Kabanata XVII

859 61 6
                                    

Ayon sa sulat ni Ninong Hil, sa buong linggong ito ay nandito siya sa Maynila para sa isang mahalagang pagtitipon. Nakalagay rin sa sulat kung saang hotel siya maaaring puntahan kung sakaling matanggap ko na ang sulat.

May mapupuntahan ako... That's why the first thing that came inside my mind was to run away from Alvaro.

Labis na ang sama ng loob ko sa mismo kong asawa, hindi ko na sigurado kung kaya ko pang mapigilan ang emosyon ko sa pag-uwi niya.

I have to get away—find an immediate escape. And maybe, God wanted me to go, too. I believe it's not merely a coincidence that Ninong's letter came at the perfect time I needed some help.

Nagbayad na 'ko sa taxi driver pagka-parada nito sa harap ng The Manila Hotel. Pinagbuksan ako ng pinto ng doorman at inalalayan pa 'ko sa pagbaba ng taxi.

Dumiretso ako sa reception desk at agad na hinanap si Ninong. Tumawag naman ang receptionist sa hotel room ni Ninong para kumpirmahin kung kakilala nga talaga ako.

Ngunit mukhang walang sumasagot. Binaba muna ng magandang babae ang telepono at mabait akong nginitian.

"Mukha pong wala ngayon si Sir Hilario sa kuwarto niya. Do you want to wait until we can try to contact him, again, Ma'am Tatiana?"

I politely smiled back, too. "I'm f-fine with it. Can I wait here at your lobby?"

Magarbo, malamig, at maraming tao ngayon sa malaki at maluwag na lobby. Ngunit may mga bakanteng upuan pa rin naman akong natatanaw.

"Wala pong problema, Ma'am. Tatawagin po namin kayo kung sakaling may sumagot na mula sa kuwarto ni Sir Hil."

Tumango ako at nagpasalamat. Umupo ako sa isang dulo ng cabriole sofa. Sumandal ako at sandaling pinikit ang mga mata.

I stabled my breathing. Kahit alam kong hindi naman malalaman ni Alvaro na nandito ako, kinakabahan akong mahanap niya.

I could still hold my tears, but once I saw him, I knew I'd break.

Ang lahat ng nalaman ko kay Karla ay pagpapatibay lalo sa narinig kong sinabi ni Alvaro kay Vio noong isang gabi.

Iyon ang nag-iisang katotohanan... Pakana ng asawa ko ang lahat. He gave Karla the opportunity and paved way to... betray me.

How could my own husband do that to me? How could he silently manipulate and orchestrate all of those things in a short period of time?

Why is he... obsessed about just the two of us together? Bakit napaka-literal?

I'm aware he's possessive of me, and I thought it's a natural thing since I'm his wife. Ganoon rin naman ako minsan dahil ayoko siyang mawala sa 'kin. For me, he's mine the way I am his.

Hindi lang ako selosa sa mga babaeng nagtatangkang makalapit sa kanya, katulad ni Mrs. Salesiana.

But I won't ever do what he just did to me. Sa katunayan pa nga, nais kong magkaroon ng mga kaibigan si Alvaro. Gusto kong mas lumaki ang mundo niya, ngayong imposible pang magka-ayos sila ni Sylvan.

Si Alvaro lang ang may ayaw magkaroon ng kaibigan at doon kami magkaiba. If he's fine without having friends, I am not!

Lalo na kung siya ang naglalayo sa 'kin sa mga tao.

Bakit naging ganito si Alvaro? Kasalanan ko ba? Didn't I assure him enough with my love?

Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal na nakaupo lang sa lobby habang nag-iisip.

Nang tila bubuhos ang mga luha ko dahil malamang hinahanap na 'ko ni Alvaro ngayon at nag-aalala na siya, sinubukan kong huwag na siyang isipin.

I should not care if he's probably worried and frantically looking for me. For the first time in my life, I wanted to return the emotional turmoil someone gave me.

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon