Present time...
Alvaro was only confused because he really thought I was a foe. Pinipigilan niya raw magkagusto sa 'kin dahil kutob niyang may binabalak kaming masama ni Papa sa farm nila.
Pero nahulog pa rin daw ang loob niya sa 'kin. Hanggang sa napatunayan niyang mali ang akusasyon niya sa 'kin.
Alvaro and I... Parehas lang pala kaming nagkakagustuhan noon pa. Gusto namin ang isa't isa. Naging komplikado lang dahil walang umaamin sa 'ming dalawa...
But remembering my 18-year-old self back in Constantia, I unexpectedly enjoyed knowing the Lemuels. Hindi ko inaasahan na ang utos na iyon ni Papa ang maglalagay ng maraming kulay sa 'king mundo.
I gained a trusted friend through Sylvan.
Then I experienced admiring someone in secret and let my imagination wander in illusion that maybe someday we could be together.
Ten years later, here I am and married to Alvaro Lemuel for five years now.
Inalis ko na ang tingin sa kalangitan. Ibinaba ko na ang mga mata ko at napayuko naman sa open field ng campus. Bitak-bitak ang tuyong lupa dahil tag-init pa.
Sudden sadness surged in my chest. The cracks reminded me of the broken relationships I made just to be with Alvaro. I remembered friends I promised I'd never betray...
Huminga ako nang malalim at napailing-iling. Hinanap ko na lang sa gitna ng maraming tao ang puwesto ng block namin para sa graduation practice. Nakipagbatian ako sa mga kaklase nang mahanap ko sila.
Maya-maya'y dumating na sina Joan at Albert. Sumunod si Patricio. Huli si Karla.
Binati ko silang lahat katulad ng nakasanayan. However, seeing Patricio reminded me of Alvaro's warnings to me. Pero hindi ko muna pinansin 'yon.
I ignored Alvaro's voice in my head. I want to focus on my upcoming graduation and being with my friends.
Hindi ko alintana ang tagal at init habang nagpa-practice dahil nagkukuwentuhan naman kaming magkakaibigan.
"May nakita na ba kayong review center? Saan ba ang maganda?" tanong ni Albert. "Kung saan kayo ay sasama na lang ako."
"Mabuti pa nga!" ani Joan. "Para sama-sama pa rin tayo hanggang sa pagkuha ng board exam. At saka sabay-sabay na papasa!"
Sabay pang lumingon sina Joan at Albert sa 'min. Nasa likod nila kami dahil pa-alpabeto ang paghahanay. Si Patricio ay Lacorte. Lemuel ako kaya't magkatabi kami.
"Kayo, Kuya Pat? Ate Tia? Saan niyo plano?"
"Let's take the review center near our village. Maganda roon. It's managed by a relative. Naka-produce na sila ng ilang topnotcher sa Engineering," ani Patricio. "Malapit lang din 'yon dito."
"Then let's all enroll there!" Napapalakpak pa si Joan.
Napansin kong hindi masyado umiimik si Karla na nasa tabi nito, ngunit nakikinig naman sa usapan.
"Ikaw, Ate Tia? Doon ka na lang din! Para magkakasama pa rin tayo," kumbinsi ni Albert
"Sandali, sandali. Baka wala pang plano si Ate Tia na mag-review at mag-board exam kaagad!" Mapanukso akong tiningnan ni Joan. "Baka naman may balak ka munang magpahinga, Ate? Pinaplano niyo na bang magka-anak na ni Mr. Lemuel?"
Napasipol si Albert. "Oo nga pala! Nabanggit mo noon, Ate. Pagkatapos ng kursong 'to, at saka kayo mag-a-anak ni Mr. Lemuel!"
Bahagyang nag-init ang magkabilang pisngi ko. Ngunit hindi ko mapigilan ang mapangiti.
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
Ficção GeralWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...