Hindi ako laging natutuwa sa tuwing nagpaparaya si Kuya Sylvan para sa 'kin.
Siguro, noong mas bata ako ay kinalulugdan ko iyon. Sinong bata ang hindi magpapasalamat sa kanyang kuya na sinalo ang kasalanan para hindi siya ang maparasuhan?
Sinong bata ang hindi matutuwang mas pinipili ng kuya niyang ibigay ang huling piraso ng pagkain sa kanya? Sinong bata ang hindi ikaliligaya na sa tuwing may mga laro ay hinahayaan siya ng kanyang kuya na manalo?
Sinong bata ang hindi masisiyahan na sa tuwing may gusto siyang gusto rin ng kanyang kuya ngunit nag-iisa lang, at ang bata ang nakakakuha dahil hinayaan ng kuya?
As a child, Kuya Sylvan has always been the brother I look up to the most. Because he's generous enough and always thinking of my benefit. He takes care of us, but mostly—of me. It wasn't a secret that Kuya Sylvan and I were each other's favorite siblings.
Subalit sa pagtanda ko, unti-unti na 'kong nagsasawa na ganoon pa rin si Kuya. I'm not a little boy anymore.
Call me ungrateful and full of pride, but sometimes, I silently dislike when Kuya Sylvan's intentionally gives way for me.
Iyong tipong nagpaparaya siya para siguradong ako ang mananalo sa isang laro—na ang labas sa 'kin ay tila iniisip niyang mahina ako kaya't magpapatalo na lang siya.
Hindi ba naniniwala si Kuya Sylvan na makakaisip ako ng ibang paraan para manalo nang hindi niya kailangan magparaya? Kung iniisip niyang kailangan niyang magpatalo para lang lumigaya ako, puwes nagkakamali siya.
Hindi niya alam na mas ipinaparamdam niya sa 'king wala akong binatbat sa kanya. At para hindi ako maging talunan, magbibigay na lang siya?
Ang pagiging mapagbigay ay isa sigurong marangal na pag-uugali. Ngunit sana'y kilatisin din ang pinagbibigyan.
I wanted to be treated with equal footing.
Ilang beses ko nang ipinaparamdam at ipinararating kay Kuya Sylvan na hindi na 'ko bata para ingatan niya ang damdamin o ang kainosentehan ko.
Hindi na 'ko isang alagain. I am a grown man—an adult like him. We will always be brothers, but he should stop treating me like a child with fragile feelings.
Ito rin siguro ang dahilan ng pagtatalo ng isip ko ngayon. Gusto ko siyang kausapin tungkol kay... Tatiana.
I wanted to be fair and frank that we're liking the same girl.
Dahil noon kay Bree (kahit natipuhan ko ang dalaga ay hindi naman iyon lumalalim), unang beses kong nakakitaan si Kuya Sylvan ng angas. I was silently impressed that he won't back down when I said I like Bree, too. Hindi siya magpapatalo. Hindi siya magpaparaya kahit iisa kami ng nagugustuhang babae.
Unang beses kong naramdamang kinilala ni Kuya Sylvan na may laban ako sa kanya.
That's what I need to get from him—to be acknowledged that I'm also a strong opponent—a worthy rival.
Ikinatuwa ko pa 'yon noon, pero nang lumaon din naman ay nawala na ang pagkagusto ko kay Bree.
Wala akong interes magka-nobya. Wala akong oras makipagligawan dahil sa tingin ko ay sagabal pa sa mga pangarap ko.
Isa pa, bulag lang ang hindi makakakita ng kabaliwan ni Bree kay Kuya Sylvan. Why would I even try? Sayang lang sa lakas at oras. Some things—or person—are not worth fighting for.
But I believe Tatiana could be worth it.
Except, I couldn't sense the same grit Kuya Sylvan had for Bree before. Iyong angas kung sakali mang aminin ko sa kanyang nagkakagusto rin ako kay Tatiana...
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
General FictionWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...