Hindi ako makatulog.
Kanina pa 'ko pabaling-baling sa kama ko. Hindi ko na malaman kung anong posisyon ang dapat gawin para lang makaramdam na 'ko ng antok.
Sa tuwing ipipikit ko na kasi ang mga mata ko'y napapadilat ako sa nakikita ko. Tila kinikiliti ang dibdib at sikmura ko.
Hindi ko maintindihan.
Kung magpapatuloy ang kiliti, hinding-hindi na 'ko makakatulog pa. Maagang maaga pa naman akong pinapapapunta ni Sylvan sa sakahan dahil dapat ko raw obserbahan ang pag-aani ng mga palay sa ganoong oras. Para raw maikumpara sa mga nakukuhang ani tuwing hapon. May pagkakaiba ba talaga iyon?
Dumapa ako ng higa kahit sinabihan na 'ko ni Nanay Elisa noong maliit pa 'ko na bawal daw matulog nang nakadapa ang buong katawan. Maiipit daw ang dibdib, at mahihirapang huminga nang maayos.
Pero sinubukan ko pa rin dumapa sa pagkakahiga para lang dalawin na 'ko ng antok.
Pinikit ko ang aking mga mata.
Alvaro's smiling face flashed in my mind, again. Nahirapan na 'kong huminga.
Napadilat ako at napatihaya na lang ulit ng higa sa kama. Huminga ako nang malalim habang nakatitig na sa kisame.
I'm helpless. I think I won't be able to have a proper sleep or maybe I won't be able to sleep at all until tomorrow.
Should I blame this all on Alvaro's smile now?
How can he possess such a remarkable smile? O ako lang ang hindi makalimot? Bakit sa tuwing pipikit ako, iyon lang ang nakikita ko?
Maganda rin naman ang ngiti ni Sylvan, ah? Pati ni Ninong Hil. Lalo na ang kay Papa! Pero bakit hindi naman ako napupuyat sa mga ngiti nila?
Bakit kay Alvaro lang?
Huminga ulit ako nang malalim at marahang pinakawalan iyon. Niyakap ko ang isang unan malapit sa dibdib ko. Mula sa kisame, pumaling na 'ko sa nakabukas kong bintana.
Mas malamig ang simoy ng hangin sa gabi. Kaya't hindi ako gumagamit ng air-conditioner. Mataas na rin ang ikalawang palapag ng mansyon at puno ng guwardiya ang lupain kaya't siguradong walang magtatangka na pasukin ako.
At kung hindi ba naman, nananadya rin ang madilim na langit? The stars are twinkling but the moon is a crescent moon. Hugis ngiti...
Ngiti ni Alvaro...
"Bakit ikaw ang nagustuhan ko?" pabulong kong tanong habang nakatitig sa buwan, pero nakangiting mukha ni Alvaro ang nakikita ko.
"Bakit ikaw kahit alam kong ayaw mo sa 'kin? Kahit kaibigan, ayaw mo. You see me as an enemy... Kaya bakit ikaw ang gusto ko?"
Dapat yatang ako ang nagtatanong sa sarili ko. Dahil ako lang naman ang makakasagot kung bakit nagustuhan ko si Alvaro, hindi ba?
Pero mismo ako, hindi ko alam kung bakit! Ang dami-dami ko na ngang tanong, nadagdagan pa.
At parang nakakahiyang itanong sa Diyos ang mga tanong ko ngayon dahil sa 'kin dapat nanggagaling ang sagot.
Sinubukan ko ulit ang pumikit. Hindi na 'ko dumilat at hinayaan ko na lang ang sarili kong magsawa sa mga ngiti ni Alvaro na tumatak talaga sa 'kin.
Isang beses lang siyang ngumiti. Saglit na saglit lang. Pero habambuhay na yatang nakatatak sa isip ko 'yon.
Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nginitian ni Alvaro.
Dahil ba tama ang assessment ko kanina sa business proposal? O dahil tinawag ko siyang senyorito?
Halos lahat naman ng tauhan doon ay tinatawag siyang "senyorito", pero hindi siya ngumiti nang ganoon...
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
General FictionWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...