Kabanata XXVIII

1.1K 69 7
                                    

May siyam na bayan ang Amora. Ang bayan ng Quiteria ang kapital ng probinsya. Ito ang may pinakamalaking sukat ng lupa at pinakamaraming populasyon.

Sa dulo naman ng Quiteria ay may dalawang sangang daanan patungo sa natitira pang mga bayan sa Amora.

Ang kanang daan ay patungo sa mga bayang Romina, Milagrosa, Dorotea, at Fatima—ang dulong bayan kung saan ako itatago ni Ninong.

Ang kaliwang daan naman ay patungo sa bayan ng Constantia, Lucianna, Esmeralda, at Felicita—ang hangganan ng Amora at pagkalagpas ay kabilang probinsya na.

Once the car passed by the crossroads, I avoided looking at the road going to Constantia. Pinikit ko ang mga mata ko at niyakap ang tiyan ko. Tinikom ko ang bibig ko at hanggang sa makakaya ko ay nagpigil ng mga emosyon.

Pagkatapos ng anim na oras na biyahe, in-anunsiyo ng assistant ni Ninong na dumating na kami sa private property nito.

Hindi na 'ko nagulat nang makita ang tatlong palapag na rest house. Naglalaro sa krema at tsokolate ang pintura sa labas.

It was a Spanish-inspired construction or rather, a restored house from the Spanish era. May mga halatang dinagdag lang katulad ng safety grills sa mga bintana at isang malawak na patio. There's also a medium-sized fountain on the right side of the rest house that's obviously a garden.

Hindi nga lang nakikita ang gandang iyon mula sa labas dahil sa napakataas na steel gate na may dalawa pang security guard na nagbabantay.

It's indeed a place where one can rest peacefully. I would marvel and describe it more vividly only if I don't feel wrecked inside. Ni hindi ko napansin ang mga katiwala at kasambahay na bumabati pala sa 'kin.

Namalayan ko na lang na dinala na 'ko ng assistant—na ni hindi ko tinanong man lang ang pangalan—sa kuwarto na ookupahin ko.

Napakalaki niyon at pagpasok ko ay malinis, maaliwalas, presko, at kompleto sa lahat ng kagamitan. Mayroon pang sariling banyo. Mayroon ding malaking bintana na ang tanawin sa labas ay mga puno at ang munting bayan ng Fatima.

Nakatulala lang ako roon at sinubukang hangaan ang tanawin. Subalit pagkalabas ng assistant pagkatapos nitong magbilin at pagkarinig na pagkarinig kong sumara ang pinto, nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

Sinara ko rin ang bintanang capiz at saka hinarang ang mga kurtina. Dumilim sa buong silid at doon na 'ko napahagulhol ng iyak.

Napaupo ako sa paanan ng kama at tinakpan ng kamay ang bibig ko. Yet, I keep weeping. My heart is broken.

Nakaalis at nakalayo ako ng walang aberya. Malayo na 'ko kay Alvaro at hindi niya na 'ko mahahanap... Pero masakit... Masakit pa rin lahat-lahat sa 'kin.

I cried in anger.

I couldn't forgive him after seeing those photos and the words he wrote for Sylvan.

Kalabisan na ang pinsalang iniwan ni Alvaro sa mismong kapatid niya. At galit din ako kay Bree na tinulungan si Alvaro na saktan ng ganoon si Sylvan, pati ang ma-kompromiso ang dignidad ko!

I cried for a broken love.

I successfully left my cunning husband. Pero hindi tagumpay ang nararamdaman ko. Kinaya kong maging matapang na layasan siya. Posible ring oras na mabasa ni Alvaro ang iniwan kong sulat ay maibalik ko sa kanya ang kalahati ng sakit na nararanasan ko ngayon...

Pero hindi madaling mawala ang pag-ibig na ilang taon kong iningatan para sa kanya. Lumago rin iyon nang lumago nang magpakasal kami.

All those years of harmony and joy while married to him... I'm very much in love with Alvaro Lemuel, but now it's over.

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon