Kabanata XII

898 66 10
                                    

"Lemuel, Tatiana Hope Baltazar. Bachelor of Science in Civil Engineering, Magna Cum Laude."

Masigabong palakpakan ang umalingawngaw, pinakamalakas yata ang galing sa mga kaklase ko.

Hinawakan naman ni Alvaro ang kamay ko at inalalayan ako sa pag-akyat sa stage. Pagkuwa'y pinauna niya 'kong makipagkamay sa mga importanteng tao sa itaas niyon.

Hanggang sa inabot sa 'kin ng Dean ng kolehiyo namin ang diploma. Habang ang batch adviser naman namin ang nagbigay kay Alvaro ng medalya para sa Latin Honor ko.

My husband and I faced each other. Nakangiting sinabit niya sa 'kin ang medalya. Pagkatapos ay maingat niya pang inayos ang mahaba at nakakulot kong buhok sa likod.

"I'm very proud of you, Tatiana." He pulled me for a quick hug and light peck on the cheeks. "I love you."

Malaki ang mga ngiti ko nang pinaharap kami sa camera para kumuha ng larawan. I slid my fingers to his and we held hands until we went down the stage.

Inangat ni Alvaro ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon.

"Thank you for paying for my tuition, Mr. Lemuel. I'm your first scholar," nakangiting biro ko sa kanya.

He smirked a little. "Worth every penny. Complemented by your service in bed."

Uminit ang magkabilang pisngi ko at marahan ko siyang hinampas sa dibdib. "Baka may makarinig..."

He chuckled quietly. "Well, everyone knows you're married to me."

Hinalikan niya ulit ang likod ng kamay ko—doon malapit kung saan nakasuot ang wedding ring namin.

Pagkatapos ay binitiwan niya na ang kamay ko para makabalik kami sa mga upuan namin. I'm with the other graduates while he's with the guests.

Nagtapos ang seremonya sa pag-awit ng graduation song at sumunod ang university hymn. Umalingangaw ang palakpakan nang may bumati ulit ng congratulations para sa lahat ng nagsipagtapos.

Nagsimula na rin ang mga batian at yakapan naming mga magka-klase. Hindi mawawala ang mga may dala ng sarili nilang camera.

I suddenly remembered that Alvaro sold his camera collection to sustain the start of our marriage. I promised him I'll buy him a camera again once I'm an engineer already.

"Ate Tia! Dito naman! Smile!"

Hindi ko na mabilang kung sa ilang larawan ako napasama.

Nakakatuwa naman. Noong unang nagtapos ako sa kolehiyo, hindi ganito karami ang magiliw sa 'kin.

Nag-iiba nga ang takbo ng buhay kung hindi lang ako susuko...

"Congratulations, Ate Tia!" Magkasabay na bati sa 'kin nina Karla at Joan.

Magkasabay din silang yumakap sa 'kin. I embraced them as tight. Sumunod ay bumati rin sa 'kin si Albert. Niyakap ko na rin ang binata.

Sumunod ay kusang si Patricio ang lumapit sa 'kin. There's a tender look in his eyes as he smiled at me. "Congratulations, Tatiana."

"Congratulations, Patricio!" Masigla kong bati at sinuklian ang ngiti nito.

He pulled me for an embrace which I responded to, too. I even gave him a light pat on the back.

Ngunit saglit akong natigilan nang parang tumagal ang pagkakayap niya sa 'kin, at hindi ko guni-guni ang paghigpit niyon.

"Pat—" I stopped as I was surprised when he left a quick kiss on my cheek.

Pero wala naman sigurong malisya iyon. Lahat ng tao ngayon ay mataas ang kaligayahan. Baka nadala lang ito.

Kaya't hindi naman nabawasan ang ngiti ko sa kanya nang magkaharap ulit kami. Magkaibigan kami ni Patricio. Limang taon din kaming nagkasama.

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon