Kabanata XLIII

1.5K 143 24
                                    

Tatlong araw lang nawala sina Alvaro at Sylvan, ngunit tila nagbibilang kami ni Bree ng habambuhay. Ayaw naming mag-isip nang masama masyado, pero parehas kami ng kutob na tila may hindi tamang nangyayari.

The day that Alvaro didn't call Thalia for the first time, I was only worried for my daughter. Iyak nang iyak si Thalia dahil inabangan buong maghapon ang tawag ni Alvaro katulad noong mga nakalipas na araw. Lagi silang magkausap at nagbibilang talaga si Thalia ng mga araw hanggang sa pag-uwi nito. Umaasa ang bata sa lahat ng sinasabi ni Alvaro.

Naging mahirap patahanin ang anak ko kahit kargahin at yakapin ko. Hanggang sa mismong si Thalia na lang ang napagod. Nakatulugan ang pag-iyak habang hanap-hanap pa rin si Alvaro.

Hindi pa 'ko nag-alala sa kanya agad dahil naisip kong baka abala lang ang magkakapatid na Lemuel. Hindi ko nakakausap sa telepono si Alvaro mula nang umalis ito. Talagang si Thalia lang ang kumakausap.

Isa pa, tumawag naman sa 'kin si Shy. She informed me how her known brothers pursued her and how they reconciled.

Si Vio na lang ang hinahanap nina Sylvan at Alvaro. Kaya naisip kong baka natagpuan na nila ang bunsong Lemuel at naging matagal ang pag-uusap ng magkakapatid.

However, when the second day that Alvaro didn't call Thalia, my daughter cried in sadness. Madali lang palinawagan ang bata sa kabila ng edad nito. Nakakausap ito nang maayos pero iba ang palahaw ng iyak ni Thalia noong araw na iyon.

Nagpapayakap naman sa 'kin pero ramdam ko ang lungkot sa mga iyak niya. At parang nagiging tunog na parang... nagluluksa.

Naaawa na 'ko sa anak ko. Hindi ko alam kung gaano kahalaga sa kanya si Alvaro bilang "kalaro", pero unang beses kong narinig ang anak ko na umiyak nang ganoon.

When I called Bree, that's when I found out that even her daughter was upset. Pangalawang araw na ring hindi sila tinatawagan ni Sylvan.

Sumama na nang tuluyan ang kutob ko. There's a hint of panic in Bree's voice, too.

Nag-alala na rin ako. Maraming simple at mababaw na rason kung bakit hindi makakatawag ang tao sa loob ng isang araw kahit nakapangako.

Pero sa pangalawa at pangatlong araw?

Mabilis kaming kumilos ni Bree. We might be overthinking or overreacting, but we used all our connections just to have an update about Alvaro and Sylvan's whereabouts. Ikalulugod pa namin kung mali kami ng kutob at nang-abala ng mga tao para sa wala. Kaysa 'yong hindi kami kumilos agad at sa bandang huli ay kailangan pala nila ng tulong...

I called Shy. Then Shy called our biological father. Ninong Hil has more power in Bicol. Nasa Albay sina Alvaro at Sylvan kaya't kayang impluwensiyahan siguro ni Ninong ang ilang tao o kapulisan para hanapin ang magkapatid.

Bree and I also asked for the town mayor's help since he is related to the Lemuels. Nawawala rin pala ang mga biyenan ko.

Lalo lang kaming nag-aalala kung nagkataon lang bang sabay-sabay na nawawala ang pamilya Lemuel? O may koneksyon ang biglaan nilang paglaho lahat?

It was the third day that my father called me and gave me essential information that he gathered. Kinumpirma ko ang mga sinabi ni Ninong at tinawagan ko rin ang tinutuluyan dapat nina Alvaro sa Albay. It verified my father's report.

I called Bree and informed her, too. Hindi pa nahahanap sina Sylvan at Alvaro, pero positibong kasama nila si Vio...

O hawak sila ni Vio.

"Sinamahan ni Valentina si Shy papunta ng Amora. I gave them bodyguards to accompany and protect them. Mukhang may ideya sila kung saan puwedeng nandoon ang magkakapatid. Pati sina Siarah at Ignacio. I'm staying here to ensure my granddaughter's safety..." imporma pa ni Ninong nang tumawag ulit sa 'kin para sa mga karagdagang impormasyon.

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon