Pagsapit ng bukang-liwayway, dahan-dahan na 'kong lumalabas ng kuwarto bitbit ang isang overnight bag.
Tahimik na tahimik ang buong palapag ngunit sa baba ay naririnig kong nag-uumpisa na ng mga gawaing-bahay sina Ate Lani.
Isinukbit ko ang overnight bag sa balikat ko. Wala sana akong planong magtagal sa Constantia, subalit titingnan ko pa kung anong magiging takbo ng kapalaran ko roon.
Pagkababa ko, agad akong binati ni Barbs. "Magandang umaga, Miss Tia." Napasulyap ito sa bitbig kong bag. "Aalis ho kayo?"
"Oo. May bibisitahin lang ako sa Constantia. Kung sakaling hanapin ako ni Ni—ng t-tatay ko, pakisabi na lang sa kanya."
"Ah, hindi pa po ba kayo nagkikita? Sabagay po, gabing-gabi na siya nakauwi kagabi."
"Alam niyo bang uuwi siya ngayon dito?" At kasama ba talaga si Tita Valentina?
"Nagbilin lang 'ho kahapon sa tawag, na baka nga raw po umuwi si Senyor rito dahil may inasikaso raw na negosyo sa karatig bayan. Hindi pa po sigurado kahapon. Ngunit umuwi nga ho kagabi si Senyor Hilario at..." Natigil si Barbs, parang nahihiya dugtungan ang sasabihin.
Nakaramdam naman ako. Kahit sila siguro, hindi inaasahan na may kasamang babae si Ninong? Si Tita Valentina nga.
"Dito rin ba natulog si Tita Val?" tanong ko na lang.
Napakurap si Barbs at saka tumango. "Nasa guest room 'ho nagpapahinga si Ma'am Val..."
Ah, kilala rin nila si Tita Valentina, kung ganoon. Ibig din bang sabihin, hindi ito ang unang beses na dinala ni Ninong si Tita Val dito?
Nang maalala kong wala nga pala dapat akong pakialam, napailing na lang ako.
"Tutuloy na 'ko, Barbs. Ayoko nang mang-abala ng iba kaya't kung hahanapin man ako, sabihin mo na lang na may papasyalan ako. Baka bukas na 'ko umuwi o... tatawag na lang ako kung mas mapapatagal pa 'ko roon."
"Sige 'ho. Mag-iingat po kayo ng anak niyo, Miss Tia."
Binigyan ko ng mabait na ngiti si Barbs bago ako lumabas at tinawag ang tagapagmanehong si Manuel. Isa itong binatang nasa treinta anyos na at laging naghahatid-sundo sa 'kin sa plaza noong nagpupunta pa 'ko roon.
Nagpahatid ako kay Manuel hanggang sa sakayan ng jeep.
"Sigurado 'ho kayo, Miss Tia? Bibiyahe kayo ng dalawang oras sakay ng jeep? Mas magiging komportable po kung ako na mismo ang maghahatid sa inyo," prisinta pa ulit ni Manuel mula nang sumakay ako ng kotse.
"Baka kailanganin ka rito at nandyan ang totoo niyong amo."
"Si Senyor Hilario po? Eh, mahigpit nga 'ho ang utos sa 'kin ng iyong ama na lagi kayong sasamahan kahit saan niyo nais magtungo. Upang hindi na rin ho kayo mahirapan lalo na't nagdadalang-tao 'ho kayo."
Napahaplos ako sa munting umbok at marahang napangiti. "Maraming salamat, Manuel, pero kaya ko pang bumiyahe ng jeep. Maliit pa naman ang dinadala ko."
Huminto na ang kotse sa mismong harap ng mga nakahilerang jeep na patungo sa iba't ibang bayan ng Amora mula sa Fatima.
"Iyong sa dulo po ang jeep patungong Constantia, Miss Tia. Nagpupuno pa po sila ng mga pasahero."
Tumango ako. "Salamat, Manuel." Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan.
Pagkalabas ko pa lang ay naramdaman ko bigla ang pandog ko. Naiihi ako bigla. Kailangan ko munang mag-banyo dahil mahaba ang biyahe at tuloy-tuloy pa kung jeep.
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
Fiction généraleWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...