Kabanata XVI

944 55 3
                                    

"Congratulations, Mrs. Lemuel. Sundin mo lang lahat ng ipinayo kong gawain at pagkain. Sabayan mo rin ng mga nakalistang bitamina rito." Inabutan ako ng reseta ng bagong OB-GYN na pinuntahan ko

"Sa unang pagsusuri ko sa 'yo kanina, mukhang wala kang magiging problema sa pagbubuntis." Nakangiti ang matandang babaeng doktor sa 'kin. "You can come back for another check-up next month."

"Maraming salamat po." Sinuklian ko ang ngiti nito. At nakangiti ako hanggang sa paglabas ng klinika. Napahaplos pa 'ko sa maliit ko pang tiyan.

Pero nalusaw din ang mga ngiti ko nang maalala kung bakit kailangan pa 'kong maghanap ng ibang OB at klinika para lang makumpirma ang kalagayan ko.

Dahan-dahan akong nagpakawala ng hangin. Bago ako pumara ng taxi, umupo muna ako sa bakanteng upuan na nasa gilid ng gusali kung nasaan ang klinika.

Tumingin ako sa malayo at napatulala na naman. Nararamdaman kong unti-unting kumikirot ang dibdib ko, pero hindi ko hinayaang maiyak dito.

Dalawang araw na 'kong nagpipigil at pasikip lang nang pasikip ang dibdib ko.

Hindi ko pa rin alam kung paano kong... kakausapin si Alvaro.

The morning after I heard what he said, I couldn't look at him in the eyes. Mabuti na lang at kasabay namin si Vio sa agahan kaya't silang magkapatid ang nag-uusap.

Mabuting nasa iba ang atensyon ni Alvaro hanggang sa kailangan niya nang pumasok sa trabaho. Hindi ako masyado makaimik, pero sinikap kong magkunwari na maayos lang ang lahat.

But when he kissed me, I felt something for the first time—disgust.

Disgust for my own husband that I love... At ang sakit-sakit sa pakiramdam 'yon.

Puwede ko namang tapatin si Alvaro, eh. Puwede ko siyang tanungin ng tungkol sa mga sinabi niya kay Vio noong isang gabi—pero kapag kaharap ko na siya, naduduwag ako bigla.

Kaya ko namang kausapin ang asawa ko para malaman ko pa ang mga rason niya kung paano niyang nagawa sa 'kin 'yon. Ultimo kasabwatin si Karla para lang masira ang pagkakaibigan ko sa kanila...

Pero hindi ko magawang tapatin agad si Alvaro.

I'm afraid.

Hindi ako natatakot kay Alvaro mismo. Ngunit natatakot ako sa katotohanan na kaya niya ngang gawin iyon.

He's always been the epitome of deep intelligence to me. Hindi basta-basta si Alvaro Ignacio Lemuel. Like the books we like reading, he knows nonsense...

But how could he do such a thing?

Since we eloped and got married, he's been a very loving husband to me. There's no day he won't tell me he loves me. I've learned to grow secure in his daily devotion to me.

Masipag pa sa negosyo si Alvaro. Ginawa niya ang lahat para mapalago ang sinimulang negosyo nang hindi nawawalan ng oras sa 'kin. Pinalago niya iyon para kumita at mabili ang lahat ng pangangailangan ko. Pati na ang maibigay sa 'kin ang mga gusto ko.

He filled the gaps and void inside me because of how he takes care of me.

Kaya, oo. Mahirap sa 'king maniwala na totoo lahat ng narinig ko kahit na galing na mismo sa mga bibig ni Alvaro ang mga salita.

Gusto ko pang kumbinsihin ang sarili ko hanggang kaninang umaga na baka panaginip lang 'yong mga narinig ko noong mga oras na 'yon.

Because how can my intelligent and devoted husband do something like that to me? Ang hirap maniwalang kaya niyang gawin iyon. Na kaya niyang manipulahin ang sitwasyon para mawalan ako ng mga kaibigan?

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon