Kabanata XXXI

1.2K 94 31
                                    

Alvaro Ignacio Lemuel

Nanghihina na 'ko sa labis na gutom. Tila nahihirapan na rin akong huminga dahil sa init ng tirik na araw. Hindi ko naman puwedeng hubarin ang suot ko dahil masusunog naman ang balat ko kung walang proteksyon.

Hinulog ko sa lupa ang isang buto ng mais. Gamit ang paa kong nakatapak sa mainit na lupa, tinabunan ko ang buto niyon. Salamat na lang sa makakapal na kalyo sa talampakan ko makalipas ang ilang taon, hindi ko na alintana ang init ng lupa sa tuwing ginagawa ko 'to.

Ginawa ko nang paulit-ulit ang paghuhulog ng buto at pagtatabon niyon. Ganoon ang proseso ng pagtatanim ng mais.

Isang ektarya ang nakaatas sa 'kin na mataniman ngayong araw. Mula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali, malapit na 'ko sa kalahati.

Kung hindi ko 'to matatapos ngayong araw, hindi ako papayagang makita ang anak ko.

I swallowed my own saliva, and then my stomach started to grumble.

Maaari naman akong huminto saglit at uminom ng tubig o manghalian muna. Hindi naman ipinagbabawal sa 'kin bilang kapantay ko ng karapatan ang ibang tauhan dito sa hacienda.

However, I know that my tasks are always tougher than the others. Noong mga unang buwang paglilingkod ko rito, napaka-imposible ng lahat ng inuutos sa 'kin na matapos.

My wife knew my weaknesses—physical work under the heat of a scorching sun, being ordered around, and so much more...

Lahat ng iyon, pinaranas niya sa 'kin sa loob ng maraming taon bilang mga kaparusahan.

Kailangan kong sumunod sa lahat ng inuutos sa 'kin na trabaho. Bawal umangal. Bawal makipag-negosasyon. Bawal makipagtalo.

Tauhan lang ako. I'm not the boss anymore. I do not and cannot control anything. No one will care about what I want, as long as I'm serving in this land.

Bawal ang lampa. I experienced being laughed at because I could not carry sacks of corn properly, or I would slip every time I lift heavy materials or equipment. I was even humiliated when I didn't know how to use a plowing machine.

I know the parts and functions of every material and machine used in farms. But I never actually tried using it, and it was harder than what I read or know before.

I have no choice but to endure everything when I was just starting... Naisip ko na naman si Kuya Sylvan dahil siya ang magaling sa mga ganitong bagay...

Mas kinalulugdan niya ang mga ganitong gawain kaysa ang mga trabaho sa loob ng opisina. He was physically active, while I was intellectually effective.

I always admired how balanced we are when it comes to exertion, although it irritated the hell out of me when Kuya Sylvan couldn't make wise business decisions.

Hirap na hirap ako kakaisip noon kung paano pa isasalba ang kabuhayan ng pamilya. Habang siya... patanim-tanim lang, naghuhukay-hukay lang... nag-iikot sa buong lupain, nagbababad sa ilalim ng sikat ng araw, nagbubuhat ng mga sako-sako...

Then working here—doing all these tasks now, made me realize how harder it is to work with all your major body parts moving.

I hate to admit that I underestimated our workers and farmers before. Masakit sa ulo ang ginagawa ko noong laging pag-iisip, paghahanap ng solusyon, at paggawa ng mga paraan. Pero masakit din pala sa bawat himaymay ng katawan ang ganitong trabaho...

And they were paid less...

Huminto ako saglit sa pagtatanim. Napakurap-kurap ako at inangat ang paningin ko. I started to see black spots... I'm thirsty and starving.

Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon