Kabanata XLIV

1.5K 131 14
                                    

Wala pa sa kalahati ng biyahe patungong ospital, nakatulog na si Thalia. Sinigurado kong komportable ang anak ko sa likod ng kotse. Nakaunan ito sa dalang backpack. Yakap-yakap pa ang laruang bigay rito ni Alvaro noon—a brown teddy bear.

"Buhay pa pala 'yang laruang 'yan o bago na?" tanong ni Sylvan, tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho.

Binalingan ko siya. Nakaupo ako rin ako sa harap. "It's still his childhood toy..."

Umangat ang gilid ng labi ni Sylvan. "Paborito niya nga ang oso na 'yan. Laging katabing matulog ni Alvaro noong mga bata pa kami."

"He has great attachment to things important to him." Umayos na 'ko ng pagkakaupo nang masiguro kong hindi mahuhulog ang anak ko sa puwesto nito sa likuran

"And obsession to certain... people," dagdag ni Sylvan sabay matuling sulyap sa 'kin.

Marahan akong napalabi. "Gagawin niya lahat, huwag lang mawala. O papayag lang siyang palitan kung mas gusto niya ang kapalit..."

"He told me he sold his entire vintage camera collection when you eloped," sabi ni Sylvan, nakangisi pa rin. "Para maibili lahat ng pangangailangan mo. You did run away with him empty-handed. Wala kang dala-dala. Minadali ka niyang umalis o desisyon mong iwan lahat-lahat?"

Bumaling ako kay Sylvan. He's very light and casual about this topic now. Hindi nagtatago ng kahit anong galit, tampo, o sama ng loob.

"Noon pa 'ko may gusto kay Alvaro, Sylvan. Unang araw pa lang na pormal mo 'kong pinakilala sa kanya, gusto ko na siya. We share a wide interest with books...

"Kahit masungit sa 'kin at hindi niya 'ko pinagkakatiwalaan noon, hinahangaan ko pa rin siya... Kahit noong hinayaan lang nating kumalat na nililigawan mo 'ko, hinihilling ko sanang makuha ko rin ang atensyon niya. Sa tuwing tinatanong mo kung gusto ko siya at tanggi lang ako nang tanggi, lalo ko lang siyang napapansin..." Matagal ko nang gustong ipaliwanag 'to kay Sylvan.

"Tumigil lang ako at hininto ang pagpapantasya ko sa kanya noong sineryoso natin ang relasyon natin. Sinagip mo 'ko mula kay Papa, Sylvan. Ginagawa mo lahat para maialis ako sa abuso. Kaya ang maibibigay ko sa 'yong kapalit ay buong katapatan ko. I was ready to forget all about Alvaro. When we planned to get married, I was ready to be faithful to you. Because you have earned it. You're my... savior. I owe my freedom to you."

"I'm sorry," sambit niya, sa kalsada lang ang paningin. Ngunit na sa akin ang buong pandinig. "Hindi ko gustong maiparamdam sa 'yo na utang na loob mo sa 'kin ang buhay mo, Tia. Kaibigan kita. Sinasagip kita sa maraming rason. Una, hindi ko kayang sikmurain na nabubuhay ka sa pang-aabuso. Pangalawa, hindi ko kayang maging matapang noon para sa 'min ni Brescia... Kaya sa 'yo ko naibuhos."

Tumango-tango ako. Naiintindihan ko ang parteng iyon.

"Siguro may punto rin si Alvaro kahit na baluktot ang mga ikinilos niya. He knew that once we're married, we will just be both... playing safe. We will just be both spending the rest of our lives in a very comfortable love..."

"And we wouldn't grow from that..." Ako na ang nagdugtong. "Pero sa maniwala ka o sa hindi, masaya naman ako sa relasyon natin noon, Sylvan. Dahil nandoon pa rin ang pagkakaibigan nating dalawa. I felt how we both tried to love each other more than a friend. Ngunit ang mali lang siguro, ginagawa natin 'yon para lang may takasan..."

Marahang tumango si Sylvan.

"Patawad..." Nakatingin pa rin ako sa kanya. "Patawad na umabot pa sa puntong mabibigyan kita ng kahihiyan bago ko napagtanto na si Alvaro ang gusto kong makasama habambuhay. I struggled a lot when he started telling me he loves me too, and he's kissing me behind your back... And I'd respond to his kisses..."

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon