The devil's whisper is the loudest after it is fed from pain. More weeks passed by. I want to scrap all scientific and logical explanations of immunity.
Seeing Tatiana and Kuya Sylvan together didn't make me used to it. It didn't make me numb.
Lalo ko lang nararamdaman na nagseselos ako at masakit sa dibdib ang nakikita kong masayang relasyon nilang dalawa.
Mas naipamumukha lang sa 'king tila talunan akong hindi makaimik, bawal umalma, at walang karapatang magreklamo sa kung anong mga nasasaksihan ko.
"Pasensya na kung nagsusungit ako kanina. Hindi ko rin sinasadyang mabulyawan ka."
I stopped from double checking the financial records last quarter. Nanatili akong nakayuko, ngunit naging matalas ang pandinig.
Kararating lang ni Tatiana ng opisina. Iyon ang bungad sa kanya ni Kuya Sylvan. I don't know the context, but it gave me the idea they caught a quarrel.
"Nagkapatong-patong lang ang trabaho," patuloy ni Kuya. Mababa ang tinig, nanunuyo. "Hindi na 'ko uulit."
Hindi ko narinig na sumagot si Tatiana. I don't want to look at them no matter how curious I have gotten. Tutal, mukhang wala silang pakialam na nandito ako. Dapat ay wala rin akong pakialam kung magsuyuan sila ilang hakbang mula sa 'kin.
"Hindi ko sinasadya—"
"Lagi mo namang hindi sinasadya, Sylvan." I finally heard Tatiana. Malumanay at mahina, ngunit hindi naitago ang tampo. "When you're grumpy, you lash out crudely to anyone. You're impatient to the tiniest mistake."
"Nakakaputol lang din kasi ng pisi iyong paulit-ulit ko nang pinagsabihan, pero hindi pa rin sumunod. Kapag nagkamali ang iba, ako ang kailangang magtama! Hindi naman ako nagkulang sa paalala, pero sa bandang huli ako rin ang maaabala!"
"Hindi mo 'ko kailangang sigawan..."
My brother groaned in fast regret. "I'm sorry. I'm sorry, honey..."
Tinalikod ko ang upuan ko sa kanila. Hindi ko na narinig tumugon si Tatiana, pero narinig ko ang paghalik ni Kuya sa pisngi ng dalaga. At hindi ako ignorante para malaman kung saan pa maaaring sumayad ang halik na iyon.
Kahit nagtatalo o mahina silang nag-aaway, naiirita lang ako lalo. Kahit anong pagtalunan nila, eksperto si Kuya Sylvan sa gagawin upang umamo muli ang nobya.
Masyadong marupok at mahina 'tong si Tatiana. Nilambing lang, pinangakuan lang, bumibigay na ulit kay Kuya Sylvan.
Tatiana Hope Baltazar, you keep on disappointing me! You could do better than this. You could be better than this! You're smart! You shouldn't be acting this... this weak!
I'm disappointed in you.
Yet, I still want you.
Nasisiraan na 'ko ng bait.
Hindi ko na gustong bilangin o balikan pa kung ilang beses na kailangan kong manahimik at magpanggap na hindi 'ko kasama sa iisang kuwarto o lugar sina Kuya at Tatiana.
I was holding on by a thread. Hindi ko alam kung kailan bibigay. At malakas lang ang kutob kong oras na mapatid iyon, makikinig na 'ko sa demonyo sa isip ko.
Don't you want to be in perfect control, again?
There goes another whisper from the hellion. While I was reading a book, it suddenly popped out. It's not my own voice...
Batid mo ba ang katumbas ng nararamdaman mo ngayon, Alvaro Ignacio Lemuel?
Para kang inaapi. Bakit hindi ka lumaban ulit? Kawawa ka riyan. Kinakawawa ka ng sarili mong kapatid? Ni Tatiana? Makita mo lang sila, nawawala ka na sa tamang pag-iisip?
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
General FictionWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...