Kabanata XXXVII

930 52 2
                                    

Inabutan ko si Tatiana ng matamis na tubo. Sabik niya iyong kinagatan nang maliit at marahang sinipsip ang matamis na katas.

I was bothered how her lips sucked the sugar cane. Hindi naman mali ang ginagawa niya. Pero... pero hindi ko maipaliwanag.

Those lips... I never kissed any girl. This is the first time I'm particularly interested in a pair of lips—sucking out a sugarcane's juice, then smiling at me.

"Ang sarap nito, Alvaro. Matamis!" Bahagyang umangat ang mga balikat niya, tanda kung gaano siya natamisan doon.

Mula ng araw ding iyon, hindi na matanggal sa isip ko ang mga labi ni Tatiana. At that time, a juice from a sugar cane was left on her lips, I wanted to wipe it away.

But with my own lips.

How do you even kiss a girl? I read somewhere that it comes naturally, and only gets better when kissing becomes a regular thing.

Tatiana, paanong gusto na kita ngayon? Gusto kong sa 'kin lang ang atensyon mo, pati na mga labi mo?

Parang hindi na 'ko mapakali. Hindi ako matahimik hanggang sa hindi ko nahahalikan si Tatiana.

Pero wala naman iyon sa plano. I can only kiss her once she becomes mine, right?

Naninibago ako sa sarili ko. Wala akong pakialam sa mga ganitong bagay noon.

I turned to a huge pile of books. Now, what should I buy? Minsan lang ako nakakapunta sa National Bookstore dahil walang ganito sa Constantia.

Lumuwas ako ng Maynila ngayon para makipag-usap sa ilang business colleagues at consultants.

I was collecting advices after advices. Two years from now, I got to start my own business venture. Maagang natapos ang mga meeting kaya't bago umuwi ng probinsya, mamimili ako ng mga bagong libro.

Ano rito sa ang magugustuhan ko... at ni Tatiana? Could I just buy everything? But what if some books are not according to Tatiana's taste while I'm interested in it?

This is weak. Since when did I care about buying books not according to my taste alone?

Binili ko ang mga nagustuhan kong libro. Ipapabasa ko 'to kay Tatiana. Dapat ay magustuhan niya dahil gusto ko.

"Ipapahiram mo sa 'kin?" Namilog ang mga mata ni Tatiana habang inaabutan ko siya ng isang librong tungkol sa politika at giyera.

"Basahin mo. Mabigat at malaman ang mga nakasulat. You get a glimpse of why there's always a fight for power. Everything is politics."

Hinaplos niya ang pabalat at binuksan ang ilang pahina ng libro. "Salamat sa pagpapahiram mo, Alvaro. Hindi pa 'ko nakakabasa ng librong ganito ang paksa."

Kinabukasan, ibinalik na sa 'kin ni Tatiana ang libro. "Pasensya na, Alvaro. Masyado ngang mabigat ang paksa para sa 'kin. Mukhang hindi ko na kayang tapusin."

Napatuwid ako ng likod. Bakit hindi niya gusto, gayong gusto ko ang libro? "Hindi mo ba maintindihan, Tiana?"

"Hindi sa ganoon. Maganda ang pagkakasulat ng libro. Madaling basahin at intindihin. Ngunit may mga bagay riyan na hindi ako sang-ayon. Kaya't mas mabuti pang hindi ko na ipagpatuloy. Madumi ang politika. Hindi na bago iyon. Subalit hindi ko kayang mabasa pa ang karahasan para sa kapangyarihan. The voice of the author was too... dictating."

"How would you know, Tiana? You could not hear the words."

"Sa mga ginamit na salita, sa pagkakahabi ng mga pangungusap... O sa akin lang ganoon ang dating. Maybe the book and the writer's perspective is not just for me. It's too... ruthless. I respect challenging views, but this book is too... forceful. Perhaps, for me."

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon