Kabanata XLV

1.6K 142 40
                                    

Magkahawak-kamay na naglakad kami ng anak ko papasok ng simbahan. It's been a long time since I went to church for a Sunday morning.

Hindi ko na matandaan kung kailan ako eksakto huminto sa pagsisimba. Ang naalala ko lang, lagi akong nagsisimba mag-isa parati noon.

I remembered it was my old nanny, Nanay Elisa, who first brought me to church. Walong taong gulang ako noon nang unang beses makapasok sa simbahan at makaranas ng simbang gabi para sa paparating na kapaskuhan. Unang beses ko rin yatang naramdaman ang gaan sa dibdib.

When I was a child, although I could not understand it totally yet, there was always the feeling of serenity when I enter the church. Kasama kong magsimba si Nanay Elisa hanggang sa bago ito palayasin ni Papa.

Dalagita na rin ako noon at kahit wala na si Nanay Elisa, nakakapuslit ako kay Papa para magsimba tuwing Linggo ng umaga. Gigising ako para sa unang misa. Isang oras lang naman iyon. Hindi nagsusumbong ang mga kasambahay kay Papa.

Siguro'y noon pa man, kahit hindi nila ako maipagtanggol kay Papa ay gagawin nila ang makakaya upang matulungan akong makalasap ng katiting na kalayaan at kaligayahan.

It went on and on. Ako lang lagi ang mag-isang nagsisimba. Kahit kabi-kabila ang nakikita kong mga pamilya at magkakaibigan na sama-sama, tanggap kong mag-isa lang ako hanggang sa pagsisimba.

Noong nagdalaga ako, minsan ay sinasabayan ako ni Salem. Pero madalang lang at bilang sa daliri. Nang maging magkaibigan naman kami ni Sylvan, isang beses ko lang itong naaya at sumama naman. Ang kaso, hindi na naulit at hindi ko na rin pinilit.

Noong magpakasal kami ni Alvaro, umaasa akong may makakasama na 'kong asawa sa pagsisimba. However, Alvaro was frank with me about his personal stand in religion and faith. Naniniwala naman siya sa posibilidad na may Diyos na lumikha ng lahat. It's just that, he's skeptic about Jesus Christ who claimed to be the son of God.

He's doubtful about how Christ was the ultimate sacrifice by bearing the sin of all people in all nation—in every generation of the past, present, and the future.

Kahit ganoon, hindi niya naman ako kinokontra kung naniniwala ako roon. Hindi niya rin naman ako pinigilan magsimba, pero hindi lang din niya 'ko sinasamahan. Hinahatid lang ako ni Alvaro sa simbahan at pagkatapos, susunduin niya 'ko at kakain kami sa labas at mamamasyal.

Before I stopped entering churches, I was always all by myself. Hindi iyon problema sa 'kin noon, kahit na inaamin kong ipinagdasal ko rin sa Diyos na sana'y dumating ang panahong hindi na 'ko mag-iisang sumamba sa Kanya.

At umasa rin ako noon na oras na may mga anak na kami ni Alvaro, makukumbinsi ko rin siyang sumubok at isang buong pamilya kaming magsisimba...

Magkakahawak-kamay na papasok ng simbahan...

Humigpit ang hawak ko sa maliit at malambot na kamay ni Thalia. Niyuko ko siya at napangiti ako. Nasagot naman ang dasal ko kahit papaano.

My daughter's wearing an orange Sunday dress and a pair of white Mary Janes that I bought for her. Itinali ko rin sa dalawang pigtails ang buhok niyang may natural na kulot. Then, I tied ribbons with a color matching her dress.

Tahimik na pangarap ko rin yata 'to dati. Siguro naibulong ko rin sa langit, naisingit isang beses sa dasal—na magkaroon ako ng babaeng anak na madadamitan at matatalian ko ng buhok. Iyong matutuwa na pinapasuot ko sa kanya ang mga bestida at sapatos na hindi ko malayang nasusuot noong ako ang nasa edad niya.

Mapalad na lang din ako at mismong si Thalia ay gusto ang mga binibili kong kasuotan para sa kanya.

I thank God for giving me my daughter.

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon