Hinding-hindi ko na makakalimutan ang naging panaginip ko, ngunit natutunan ko na ring umakto nang maayos at tila hindi natataranta sa tuwing nakikita si Alvaro sa paglipas ng maraming linggo.
Sometimes, I still blush a little. But no one knows about my dream. Ako lang. Kung puwede ko sanang ibahagi kay Sylvan, pero ayoko talagang may makaalam pang iba.
Nito lang ay tinatanong na naman niya 'ko kung may gusto ako kay Alvaro. Alam kong may mga napapansin na siya. Pero tatanggi ako hanggang sa makakaya ko.
Ito 'yong mga pagkakataong hinihiling kong sana ay may kaibigan din akong babae katulad ni Bree. Hindi ko na matantiya kung hanggang saan ko pa kayang kipkipin mag-isa ang nararamdaman ko kay Alvaro.
But since I have no female friends, I should just learn how to manage. Kakayanin ko na lang katulad ng mga bagay na dati ay kinakaya ko ring pilit mag-isa. Isa pa, hanggang ngayon din naman, may mga hindi ako masabi kay Sylvan katulad ng pananakit sa 'kin ni Papa...
Umiling-iling ako at binalik ang atensyon sa binabasa kong libro. We're already in the middle of the semester. Ten weeks more before I have to pass the first part of my chosen thesis topic. Nakapag-umpisa naman na 'ko sa pagsusulat. Mabilis kong nasimulan pagkatapos aprubahan ng thesis adviser ang topic.
I should be writing the related literature by now. That's why I'm diligently researching and reading every book that I borrowed from the college library.
Sumandal ako sa katawan ng puno. Nandito ako sa paborito kong pinupuntahan sa kakahuyang nasa labas lang ng hacienda. Payapa ang pakiramdam ko rito.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nagbabasa. Nasa malilim na parte ako, subalit natamaan na 'ko ng mainit na sikat ng araw. I stopped reading and searched for a spot with more shade.
Hanggang sa nakalipat ako sa puno kung saan nakilala ko si "Ignacio" na si Alvaro din pala. I touched the tree where he leaned. Dito... Dito ko unang nakausap si Alvaro.
Even before I met him as Alvaro Lemuel, he made my day bright with just one deep and sensible talk. Kaya siguro, hindi ko napigilang magustuhan siya kahit pa noong ayaw niya sa 'kin dahil naghihinala siya...
Naghihinala siyang baka may planong hindi maganda si Papa kaya't bigla akong pinasok sa kanilang farm.
At siguro nga ay may binabalak si Papa. Subalit dalawang taon na at wala namang ginagawa si Papa na hindi maganda. Tuloy-tuloy lang ang pag-uusig niya sa 'kin na maging nobyo na si Sylvan.
"Ano pa bang hinihintay mo at hindi mo pa siya sinasagot? Ilang taon ba ang balak mong paabutin bago mo siya gawing nobyo? Nasa iyo na ang lahat ng pagkakataon! Paano kung magsawa siya dahil diyan sa pagpapakipot mo? Tonta!" napipikang saad ni Papa sa 'kin kamakailan lang.
"P-Papa, k-kaunting...kaunting panahon pa po..."
"Panahon pa? Gaano bang katagal na panahon ang kailangan mo? Hindi ka pa ba siguradong hulog na sa 'yo ang loob ni Sylvanno? Gayong sa pagkakarinig ko ay hindi siya tumitigil sa panliligaw sa 'yo?!"
Napalunok ako at napayuko pa lalo ng ulo.
"Iniisip mo ba ang mga bulungan na naglalabas siya ng babae habang nanliligaw sa 'yo? Puwes, Tatiana, natural sa isang lalaking may ganoong pangangailangan!"
Tumayo si Papa at mariing dinutdot ang sentido ko. "Tandaan mong maghahanap iyon ng ibang babae kung ganyan ka! Kung sinagot mo naman sana agad si Sylvan, at ikaw na mismo ang magbigay ng pangangailangan niya? Bilisan mo at matagal na 'kong nagtitimpi. Hindi ka marunong! Istupida!"
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
General FictionWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...