Content warning. Read at your discretion.
Kabanata XXVI
"I see. You already met Valentina."
Ibinaba ni Ninong Hil ang tasa ng kape. He gave me a weak smile. "Pinagsisihan ko ang mga pagkakamali ko noong kabataan ko, Tatiana. Maniwala ka. I should have known better that Val was the love of my life. Ngunit huli na nang mapagtanto ko 'yon. Masyado na rin akong maraming kasalanan sa kanya. At sa pagkamatay pa ng sana'y anak namin... Alam kong hinding-hindi na 'ko makakabalik pa kay Valentina."
Napatitig lang ako kay Ninong. I could hear the sincerity and regret in his voice. I could even see it in his whole demeanor.
Hindi sa gusto kong manghimasok sa nakaraan nila ni Tita Valentina. Lalo na't kakakilala ko pa lang sa ginang noong nakaraang linggo.
But I guess what Tita Val revealed affected me. Because for most of my years growing up—although Ninong Hilario was not always present, he's a "good" father-figure that I admired.
Hindi iilang beses na naisip ko kung paano kaya kung si Ninong ang aking naging ama? Sa mga pagkakataong nakikita ko siya, lagi siyang mabuti at maingat sa 'kin na para akong anak nito. Palangiti pa si Ninong at masiyahin ang personalidad. Lahat na kabaliktaran ni Papa...
Kaya't siguro nang malaman ko kahapon na bibisita si Ninong ngayong araw, kinumbinsi ko ang sarili kong marinig ko rin sana ang panig niya.
Hindi ako ang tipong nagtatanong sa isang tao na magkuwento ng tungkol sa buhay nila, pero hindi na talaga maalis sa isip ko ang mga nalaman ko kay Tita Val.
Mabuti na ring maagang dumating si Ninong at may inaasikaso pa si Papa tungkol sa maisan kaya't hindi pa bumabalik dito sa mansyon. I grabbed the chance though I was nervous to ask at first. But Ninong Hil was accommodating to me when I opened the topic.
I noticed he was taken aback when I started mentioning about meeting his ex-fiancée, and the stories of the past that I learned.
"Matanda ka na ngayon, hija, kaya't inaasahan kong maiintindihan mo na rin. I hope you don't make the same mistakes. Sana'y hindi ka mahuli sa pagtanto kung sinong tunay na kailangan at minamahal ng iyong puso. Bagaman, bata ka pa rin naman at..." Bahagyang kumusot ang ilong ni Ninong. "Pag-isipan mong mabuti kung ang nobyo mo ngayon ay tunay na para sa 'yo. Bagaman diskumpiyado ako sa mga Lemuel..."
"Mabait at mabuting tao po si Sylvan, Ninong."
"Sana nga at nang hindi ka masaktan. Paano kung ang nobyo mo ay... katulad ko? O ng kanyang ama? Mas mapaglaro sa 'kin si Ignacio noon."
Tumikhim ako. "Nabanggit po pala ni Tita Val na maayos na po kayong dalawa..." Paglalayo ko ng usapan kay Sylvan o sa mga Lemuel. Hindi naman sila ang pinag-uusapan dito.
"She forgave me, Tia. But Valentina won't ever forget. She was pregnant with a broken heart. Isa iyon sa mga dahilan kaya't hindi naging matagumpay ang panganganak niya. And I blame myself for that. Because of my unfaithfulness and irresponsibility, we lost our child. Kaya't mahirap din sa 'kin ang bumuo ng pamilya mula noon, Tia... Iyon ang tunay na dahilan..."
Tumanaw sa malayo si Ninong. "I couldn't marry anyone, not because there's no more women who's willing, but... I did not stop blaming myself for losing a child and Val." Napabuntong-hininga ito. "I tried to pursue her again years later, but she already made up her mind.
"She's fine with me as long as I won't bother her. We're not enemies, but we're not friends. She doesn't hate me, but she doesn't care for me, either. And I completely understand her. That's why this is my self-punishment... To love her from afar and not to settle down. I don't deserve to have my own family, anyway."
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
Ficción GeneralWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...