Kabanata XXV

1.2K 52 17
                                    

Unti-unti na 'kong nasasanay sa relasyon namin ni Sylvan. Malaking tulong din sigurong araw-araw kaming magkasama, kahit Linggo pa.

"Bakit hindi ka na lang sumama sa 'king magsimba sa loob?" tanong ko pagkatapos niya 'kong ihatid isang umaga.

He shrugged. "Hindi ko gusto. Hihintayin na lang kita. Magka-kape muna ako sa plaza."

Tumango na lang ako. Alam kong kaibigan at nobya niya 'ko, pero kahit ganoon ay wala ako sa lugar upang pilitin siya.

Sylvan leaned over to kiss my forehead before he turned his back away from the church. Ako naman ay tumalikod na rin at pumasok sa loob ng simbahan.

Tuloy-tuloy ako sa madalas kong puwesto—five rows far from the altar. Sampung minuto na lang bago mag-umpisa ang pagsamba, kaya naman ginamit ko ang oras na 'yon para magdasal at magpasalamat.

Hindi ko na alam kung paano pang dasal ang gagawin ko para sa 'ming dalawa ni Papa. Hindi ko rin naman maitatago sa Diyos na umaasa pa rin akong... mamahalin din ako ng sarili kong ama ngayong may "silbi" na 'ko para rito.

But I just can't find the right words to pray for. I only believed that the heavens already understood the silence inside me.

Huli kong ipinagdasal ang relasyon namin ni Sylvan at si Sylvan mismo. Hindi naman siya mahirap mahalin at puspusan din ang nakikita kong kagustuhan niyang mahalin din ako ng higit sa nakasanayan naming dalawa.

I prayed that whatever Sylvan and I have right now would help him heal from his broken heart.

Alam ko naman kung sino talaga ang hinahanap-hanap ng puso ni Sylvan. Sana lang, dumating ang araw na maging buo na ang kapayapaan sa kalooban niya.

Tapos na 'kong magdasal at eksaktong nag-umpisa na ang pagsamba. Habang kumakanta ang koro, at saka ko lang naalalang hindi ko naipagdasal ang sarili kong puso...

Pagkatapos noong kumain kami sa restaurant, na dalawang linggo na rin yata ang nakalilipas, hindi ko na ulit nakikita si Alvaro. Kahit nakabalik na rin ako sa Lemuel Farm, hindi ko na siya nakikita palagi.

"Pabalik-balik si Alvaro ngayon sa Maynila, may inaasikaso," imporma sa 'kin ni Sylvan nang hindi ko na mapigilang magtanong isang beses.

Napatango ako. "Kaya palagi siyang wala rito...?"

"Kasali siya sa isang samahan ng mga batang negosyante. Nagpapatulong yata siya sa ibang miyembro niyon kung anong negosyo ang puwede niyang simulan."

Napakurap ako. "Magtatayo ng sariling negosyo si Alvaro?"

Tumango si Sylvan. "Hindi ba niya nabanggit iyon sa 'yo kahit minsan? Matagal niya na 'yong plano dahil lumago ang perang napalalunan niya noon pa. Nasa unang taon siya sa kolehiyo nang maipadala siya sa Estados Unidos para lumaban sa isang international academic competition. He won the first place. Malaki-laki ang perang naiuwi niya at pina-invest sa kanya ni Papa. Alvaro's only sixteen at that time. Ten years later, his money grew. Puwede na siyang mag-umpisa ng sarili niyang negosyo."

Napangiti ako. Hindi na 'ko nagulat na ganoon kagaling si Alvaro... But my smile slowly faded when I remembered my heart shouldn't admire him any further.

Humawak ako sa kamay ni Sylvan. Para ipapaalala ko lang din sa puso ko kung sino ang dapat kong hinahangaan ng higit. "Wala ba siyang plano na gamitin na lang para rito sa farm?"

Humawak pabalik si Sylvan sa kamay ko at hinila ako nang marahan. Until he settled me on his lap. "Mabuti nang wala rito ang pera ni Alvaro. Ayaw rin ni Papa. He was the one who encouraged Alvaro to explore other business ventures. Lalo na't sariling pera ni Alvaro iyon at hindi naman galing kina Papa o Mama."

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon