko at kumpleto na agad ang pakiramdam ko.
Tulog pa si Alvaro. Mahimbing kung pagbabasehan ang maginhawang pagtaas-baba ng dibdib niya.
Inilapat ko roon ang palad ko—mismong sa tapat ng kanyang puso—at dahan-dahan ay umangat ang haplos ko hanggang sa pisngi niya.
Tuwing umaga, dinadama ko at sinisigurado kong totoo ang lahat ng ito. Dahil sa katunayan, hindi ko pa rin maisip na ang isang magandang panaginip ay tatagal ng maraming taon.
Mula nang magpakasal kami ni Alvaro, tinuring ko ang buhay ko na 'to na isang magandang panaginip at hindi ko kailangang gumising.
Noong bata ako, parang ang layo-layong makamtan ko ang ganitong klaseng buhay noon. Ang palagay ko noon, palagi na lang akong mangangarap.
I thought I was stuck being my father's daughter forever. I had sadly accepted before that Papa would never let me be who I wanted to be. Habambuhay akong makukulong sa mga responsibilidad ko sa kanya at sa aming hacienda. He was punishing my late unfaithful mother through me.
Wala na halos akong pag-asa noon na makakawala pa sa bakal na kamay ni Papa. Tinanggap ko nang hindi ko rin mararanasang mahalin, maalagaan, mabigyan ng halaga...
Until the Lemuels entered my life. At kahit pa hindi rin sa maganda nauwi ang relasyon ko sa mga Lemuel, Alvaro stood and fought for me.
He gave me my dream life. I'm living it because of him. How can I not continuously fall in love with him?
Umusod ako palapit sa kanya at saka ko inangat ang ulo ko. I planted a kiss on his forehead.
"Thank you..." I whisper that every day to him. All the things I only wished to happen before are only happening now because of him.
Hindi nga lang perpekto. Pero sino ako para umangal pa?
May maginhawang buhay ako ngayon. Malayong-malayo sa mabibigat na kamay ni Papa. Nakalaya na 'ko sa hawla ng kasalanang hindi ko naman ginawa.
May asawa na akong tapat at mapagmahal. Hindi ako pinababayaan. Ibinibigay lahat ng kailangan ko. Ibinibili kahit ang maliliit kong mga luho.
Although Alvaro isn't a very perfect partner, who is, anyway?
How can one be ungrateful to this exact kind of life like mine? I can never be not thankful to my Alvaro Lemuel...
Ang panalangin ko na lang siguro ngayon ay magbago pa ang isip niya tungkol sa mga kaibigan ko.
Ayokong tumalikod na naman sa isang magandang samahan.
Sapagkat kung sasayangin ko na naman iyon, anong kasiguraduhan kong pagkakatiwalaan pa 'ko ulit ng Diyos ng mga bagong kaibigan sa susunod? Kung lagi ay parang sinasayang ko?
I sighed, again. Tinitigan ko si Alvaro at unti-unti na lang natunaw ang mga ngiti ko. Nalulungkot lang ako na palagi bang ganito?
Lagi ba 'kong mamimili sa pagitan ng pagkakaibigan at ni Alvaro?
Hindi pa 'ko nakakabangon sa guilt ko sa ginawa ko kay Sylvan kahit ilang taon na. Madadagdagan pa ba iyon sa mga kaibigan ko ngayon?
Ano bang dapat kong gawin?
Kahit naiintindihan ko ang takot at selos ni Alvaro. sigurado naman akong hindi gagawin ng mga kaibigan ko ngayon ang ikinababahala niya.
At sa ilang taong magkasama kami ni Patricio sa klase, naramdaman ko mang may pagtingin ang lalaki sa 'kin ay hindi ito gumagawa ng kahit anong hakbang na lalagpas sa pagkakaibigan. Paano ko ba 'yon patutunayan kay Alvaro?
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
General FictionWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...