Kabanata XVIII

853 61 9
                                    

Hindi ko alam kung tama ang desisyon kong manatili... Pero napagtanto ko rin na tama nga ang palagay ko.

    Mahina ang puso ko pagdating kay Alvaro. No matter how hurt and angry I was with what he did, I could not leave him.

    The moment he begged and cried for forgiveness and another chance, I didn't just see his heart. I saw his soul that reflects mine.

    I used to beg like that... Not for forgiveness—but for the chance to be loved.

    Naaalala ko pa ang mga gabi noon na lagi akong nagdadasal sa Diyos, nagmamakaawa habang umiiyak... Humihingi ako ng pagkakataon na maranasan ko namang mahalin nang tama ni Papa.

    Those prayers were never heard. Iyon pala, kahit umiyak pa 'ko ng dugo, hinding-hindi ako mamahalin nang tama ni Papa dahil hindi... hindi niya 'ko totoong anak.

    Pumikit ako at nilabanan ang sakit sa dibdib ko. Pinilit ko ring huwag nang umiyak. Kawawa na ang anak ko...

    "Tiana?"

    Hindi ako kumibo kahit narinig ko naman si Alvaro. We're now in our bed and trying to get some sleep. Nakatalikod ako sa kanya ng higa habang yakap niya 'ko mula sa likuran.

    "You're bothered..." he easily noticed. "Kung... Kung tungkol ulit s-sa... sa k-kasalanan ko, sabihin mo sa 'kin agad kung may naisip ka nang gawin ko para makabawi. Gagawin ko lahat ng gusto mo, Tiana..." I felt his lips on the blade of my shoulders.

    Lumipas na ang ilang araw. Lagpas isang linggo 'ko nang kinikipkip ang tungkol sa sulat ni Papa, at ang pagbubuntis ko. Hindi pa alam iyon pareho ni Alvaro.

    Napansin kong mula nang tinapat ko siya tungkol sa ginawa niya, mas naging maingat siya kumilos tuwing malapit sa 'kin.

    Para siyang isang tuta na lagi lang nakaabang sa sasabihin ko na parang amo niya 'ko. Parang... iniisip niya sigurong oras na magkamali siya ay kaya kong iwanan siya ulit.

    Magmula din ng gabing iyon, lagi nang mababaw ang pagtulog niya. Kaunting kislot ko lang para magbago ng posisyon sa paghiga, nagigising siya at biglang hihigpit ang yakap sa 'kin.

    "Wala pa 'kong naiisip sa ngayon," malumanay kong sagot.

    Sa totoo lang, hindi ko na rin inaasahan na maaayos pa kung anong mayroon sa 'min ni Karla. At hindi na 'ko aasa pang magkakaayos kami nina Patricio, Joan, at Albert. Dahil dapat muna nilang malaman ang ginawa ni Karla at Alvaro para malinis ang pangalan ko.

    Para malinis ang pangalan ko at maging kaibigan ko ulit sila, si Karla naman ang masasaktan.

    Ganoon siguro katalino si Alvaro, mapait kong naisip. Wala naman siyang magagawa para maayos ang lahat. His plan was irreversible. Sapagkat, oras nga na malaman nina Joan na ako ang nagsasabi ng totoo, si Karla naman ang mapapahamak...

    Ang tanging solusyon lang para hindi na magulo ang buhay nina Karla ay manahimik na lang ako. May sariling konsensya ang babae at bahala na siya kung paano niyang dadalhin iyon sa araw-araw.

    All I can do now is... just swallow everything and dwell with Alvaro.

    I can't leave him. I still love him. I gave him a chance, but I knew something has changed now.

    I love him, but it silently scares me of how much Alvaro could do.

    Ngunit asawa ko siya. I gave him my eternal vow. My heart still beats for him. I forgave him...

    Oo, pinatawad ko siya nang buong puso dahil unang beses lang naman nangyari 'to. Isang beses lang ang ginawa niyang pagmamanipula at nagsabi na siyang hindi na uulit...

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon