"Matagal ka wala, Alvaro? Pa'no tayo lalaro?"
I bent down my knees to the floor and held my daughter's tiny hands. I met her innocent round eyes and smiled. "Pitong gabi lang naman. May kailangan lang akong asikasuhing trabaho sa Maynila."
"Malayo 'yon, Alvaro? Hindi malapit? Kaya matagal?"
Tumango ako. "Babalik ako. Babalikan kita. Maglalaro tayo ulit pagkatapos ng isang linggo. Marunong ka naman magbilang, hindi ba, Thalia?"
Tumango-tango ito. "Isa, dalawa, tatlo, apat... lima... anim... puto..."
"Pito," I gently corrected.
Humagikgik siya. "Ay, mali! Pito pala. Akala ko, Alvaro, puto! Gugutom yata ako, eh!"
This little girl's wit! Kung saan man niya namana, natutuwa ako. Naaaliw akong napangiti at hirap na hirap akong bitiwan na siya. Only if I could take her with me.
I softly caressed her hair. "Ano palang gusto mong pasalubong sa pagbalik ko, mahal na prinsesa?"
Napangiti na ito. "Laruan at saka pagkain. Puto! Marami, ha? May pera ka ba, Alvaro? Bigyan kita para may baon ka!"
I couldn't contain my laughter any longer. Then, I quietly pulled my daughter inside my arms and kissed the top of her head over and over. Mabuti at hindi naman umaangal si Thalia.
She let me hold her until her nanny came in for her bedtime. I kissed my little daughter one last for that night. I would miss her for a week. But it's a need for me to go for a while.
Or else, it would be hard to start ignoring Tatiana's presence. I need a head start. Kung magiging epektibo iyon, hindi ko sigurado. Pero kailangan kong subukan para malaman.
Kumakaway-kaway pa sa 'kin si Thalia bago ko tuluyang isara ang pinto pagkalabas ko. Humugot ako nang malalim na hininga. I wanted to open the door again, to see her until she falls asleep. Ngunit mabilis na rin akong tumalikod at tuloy-tuloy akong bumaba sa hagdan.
Deretso lang ang paningin ko. It takes a lot of strong will not to look back. But I did leave successfully. Nag-empake ako ng gamit pagbalik ng kubo at naglinis. Then, I went straight to sleep.
I was hitting the road hours later. Pasikat pa lang ang araw ay umalis na 'ko at kinuha ang kotse sa garahe ng isang kamag-anak kung saan ko ipinatatago iyon.
Once I reached Manila, it would be office hours. Plano kong dumiretso na muna sa opisina ko. I called my assistant already para magawa ko na rin ang mga dapat kong gawin, lalo na't hindi naman ako madalas lumuluwas at nagtatagal sa Maynila. Ngayon na lang ulit. Ang huli ay kalahating taon na yata ang nakararaan.
I also left wearing my corporate clothes already. By ten in the morning, I was greeted by my employees. Ang una kong ginawa ay mag-ikot roon habang kasama ang assistant at operations manager. Salitan sila sa paglalahad ng mga naganap noong wala ako.
My textile business is developing slowly, yet smoothly. Sa nakalipas na taon, hindi naman nauubusan ng mga kliyente. May mga nawawala, pero may mga pumapalit din.
I decided to take things gradual but stable with the business. Lalo na nang ipinanganak si Thalia at hindi ko na laging matutukan ang negosyo kung nasa Constantia ako.
I couldn't maximize its full potential because it would demand most of my time. I settled with the operations slow growth now. At least it gains a reasonable profit. My employees get to keep their jobs, too.
Pagkatapos mag-ikot, pumunta naman kami sa warehouse ng mga tela. Nag-uumpisa nang maluma ang mga pintura sa dingding. I asked it to be repainted. I noticed several faulty wirings. May ilang ilaw na napundi na rin at hindi pa napapalitan.
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
General FictionWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...